na gumabay sa iyong paglaki, nagturo sayo ng abakada’t matiyagang inimulat
ka sa mundo.
Minsan pa’y pakiramdam ko’y sumasapi sa aking pagkatao ang espiritu ng Rizal.
Makabayan, determinado at matapang. Dahil kay Pepe, nag aaral akong mag-French,
mag-aaral ng Spanish at Italian at nagpaplano pang magpakadalubhasa sa Arabic.
Si Pepe ang isa sa mga impluwensiya ko kung bakit ako naging boluntaryo sa iba’t ibang
pang-pamayanan na gawain at magtayo ng sarili kong organisayon. Siya ang
naging inspirasyon kong pumasok sa pulitika sa mga darating na panahon. Minahal ko din lalo ang Literatura at Sining. Iminulat niya sa akin ang pagiging palaban. Wala akong pakialam kung ako ma’y madapa, masugatan man ang mga tuhod basta’t gagawin ko ang aking nais magalit man sila sa akin… tambangan ako sa pag-uwi o ibagsak ako sa aking asignatura. Iniimis ko ang basura ng iba, nangungu’po at opo, pinagmamalaki ko ang Chocolate hills, kumakain ng kwek kwek, sumasakay ng kalabaw, gumagamit ng tambo, nagluluto sa palayok; Iniinda ko ang gutom, diskriminasyon at kritisismo (ano lang ba iyon, katiting pa sa nagawa sa
atin ni Rizal) ---- Dahil sayo Pepe, pinagpupugay ko ang aking pagiging Pilipino.
Iilan pa lang iyan at marami pang iba. At alam ko na sa tamang huwisyo at sa disiplina’y
uunlad ako. At kung mangyari ito’y isa itong hindi mabibiling karangalan.
Sana sa pagtakipsilim ay may isa akong Teodora Alonzo na yayakapin. Na hahalikan sa kamay. Na kakausapin. Isang inang ngingiti sakin. Magagalit sakin. Magaalala. Isang inang ipagmamalaki ako ----- Ang mga bagay na nagawa ko na, ginagawa pa at mga gusto kong gawin pa.
Aking ina nasan ka?
Hindi ko alam kung nararapat ba ang aking gagawin, makakabuti ba o makakasama.
Parang gusto ring tawanan ang aking sarili dahil pakiramdam ko’y para akong si Cedie.
Ah, bahala na.
Pahapyaw sa aking personal na dinadala ay ito. Hindi ko pa nakikita ang aking ina kahit hibla man ng kanyang buhok. Wala akong ma-arok sa aking mga alaala. Isang taon ako't kalahati ng siya'y umalis. Isa siyang TNT na manggagawa sa abroad sa kadahilanan na alam na nating lahat. Siya ay nasa Europa, partikular na sa London na talaga namang isa sa mahirap na pasuking parte ng mundo.
Kinalimutan ko muna ang pagkuha ko ng Masscom o/at Film para kumuha
ng HRMCL na higit na makakatulong sa akin sa pagpunta sa nasabing lugar.
Nakakamatay ang hirap na itago sakanya ang mga nangyayari sa akin dito.
Kailangan kong magtiyaga’t magtiis. Maging independe. Pero minsan ay parang
Ang sarap maging bata at pagpa’baby at magpakampi.
Bagamat nakapag-uusap man kami ng minsana'y may pakiramdam akong pinagkakait niya sakin na siya'y makita ko. Oo, kahit pano’y hindi naman niya ako inabandona. Parang multong nagpaparamdam din naman siya. Mga kapatid, Ako'y nagmamadali ng makita siya sapagkat medyo malubha na ang kanyang sakit. Maliban sa illegalidad ay isa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi siya makauwi. Ano nga naman ang maipapanustos naming dito?
Ina, hindi ako galit sayo.
Paano ko ba sisimulan ang pagtunton sayo?
Sa mga posibleng makatulong at gustong makatulong, maraming salamat po.
Nais ko sana siyang makita. Isang araw ay sapat na. O mas nararapat kong sabihin, gagawing sapat. Sa DFA, Kay Ginang Arroyo o sa kahit sinong nasa kapangyarihan, Tulong po.
At sa kung sino man ang makakatunton sakanya para sa akin, Sa kung sino man ang nakakakilala sa kanya at makakakilala, Sa kung sino mang gustong tumulong sakin sa pagtunton sakanya, Sa kung sino mang gusto magbigay ng payo, Sa kung sino man ang isasama ako sa kanilang mga dasal... At kung sa tingin mo'y ikaw ang aking ina..
Mangyaring padalhan niyo na lamang ako ng pribadong mensahe.
At doon ko na din idedetalye ang kanyang buong pangalan o address na ayon
lang sa aking nalalaman. (Hindi lingid sa inyo na siya ay TNT at ang mga TNT o
illegal alien ay pinaghahanap ng batas)
Alam kong may mas malala pa sa aking kuwento. Mas mabigat. Mas malupit. At kung ikaw iyon at kung may magagawa ako sayo’y handa akong tumulong na abot sa aking makakaya. At kung kailangang lumampas sa limitasyon at depende sa sitwasyo’y tutulong po ako.
At ikaw na kasama pa ang iyong ina, mag-isip isip ka na. Huwag mo na siyang hintaying
mawala bago mo pa mapagtantong mahalaga siya. Masuwerte ka sa aking turing. Ang
pagkakatao’y huwag mo nang palagpasin.
Alam kong hindi ipapahintulot ng Panginoon na ako’y mamatay na hindi man lang
nagkakaroon ng pagkakataon na maramdaman ang pagmamahal ng isang Teodora Alonzo. Ng isang ina --- Dakila’t walang hihigit pa. Nananalig pa din po ako. Salamat po sa ipapadala niyong instrumento at handa din akong iyong maging instrumento.
Mga KaAgimat, Talaga namang pong maraming salamat!


