Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

Ang Papel ng Internet sa Pagpapanibago ng Bayan

<img src="http://agimat.freeforums.org/files/agimat/smilies/woohoo.gif">Ito ang forum para sa pangkalahatang paksa. Kung ikaw ay bagong miyembro, patakaran ang magpakilala muna sa "Pagpapakilala" forum sa taas.

Moderators: Kisapmata, Lakas ng Amihan

Ang Papel ng Internet sa Pagpapanibago ng Bayan

Postby pangdennio on Tue Jul 08, 2008 12:57 pm

[align=justify]Noong nagsisimula akong mag-blog, nagkaron ako ng ilusyon na sa pamamagitan ng internet ay makakagawa ako ng pagbabago sa buhay ng mga mambabasa ko. Pero ngayon naniniwala ako na hindi dapat magtapos sa internet ang aking layunin.

Mas maganda pa rin na makihalubilo sa masa at paglingkuran sila.

Kakaunti lamang ang nakakapag-acces ng net at hindi ito abot ng lahat.

At hindi rin nila pag-aaksayahan ng panahon ang mga ganitong bagay.

Mas nanaisin pa nilang mag-Friendster o makipag-chat. :x

Ikaw ano sa tingin mo ang papel ng internet?[/align]
"Never underestimate what few committed individuals can do to change the world."
- Margaret Mead (Ang aking BLOG: Frustrated Writer PUNTA NA!!!)
FOLLOW CHRIST. SERVE THE PEOPLE!
User avatar
pangdennio
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 55
Joined: Thu Sep 13, 2007 3:18 pm
Location: Bulacan/QC

Postby Gumamela on Tue Jul 08, 2008 2:31 pm

Papel ng Internet na mas pabilisin ang pamamahagi ng kaalaman hindi lamang sa isang bansa, kundi sa buong mundo.

Pero tama ka, nananatili pa ring mahalaga ang pag-abot sa ibang tao sa pamamagitan ng aktwal personal na interaksyon--lalung-lalo na sa mga hindi nabibigyan ng pagkakataong makagamit ng makabagong teknolohiya. At, iba pa rin kapag tunay mong nakikita, ika nga.
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby Talisman on Tue Jul 08, 2008 7:51 pm

Walang argumento sa iyong opinyon pangdennio.

Na-alala ko tuloy ang pagka-"parallel" ng topic na ito sa isa pang topic mo na "Rizal vs. Bonifacio"

Siguro ay isipin na lamang natin ay ganito: Kung tayo ang tatayong Rizal at tayo ay may mga kagayang panulat sa kanyang mga nobela, kailangan natin na mayroon ding Katipunan na mag-aabot ng ating mga panulat sa mga hindi ma-agap na Filipino.

Kung baga gamitin natin ang internet upang ang mga katulad nating "superheroes" ay magka buklod at magka-usap. Sa ating pagpapanayam at pagpapalitan ng ka-alalaman, ideyalismo at aral ay marami tayong mabubuong panulat --na maari nating ipamahagi sa mga walang internet sa pamamagitan ng ating "printable" na "e-zine" o peryodiko. :wink:
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby pangdennio on Wed Jul 09, 2008 11:25 am

Tungkol doon sa e-zine, ano na ang nangyari dito?
"Never underestimate what few committed individuals can do to change the world."
- Margaret Mead (Ang aking BLOG: Frustrated Writer PUNTA NA!!!)
FOLLOW CHRIST. SERVE THE PEOPLE!
User avatar
pangdennio
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 55
Joined: Thu Sep 13, 2007 3:18 pm
Location: Bulacan/QC

Postby makahiya on Tue Jul 15, 2008 9:15 am

pananaw ko hinggil sa internet?

Malaki masyado ang papel na nagagampanan ng internet sa buhay ng isang tao. Sa panahon ngayon, masyado nang lulong ang mga tao sa internet, lahat ay makikita na halos sa internet. Hindi man siya ganun ka kalakas gaya ng deretsong pakikisalamuha sa mga tao, ang internet ay malayo ang nararating ng mensaheng nais mong ipahiwatig kahit ikay nakaupo lamang.

Mayroong mga kabataan na buong araw ay nakaharap na sa internet. Di man nila kayang makisalamuha dahil sa ibang mga balakid sa buhay, naipapaabot naman nila ang kanilang mga saloobin.

Sa akin lamang po
Nagmamahal sa bayan, nagmamahal sa sarili.
User avatar
makahiya
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 32
Joined: Fri Jun 01, 2007 1:45 pm

Postby sigawkatutubo on Tue Jul 15, 2008 10:10 am

Sa ating bansa na binubuo ng hiwa-hiwalay na pulo, malaking tulong ang internet upang maipaabot ang mensahe sa kanino man sa bansa lalo pa't karamihan sa mga kabataang Pilipino ay nakahiligan ang internet bilang libangan at komunikasyon sa iba.

Kapakipakinabang ito sa maraming bagay, naging tulay sa atin upang mabilis na iparating ang anu mang adhikain at hangarin ang ibig mo.

Kailangan lang siguro ay kaunting pag-iingat sa paggamit ng makabagong teknolohiya sapagkat nakapasok na rin ang masasamang loob..
Kung iidolo ka, bakit hindi si Rizal?
User avatar
sigawkatutubo
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 169
Joined: Thu Sep 13, 2007 1:05 pm
Location: tribu bathala

Postby pangdennio on Tue Jul 15, 2008 10:55 am

Ngunit, huwag din natin kalimutan na ang internet ay isa lamang pribilehiyo at masasabi na isa pa ring luho ang paggamit nito. Bukod pa sa katotohanang malaki ang tinatawag na digital divide na kung saan ang mga nakakagamit lamang nito ay ang mga may kakayanang magbayad para sa serbisyo nito.

Maganda lamang ang internet para panibaguhin ang isip ng mga medyo nakaka-angat sa buhay na gamitin ang internet para sa hindi makabuluhang bagay gaya ng paglalagay ng mga 'sex videos' na walang magdandang naidudulot. Itong mga tao na ito ang dapat na target para maging mga tulay at daan ng pagbabago.
"Never underestimate what few committed individuals can do to change the world."
- Margaret Mead (Ang aking BLOG: Frustrated Writer PUNTA NA!!!)
FOLLOW CHRIST. SERVE THE PEOPLE!
User avatar
pangdennio
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 55
Joined: Thu Sep 13, 2007 3:18 pm
Location: Bulacan/QC

Postby Talisman on Wed Jul 16, 2008 9:28 pm

Aking naranasan sa Yahoo Mesenger noong sinubukan kong mangaral at mang-aliw, na marami doon ang may kamangmangan sa paki-alam para sa kapakanan ng bayan.

Masakit pero may katotohanan ang sinabi ni pangdennio na marami ang gumagamit ng internet sa maling pamamaraan. Tignan at laging nasa top list ng web rings ang mga porn sites. :qmad:

Gaya ng nasabi ko sa taas, hindi lang para sa internet ang ating mga panulat. Ma-aaring i-imprenta sa papel ang ating peryodiko na maaaring ipamudmod sa mga walang internet. :wink:
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby pangdennio on Thu Jul 17, 2008 5:24 pm

[align=justify]Isa pa nga pala problema. Ang kawalang interes ng mga Pilipino na magbasa. Kaya medyo maganda ngayon na idaan sa internet ang ating mga saloobin dahil sa nahihikayat sila magbasa. Pero iyun na nga, sa maling paraan kadalasan ito nagagamit. Iba pa rin talaga ang makipag-usap ng harapan.[/align]
"Never underestimate what few committed individuals can do to change the world."
- Margaret Mead (Ang aking BLOG: Frustrated Writer PUNTA NA!!!)
FOLLOW CHRIST. SERVE THE PEOPLE!
User avatar
pangdennio
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 55
Joined: Thu Sep 13, 2007 3:18 pm
Location: Bulacan/QC


Return to Pangkalahatang Usapan

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron