Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

Ang Tukso ng Bayabas

Dito ikuwento ang mga nakakatawang sandali sa iyong buhay. Huwag matakot maglahad dahil hindi ka naman namin talaga kilala :-)

Ang Tukso ng Bayabas

Postby Kuya Joemz on Wed Jan 09, 2008 7:23 pm

Image

Isang ala-ala mula sa aking kabataan.

Isang bakasyon sa eskwela, kasama ang aking nag-iisang kapatid kami ay nagbakasyon sa aming lola sa pampangga. Sa loob ng compound ay maraming punong kahoy; santol, kaymito at bayabas. Ang mga ito ay pag-aari ng pinsan ng aming lola na syang nagbawal sa amin na huwag mamimitas ng bunga. Ka-edarin din sya ng aming lola, at sya ay isang napakasungit na matandang babae.

Dahil kaming magkapatid ay mga musmos pa lang at madaling ma-bored, isang napaka-agang umaga, kami ay di nakapagpigil na ma-akit ng mga bunga ng bayabas. Dala na rin ng panghihinayang sa mga bunga na tinutuka lang ng mga ibon kung kayat napagpasyahan namin na ako ang aakyat sa mga bunga at sya ang "watch-out". :roll:

Akyat ako sa puno ng bayabas. :qninja: Bawat napitas na bunga ay maingat na inilalagay sa duyan ng damit na nagawa sa pagkakagat sa dulo ng baba ng tiyanan ng suot na t-shirt. Ang aking kapatid ay nasa ibaba lang at nakabantay ng masid sa pinto ng likod ng bahay ng masungit na manang. Ang aming "game plan" ay: sa pagkakataon na marinig nya ang tunog ng kandado ay ora mismo syang sisipol upang ako ay magmadali ng baba mula sa puno. :qbouncy:

Walang anu-ano at bumukas ang pinto na saglit lang tumunog ang kandado. Dahil sa pagkakabigla at nerbiyos, walang sipol na lumabas sa pagkaka-ihip ng aking kapatid. Ngunit di naman nya talaga kailangan pa sumipol dahil narinig ko agad ang pinto at ang mabilis na yabag na lumakad mula dito. Wala ng sapat na sandali upang makababa ng puno kung kayat nanatili ako sa aking pwestong nakadapa sa isang sanga. Gayun din ang aking kapatid, di na makakatakbo dahil pagbukas palang ng pinto ay nakita na syang nakatayo sa gilid ng puno. Ang lumabas ng pinto ay ang asawa ng manang, may dala-dalang isang basong tubig?! :qirked: Alam ko na hindi nya ako makikita habang ako ay nasa itaas at kung ako ay hindi gagawa ng anumang ingay. :qsurprise:

Ilang yabag pa nya at sa paglapit nya sa aking kapatid, sya ay huminto sa mistulang tapat ng ilalim ko. :qshocked: Anong ginagawa mo? Ang aga-aga ah gising ka na, tanong nya sa aking kapatid. Nananaltik lang po ng ibon, sagot ni utol. Asan ang iyong kuya?, pahabol nya. Tulog pa po eh, nakakabilib na instant thinking ng aking utol. :qliar: Sobra parin ang ramdam kong nerbiyos sa taas. :roll:

Eh wag ka na mananaltik ng ibon at baka makabasag ka pa ng salamin ng mga bintana o kaya naman ay makatama ka pa ng ibang tao, pangaral ni manong sabay higop ng tubig sa kanyang baso at magsimulang magmumog! Sabay tingala! At inakupo, nagkatitigan kami at parehong nanlaki ang aming mata! :qshocked: Na-ibuga nya ang ilan at nalunok naman nya ang natira sa kanyang minumumog. Nang mga sandaling ito ay hindi na napigilan ng aking kapatid ang pagtawa at sya nga ay napahalandusay sa lupa at naglulupasay na tumatawa ng pasigaw! :lolroll Bm-bumaba ka dyan, nabulol na sabi ni manong sa akin.

Sa aking pagbaba, may nahulog pa yatang mga bunga mula sa aking damit. Kahiya! :blush2

Hanggang ngayon tuwing ma-aalala ko ito, natatawa pa rin ako.

Kung sinabi na lang kaya namin na binubugaw lang namin ang mga ibon doon? Hmm... :qconfused: Ahihihihi! :2thumbs
"Ang tunay na yaman ay ang mabuhay sa isang lipunang may tunay na pagmamahal sa kapwa"
Blog ko
User avatar
Kuya Joemz
Hinaplos ng Agimat
 
Posts: 28
Joined: Wed Jan 09, 2008 5:04 pm
Location: Australia

Postby kampana on Thu Jan 10, 2008 12:00 am

hahaha..

nakakatawa naman ang nangyari sayo :lol: :lol:
User avatar
kampana
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 128
Joined: Mon Sep 17, 2007 8:26 am
Location: sa bahay : )

Postby Bb. Balakutsa on Thu Jan 10, 2008 10:50 pm

napakasayang istorya ng kabataan.... ako mismo kuya joemz ay tumatawa habang binabasa ko ang iyong kwento!

asan na ang iyong kapatid? malamang bumabalik dn s alaala nya ang kwentong iyan kpag nakakakita xa ng puno ng bayabas!

natatawa din cguro sya... :))
Ako ay Pilipino!
User avatar
Bb. Balakutsa
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 70
Joined: Fri May 04, 2007 4:30 am

Postby maldita on Tue Jan 15, 2008 7:21 pm

Ayos, Maganda ang pagkakagawa.
Isa kang baliw, Tamang tama ka sa
samahan :lol:
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby kampana on Wed Jan 16, 2008 9:00 pm

hahahA!! maldita smahan ba ito ng baLiw??

haha!!!

kaw talaga
User avatar
kampana
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 128
Joined: Mon Sep 17, 2007 8:26 am
Location: sa bahay : )

Postby Talisman on Sun Jan 20, 2008 11:13 am

Kuya Joemz,

Di ka kaya naging "constipated" dahil ang iyong kinain na mga bayabas ay "pitik" :lol:
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby Kuya Joemz on Wed Jan 23, 2008 4:01 pm

Natutuwa ako at kayo ay aking napatawa :lol:

Nakalimutan kong sabihin na may moral lesson kaming natutunan sa experience na iyon.

Ang lesson na natutunan namin ay mas safe pala umakyat ng puno sa gabi -ahihihi! :mrgreen:
-joke-joke-joke!
"Ang tunay na yaman ay ang mabuhay sa isang lipunang may tunay na pagmamahal sa kapwa"
Blog ko
User avatar
Kuya Joemz
Hinaplos ng Agimat
 
Posts: 28
Joined: Wed Jan 09, 2008 5:04 pm
Location: Australia

Postby Gumamela on Wed Jan 23, 2008 4:37 pm

Nyahahaha!nakakatuwa naman! Buti walang higad!
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby sigawkatutubo on Fri Jan 25, 2008 2:19 pm

ayus! nakakatuwa, parang nakaka-relate ako sa kuwento mo..hehe
Kung iidolo ka, bakit hindi si Rizal?
User avatar
sigawkatutubo
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 169
Joined: Thu Sep 13, 2007 1:05 pm
Location: tribu bathala

Postby Gulantang on Wed Jun 25, 2008 10:46 pm

Ngayon natatandaan ko na kung bakit napanaginipan ko si King Kong noon. Kumain nga pala ako ng bayabas bago matulog. :-)
"Matayog ang lipad ng saranggola ni pepe, matayog ang pangarap ng matandang bingi.. umihip ang hangin nawala sa paningin --ay-yay-yay-yay! "
User avatar
Gulantang
 
Posts: 3
Joined: Wed Jun 25, 2008 2:29 pm

Re: Ang Tukso ng Bayabas

Postby maldita on Tue Nov 17, 2009 5:00 am

Muli ko na namang nasilayan ito at muli naman akong napasaya ng pahayag na ito ^_^
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili


Return to Nakakatawang Sandali

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron