Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

Ako ay si ako..

Kung ikaw ay baguhan sa Agimat.org, isulat sa forum na ito ang iyong pagpapakilala.

Postby Mariposa on Sat Aug 04, 2007 6:42 pm

kamusta sa inyong lahat!!!!!!!!!! matagal akong nawala naging abala kasi ako sa pagaaral (lalo na sa algebra!!!!!!!!!!!) kamusta sayo maldita!!!! sana masiyahan ka dito sa agimat dahil ako nagustuhan ko talaga dito sa edad kong ito maagang nabuksan ang isip ko sa tulong narin ng agimat!! para sa inyong lahat....INGAT!!!!!!!!!!
Image

"Aking adhika makita kang sakdal laya."
Mariposa
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 47
Joined: Thu Apr 19, 2007 5:07 pm

Postby Bb. Balakutsa on Sun Aug 05, 2007 4:17 am

Nakakatuwa talaga ang usapan dito. Di ko masyadong maintindihan ang proyekto ng bata ( maldita ) hehe... kapag meron na kayong nasimulan susundan ko nlng cguro :)

Salamat ulit sa inyong malasakit. Sobrang na-appreciate ko yan mga kapatid.

Hanggang sa muli kong pagdalaw..... Kpag may topic na, eepal nalang ako ( ano daw? )

Mag ingat kau palagi ok. mmmmuah.... :)
Ako ay Pilipino!
User avatar
Bb. Balakutsa
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 70
Joined: Fri May 04, 2007 4:30 am

Postby maldita on Wed Aug 08, 2007 9:11 am

Kamusta Binibini :D asan ka na? sana nama'y namimiss mo ko!

Kamusta din Mariposa, ako'y nagagalak at tayo na ri'y nagkakilala.
grabe.. mahirap nga ang algebra :roll:
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby makahiya on Fri Aug 17, 2007 8:54 am

Hello po Binibining MAriposa.. pag-aaral ng algebra... mahirap nga po.. subalit kung nalagpasan mo ito.. nakakataba po ng puso di ba pag meron kang nasagutan sa mga takdang-aralin o mga gawaing bahay.. galingan niyo po.. :) kaya niyo yan..
Nagmamahal sa bayan, nagmamahal sa sarili.
User avatar
makahiya
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 32
Joined: Fri Jun 01, 2007 1:45 pm

Postby maldita on Fri Aug 17, 2007 6:38 pm

Tama si Makahiya.. kapag nakita mo naman ang magandang resulta mo
sa Algebra ay totoo namang nakakalobo ng puso :D
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby dumudugong_utak on Mon Aug 27, 2007 12:49 am

Malds... ano na po ang balita mula sa iyo... ikaw ba ay naka-uwi na muli sa inyo... :?
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby maldita on Tue Aug 28, 2007 6:15 pm

Naks. 'Malds'.. Saan galing yuuuunn? :D :lol:
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby maldita on Tue Aug 28, 2007 8:07 pm

Blog thread ko na ang lugar na ito :D

Bibinyagan ko na..

[font=Verdana] Agosto 24

At naka upo ako sa LRT. Nakipag unahan pa ako para makaupo sa malamig na tren na halatang bagong-bago. Wala akong dalang relos pero ramdam ko, late na naman ako sa first period ko, Algebra. Mahaba-haba pa ang biyahe… Napapikit ako… Ang dami kagad pumasok sa isip ko. Grrrrrr. Napakamot ako. Talaga naman. At mula duo’y nilabas ko ang bagong bagong yellow pad ko. At tulad ng dati, pinabayaan kong imaneho ng sign pen ko ang mga daliri ko.

Nakita ko ang mga natutuklap ng campaign materials ng huling eleksyon. Napangiti ako. Pakielamerang bata talaga ako. Pati yoon pinakekelaman ko. Tapos naalala ko yung balyenang namatay sa Batangas. At biglang lumipad ang isip ko sa History namin nung
miyrekules.. Natawa ako. Masyado na ata ako nagkakainteres sa asignaturang iyon. Grrrrrr. May quiz nga pala
Kami sa Literatura mamaya. At sarisaring mga bagay pa ang sumiksik sa isip ko.

Duon nagsimulang nagsulat ang aking mga kamay:

 Paano kaya sumali sa Green peace?
 Nanalo kaya si Recto kung tumakbo siyang independente?
 Tsk. Ano kaya nangyari kung hindi ipinapatay ni Aguinaldo si Bonifacio?
 Ano kaya ang almusal sa cafeteria?
 Ah, Paano kaya kung nag-kaanak ng marami si Rizal?
 Magugustuhan kaya ni Ninoy si James?
 Makakapanuod kaya ako ng Jumong mamaya?
 Si Lim at ang kanyang mga proyekto ngayon --- ningas-kugon ba?
 Bago na ang tiket sa LRT, pagmumuka na ni Gloria at ng isang hapon ang nakaimprenta. Tuloy talaga ang aggreement nula. Hudyat na ba ito ng pagtapon ng Japan sa Pinas ng toxic wastes nila?
 May mapapala ba ako pag naging NPA ako?
 At kung ako’y magiging Abu Sayaff, Ako kaya si Kumander Maldita?
 Meron palang Rizal Bill.
 Sino ang magiging pangulo sa 2010?
 Hanggang saan aabutin ang yellow pad ko?

Tumunog ang pintuan. Graaaaabe. Ang kaunti palang pala ng mga naisulat ko pero nasa Bambang na pala ang tren na sinasakyan ko Sa cenral Terminal lang ako.. Tsk. Dalwang istasyon pa? O tatlo? May sumakay na matanda. Nginitian ko. Hindi ko alam kung bakit o paano pero awtumatiko akong tumindig at siya ay pinaupo ko. Ngumiti siyang muli.

At kahit nakatayo ay nagpatuloy ako sa pagsusulat. Kung hindi sasabog na ang utak ko kakaisip. Napangiti ako. Dumudugs ang uts. Naalala ko si kuya.

 Sana nakasama ako sa mga Magdalong nag-aklas sa Oakwood dati. Eksayting. Parang KKK.
 At si Rizal pala ay talagang babaero…
 Si Lola Basyang pala ay lalaki!
 Paanong sulat ang gagawin ko para kay Gloria?

Marahang umuga ang tren a pagliko sa kurbadang riles. Napanguso ako sapagkat nakalimutan ko ang sunod na aking isusulat. Napaling ako’t may nakita akong estudyante. Naka Uniporme ng UDM. Naalala ko si Rosas.

 Dear Rosas, Panandalian ko munang kinalimutan ang literatura ng ako ay bumagsak sa school newspaper namin. O e ano, pakagaling sila sa english. Papakadalubhasa ako sa wika ni Juan. Filipino. Neknek nila.

Napamura ako. Ano nga bang pakielam niya dun? Si Gloria ang lilihaman ko. Ulit uli. Ang dumi na ng papel ko. Napagdiskitahan ko ang kamay ko. Tinattooan ko ng smiley. Ang pangit. Kaya nagsualat akong muli.

 Bakit walang eraser ang ballpen?
 Dear Gloria, pasensya na. Naalala lang kita. Busy ako lagi. Pictorials. Autograph signing. Movie launching. Contract signing. Press con. Busy talaga. Pero sa kabila noo’y di ko pa din nakalimutang panuodin ang huling SONA mo…

Takte. Nagpalinga-linga ako. Lumagpas pala ako. United Nations?! City hall ng maynila ang baba ko. Sa Central Terminal yun! Bumaba ako agad. Dali daling nagpanaog sa hagdan at tumawid sa kabilang kalye. Walang jeep. Grrrr. **** ka kasi Gloria. Oooops. Mali. Mali. Wala siyang kinalaman kung lumagpas ako.
May napadaang bus, sumakay ako… Central Kuya ha. Sabay abot ng siete pesos. Grabe kwatro lang ang minimum dati na pamasahe. Umupo ako sa bus. Bahala na ang Algebra.

Ang sarap ng lamig ng bus. Grabe. Napakanta ako, spoliarium ng eraseheads. Pagkatapos napalingon ako, sinasabayan ng katabi ko ang pagkanta ko. Ngumiti siya. Isa pala siyang kuya. Ngumiti din ako.

Napatingin ako sa labas ng bus. Traffic. Late na ko talaga. Gloria, yari ka sakin. Mayroon ba niyan sa States? Napa-tsk ako.

“Late ka na noh?” Tanong ng katabi ko. Nahihiyang ngumiti lang ako. At muli kong nilabas ang yellow pad ko.

 Hay Gloria. A President can be strong as she can be. Tama ba ang alaala ko? Sabi mo yun sa last SONA mo. Katakot. Puno ng msiteryo ang mga hinayag mo. Napaka simboliko. Tila ata isa iyong babala para sa mga taong nais kumalaban sakanya..

“Oo nga. Hehe.” Nagulat ako nagsalita siya. “At take note, wag daw bumalakid sa pangarap niyang progreso.. Parang warning diba.” Natawa ako. Nabasa pala ng aking katabi ang sinusulat ko. Napansin mo din yung kay Gloria? Nais ko sanang itanong sakanya. Pero iba ang naisatinig ko. “Nabasa mo sulat ko? Eh ang ang pangit kaya.” Ngumiti naman ito. May dimples pala siya. “Ayos lang. Mas pangit pa akin.” Tugon nito.

Tumayo siya at akmang bababa. Nakisabay na din ako. Ngumiti siya bago ako paunahin. “Dito ka din?” Tanong niya sa akin. Umoo ako. “Ah. Ako kasi Acsat lang.” At nagpaalaman kami.

Hinding hindi ko makakalimutan ang nahagip ng mga ko sa kanang palad niya.. Tattoo na gawa sa ink ng ballpen. Kaso blue ink ang kanya. Sa akin ay pula. Pero pareho kami, isang smiley. Napangiti ako. Maldita, Hindi lang ikaw ang weirdo sa mundo. Sana pala nakuha ko pangalan niya…

Teka. Huh?! Acsat daw? Asan ba ako? May Acsat ba sa Lawton? Nagpalinga linga ako. Carriedo. Grrrrrr. At lumagpas na naman pala ako.
[/font]
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby dumudugong_utak on Wed Aug 29, 2007 11:07 am

Ano ba ang aking masasabi... hmmmmm... :roll:

Paalala lamang... sa pagsusulat... dapat tandaan... iwasan itong gawin habang nasa biyahe... kasi lalagpas ka sa iyong patutunguhan... :lol:

Magaling... 8) babalikan ko naman yung iyong ginawa ukol sa Wika... :P
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby akuxidoz on Sat Sep 08, 2007 7:40 pm

:twisted: im so alone on what i am so im looking to place to where i belong :twisted:
akuxidoz
 
Posts: 6
Joined: Sat Sep 08, 2007 7:30 pm
Location: womb

Postby akuxidoz on Tue Sep 11, 2007 7:52 pm

ako ay si ako...tama nga naman un...at ikaw ay si ikaw...sina kayo ay sina kayo...sila ay sila...un lang un...katulad ako ng relo sa dingding...patuloy na gumagalaw ngunit walang napupuntahan....hehehe
akuxidoz
 
Posts: 6
Joined: Sat Sep 08, 2007 7:30 pm
Location: womb

Postby maldita on Wed Sep 12, 2007 1:44 pm

Aw. Ikaw, sino si ikaw? Ikaw ba si ikaw? Hehe.
HOOOOY. wala kang magawa no?
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby akuxidoz on Thu Sep 13, 2007 12:06 am

ahihihihihi...nakakalibang naman pala d2...salamat sau maldita ha...ikaw lang ung lagi na pumapansin sa akin eh
akuxidoz
 
Posts: 6
Joined: Sat Sep 08, 2007 7:30 pm
Location: womb

Postby Talisman on Thu Sep 13, 2007 3:14 pm

Akuxidos,

Mainit na pagbati :wink:

Ma-aari ka bang gumawa ng bagong thread sa Pagpapakilala at doon ay pahayawan mo kami ng tungkol sa iyo?

Uma-asa,

Talisman
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby maldita on Sat Sep 15, 2007 10:59 am

Para kay Aku
Kasi naman iniinvade mo yung Blog thread ko :)
Gumawa ka ng iyo at magkwento ka tungkol sayo.
Hihihihi.
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

PreviousNext

Return to Pagpapakilala

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron