Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

Ako ay si ako..

Kung ikaw ay baguhan sa Agimat.org, isulat sa forum na ito ang iyong pagpapakilala.

Ako ay si ako..

Postby maldita on Wed Jul 25, 2007 11:39 am

Ako ay si ako, dahil kung hindi ako si ako.. eh sino ako?

Ako si maldita. Wala lang. Mahilig dati ako makipaglaro ng holen at taguan kasama ang tsinelas kong rambo. Paborito ko ang dilaw na Tomi at Bazooka. Iniidolo ko si Atom ng sineskwela, Koko kwikwak ng Batibot at si Eklok ng funny comics. Galit ako sa bumbay dahil sabi ng nanay ko ay kukunin daw ako nun pag di ako natulog at ihuhulog sa tulay. Lumaki akong matakaw dahil marami akong mga kaibigang bulate dulot ng lagi kong pagpapaa. Tsk. Tsk. Tsk. At siyempre, ang Lucky me noodles Beef na Beef ay parte ng aking 'Basic Food Groups'.

Napapagod na ang mga daliri ko. Sa susunod nalang ako ulit magkukwento tungkol sa aking mga pakikipagsapalaran. pumapatak na ang ulan. Kailangan nang umalis para di mapasabak sa baha.

Anong epoka na ba? Gobyerno, ano ang silbi niyo? Naku, naiwan ko ang kapote ko.

Siya nga pala, masaya ako't isinali ko ang sarili ko dito. Salamat sa imbitasyon :D magpakilala naman kayo...
Last edited by maldita on Fri Jul 27, 2007 7:57 pm, edited 1 time in total.
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Re: Ako ay si ako..

Postby dumudugong_utak on Fri Jul 27, 2007 2:25 pm

Hindi ba nagpapakilala ang nag-anyaya sayo dito

Hayaan mo at makikilala mo rin siya... 8)

Sige kuwento ka pa ng iyong mga pakikipagsapalaran :P
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby maldita on Fri Jul 27, 2007 8:03 pm

Oo nga naman. Nanawagan po ako sa nag imbita sa akin dito.. (Nakita kita sa Classifieds sa Friendster, Sumikdo ang aking damdamin, sabi mo'y: Wanted Superheroes. Akala ko magiging instant Safeguardian Pink na ako.) Kung asan ka man ay magpakilala ka na, at nang mabugbog na kita :lol: Peace. Pakiss nalang :qdance: Yihee.

Ayoko nang magkwento. Pwera nalang kung pipilitin mo ako, Ginoong Talisman :wink:
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby dumudugong_utak on Fri Jul 27, 2007 9:57 pm

Aba at nakatutuwa naman na sa friendster mo pa pala nakit ang "ads" :roll:

Huwag mag-alala at sa mga darating na araw ay makikilala mo rin ang nag-anyaya sayo na sumali dito... 8)

Si kasamang Talisman ba ang tinutukoy mo na nag-anyaya sayo? Wala pa siya ngunit umasa ka na magpapakita rin sayo yun... andiyan lang iyan sa tabi-tabi at abala sa paghahanapbuhay :D

Sige na... magkuwento ko pa ng ilan sa mga pakikipagsapalaran mo... kung hindi man ay ang iyong ginagawa sa buhay... ikaw ba ay isangstudyante o kasama ka na rin sa hanay ng manggagawang Filipino... 8)

Teka... tama na ang aking pagtatanong at nagmumuka na akong si Boy Abunda rito :D
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby maldita on Sat Jul 28, 2007 10:30 am

Hindi ko nga alam kung sino eh.
Baka naman ikaw yun ha Kuya Dumudugong utak.
Sabihin mo na. Dont be shy. Di bale, Boy, ayyy, este Kuya pala,
Andito naman ako. Ako si Kris. 8)

Isa akong estudyante. Medyo lang dahil may dalawa na din akong
trabaho at isang boluntaryong guro sa isang paaralan. Nakita ko
lang din yung paaralan na yun sa Friendster at nagboluntaryong
magturo.

Bakit dumudugo ang utak mo? May sugat ba? Tsk. Sige ka
may lalabas diyan na pari at tren.. wooooo... :qthumbsup:
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby dumudugong_utak on Sat Jul 28, 2007 3:34 pm

maldita wrote:Hindi ko nga alam kung sino eh.
Baka naman ikaw yun ha Kuya Dumudugong utak.
Sabihin mo na. Dont be shy. Di bale, Boy, ayyy, este Kuya pala,
Andito naman ako. Ako si Kris. 8)

Isa akong estudyante. Medyo lang dahil may dalawa na din akong
trabaho at isang boluntaryong guro sa isang paaralan. Nakita ko
lang din yung paaralan na yun sa Friendster at nagboluntaryong
magturo.

Bakit dumudugo ang utak mo? May sugat ba? Tsk. Sige ka
may lalabas diyan na pari at tren.. wooooo... :qthumbsup:

Hahaha :D makasisiguro ka na hindi ako ang nag-anyaya sayo dito. Wala akong Friendster account :P

Sabi ko na nga ba at nababagay ka na sumali sa grupo na ito... isa kang super hero :wink: nasa sayo ang Agimat... 8) ang mga katulad mo ang kailangan ng ating bansa upang muli itong maiahon sa pagkakasadlak sa kahirapan... mga taong tulad mo na handang maglingkod para sa kapwa... para sa kabataan... hinahangaan ko ang iyong katapangan... tapang na hindi lahat ay kayang tapatan... ikaw ay hindi nabubuhay para lamang sa iyong sarili bagkos nabubuhay ka rin para sa iba... mabuhay ka kasama! :wink:

Bakit dumudugong utak... hmmm... magandang katanungan... :P mahabang kuwento... ngunit para sa iyo paiikliin ko...

Isa akong trying hard na manunulat... bakit trying hard... kasi nahihirapan ako na subukang man lamang na sumulat... ibig sabihin... tamad ako sumulat... kaya dumudugo tuloy ang aking utak sa kakaisip... maraming gustong sabihin ngunit hindi masabi... kaya ayan... sinansanay ko ang aking sarili na papatakin ang dugo sa aking utak upang malaman naman ng iba ang aking iniisip... hirap man ako na magpahayag at parang "dumudugo ang utak ko sa kaiisip" ay nagagawa ko pa rin... kahit paano...

Tulad ngayon... sigurado hindi mo ako naunawaan... kasi hindi ko rin naunawaan ang sinabi ko.... hahahaha :P
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby maldita on Sat Jul 28, 2007 6:28 pm

Aba naman. Biruin mo yun. Nasa akin ang agimat.
O sige, sayo naman itong agimat ko, Saluhin mo!! :D
Sa totoo lang kaya ako nagkakaganto dahil rebelde ako
sa magulang --- nais ko ipakita sa kanila na magaling ako.
At higit sa lahat, naimpluwensiyahan ako ni Jose Rizal at
ni Bob Ong. Nais kong patayin lahat ng Germax sa mundo
at maging sinlakas ni Captain Safeguard :arrow: Joke lang.

Hmmmmm... Sa totoo lang.. walang halong
kabarberuhan, Hindi ko naintindihan. Siguro dahil hindi talaga
ako madunong umintindi.

Pero kung ikaw ay yung tipong sarap na sarap na magsulat,
gustong sumulat at maraming gustong isulat..
minsan nang nagsimulang magsulat pero tinatamad dugtungan
o tapusin.. Isang puntos para sayo. Pareho tayo. :D

Kaso hindi naman dumudugo utak ko. Nosebleed lang :lol:
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby dumudugong_utak on Mon Jul 30, 2007 10:31 am

Nosebleed :lol: Dumudugong Ilong :lol:

Kailangan ba talagang patunayan ito sa iyong mga magulang? Kasi sigurado ako na alam nila ang iyong angking gagalingan... ayun nga lang minsan may mga tao na kulang sa pagpapadama nito... marahil nais nilang sabihin sayo na alam nila na may angking kakayahan ka ngunit hindi lang epektibo ang paraan ng kanilang pagpaparamdam... 8) Kung ako nga na hindi ka kilala at hindi ka kadugo ay humanga sa pag-aalay mo ng sarili para sa iba... mga magulang mo pa kaya ang hindi humanga sayo...

Marahil may iba lamang silang pangarap para sayo... at mauunawaan mo ito kung ikaw ay isa naring Ina o magulang... :wink:

Higit atang isang buwan na akong walang naisusulat... lahat andirito pa rin sa aking isip... nakaka-buang na nga... :?
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby maldita on Mon Jul 30, 2007 11:41 am

hahahaha. :idea:

Dumudugong Ilong. Napakaganda!

Hindi mo kasi kilala ang aking mga magulang. Hindi nila
alam ang salitang 'passion'. Ako, kahit maghirap ako at
hindi yumaman, basta masunod ko ang aking 'passion'..
masaya na ako :D

Buang na Dumudugong utak.. Ayos. :qthumbsup:
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby Bb. Balakutsa on Wed Aug 01, 2007 3:44 am

Ehem! Pagbati sa inyong dalawa dyan.....

Gusto ko lang malaman nyo na natuwa ako sa inyong usapan. Aliw na aliw ako habang binabasa ko ito.... Sobrang Cool ng usapan ninyo. Sa totoo lang ay humahanga ako sa inyong dalawa dahil meron kyong magkaibang angking talino at talento sa pagsulat....

Si Dumudugong Utak, sobrang seryoso ng iyong mga isinulat. Marami na rin akong nabasa sa mga isinulat mo at marami din akong natutunan sa mga ito. Ewan ko lang kung bakit parang d k seryoso ngayon... hahaha...

Binibining Maldita ang sulat mo ay parang hindi seryoso pero alam ko na bawat linya nito ay nanggaling sa puso mo. Hinahangaan kita sa pagboluntaryo mo n magturo sa isang paaralan. Nawa'y maraming matutunan ang mga estudyante mo lalo na sa kalokohan ( Joke! )..... Peace po Ma'am....
Ako ay Pilipino!
User avatar
Bb. Balakutsa
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 70
Joined: Fri May 04, 2007 4:30 am

Postby maldita on Wed Aug 01, 2007 11:44 am

Ang puso ko'y nahihipo nman sa mga papuri mo
Binibining Balakutsa. Tama ka diyan! Sapagkat ako ang prinsesita
ng kalokohan!

Alam ko kung bakit hindi seryoso ngayon si Kuya Dums. Sapagkat
siya na'y nahahawaan ko. Pasasaan din ba't magiging alipores ko
yan sa kalokohan :qdance:

Kamusta ka naman diyan Binibini? Mag isa ka lang ba diyan?
Magingat ka lagi at galingan mo pa. Mahirap yata magisa kung nasa ibang bansa.
Iba pa din sa Pinas kasi dito kahit magutom ka'y may kapitbahay
kang mananakawan ng pagkain. Kumareng mauutangan at kapamilyang
magpapaawa ka para ika'y tulungan :qhaha:

Buti nalang ako may sariling planeta :qwave:
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby dumudugong_utak on Wed Aug 01, 2007 1:47 pm

Bb. Balakutsa mabuti naman at napadaan ka 8) huwag masyadong magapagod... humanap ng kaunting oras upang makapagpahinga 8)

Ako nga ba ay seryoso :P salamat naman kung ganun... kasi minsan tingin ko sa sarili ko baliw eh :roll:

At ikaw naman Dumudugong Ilong :P yung hinihingi ko na mga impormasyon... para maumpisahan ko na ang pagbuo ng programa 8) Isa pa... ayaw ko po umalis ng Katagalugan... masaya na ako dito :P
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby Bb. Balakutsa on Thu Aug 02, 2007 12:53 am

Wow! Nahipo din ako sa inyong pagmamalasakit. Salamat ng sobra-sobra kasi kahit hindi ko kau kamag-anak eh may malasakit kayo sa kin. Maraming maraming salamat po!

Ito nalang ang pahinga ko ( mag computer ) dahil mamaya bagsak na ang mata ko sa antok. hehehe... buti nalang ang nakadalaw ulit ako d2. naaliw ako sa nyong dalawa... nakakawala ng pagod KAYA LANG..... masakit sa kamaya ng pagta-type... hahaha....

Ano pala ung Programa na gagawin mo Kuya Dums (maki-kuya ba?) May proyekto ba tayo d2? Tungkol saan? May maitutulong ba ako? Sabihin lang at handa akong maglingkod sa nyo :-)

Oh sya sa mga susunod na pag bisita ko ulit ha.

mmmmmmuaaaahhh....
Ako ay Pilipino!
User avatar
Bb. Balakutsa
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 70
Joined: Fri May 04, 2007 4:30 am

Postby dumudugong_utak on Thu Aug 02, 2007 9:50 am

Bb. Balakutsa wrote:Wow! Nahipo din ako sa inyong pagmamalasakit. Salamat ng sobra-sobra kasi kahit hindi ko kau kamag-anak eh may malasakit kayo sa kin. Maraming maraming salamat po!

Ito nalang ang pahinga ko ( mag computer ) dahil mamaya bagsak na ang mata ko sa antok. hehehe... buti nalang ang nakadalaw ulit ako d2. naaliw ako sa nyong dalawa... nakakawala ng pagod KAYA LANG..... masakit sa kamaya ng pagta-type... hahaha....

Ano pala ung Programa na gagawin mo Kuya Dums (maki-kuya ba?) May proyekto ba tayo d2? Tungkol saan? May maitutulong ba ako? Sabihin lang at handa akong maglingkod sa nyo :-)

Oh sya sa mga susunod na pag bisita ko ulit ha.

mmmmmmuaaaahhh....
Dahil alam ko na may malasakit ka rin sa akin... sa aming lahat na kasama mo dito sa Agimat...

Pahinga... minsan sa mga taong abala na katulad mo hindi na malinaw kung ano ang kahulugan nito... basta... gamitin ang oras na ipagkakaloob ng Maykapal upang magpahinga... hindi lang pahinga sa pagod na katawan... pahinga ng buong katauhan mo...

May gagawing Team Building si Maldita at nagpapatulong sa akin... baka ikaw ay may alam na mga gawain para sa Team Building... maaaring ibahagi mo rin sa kanya...
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby maldita on Thu Aug 02, 2007 2:18 pm

Aray ko. Ako pala ang naging alipores mo. Dumudugong Ilong. :D :D :D

Ang sarap pakinggan nito. Pakinggan mo ito Binibini :arrow: :arrow: :arrow:
Ang galing talaga ng pinoy! Nakakarelax. Hintayin mong magdownload ng sampung segundo.

<object width="300" height="80"><embed src="http://media.imeem.com/m/2JLwprcjmu" type="application/x-shockwave-flash" width="300" height="80" wmode="transparent"></embed></object>

Naku..Binibini.. Saan machaket? Cha kamay ba? Ikaw kasi. Puro ka trabaho.
Mahalin mo ang sarili mo at baka ikaw ay maging Dumudugong kamay na :wink:

Hoy Kuya Dums, naibigay ko na po at nasagutan ang pinasasagot mo.
Matanda ka na, dalawa na kaming kumukuya sayo :D
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Next

Return to Pagpapakilala

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron