Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

Ang Wagas Na Misyon

<img src="http://agimat.freeforums.org/files/agimat/smilies/butterfly2.gif">Ang organisasyon, prinsipyo, paniniwala at mithiin.

Dito rin isulat ang inyong mga personal na mensahe, papuri at papugay para sa Agimat.org.

Ang Wagas Na Misyon

Postby Talisman on Thu Jul 10, 2008 2:42 pm

<center>Image</center>

Isang munting mamamayan, isa lamang sa lipunang saksi sa nagaganap na kahirapan at kalugmukan ng Inang Bayan, ay pinuspos ng lungkot at panghihinayang sa nasasaksihang pagbagsak ng kaniyang lahi. Nasan na nga ba ang nakilalang dangal ng kaniyang kinabibilangang lipi? Hindi ninya matanggap ang nasasaksihan, asam niya ay magbago ito.

Sa kaniyang kalungkutan at panghihinayang ay sadyang nabakas ang kaniyang wagas na pagmamamahal. Ito pala ay ang dakilang pagmamahal sa sarili niyang katauhan. Ito ay matapos maliwanagan -na siya pala at ang lahing Pilipino ay katauhang iisa.

Dahil sa nasabing pagkaliwanag, ang kanyang puso ay nilukob ng pag-a-alala. Nabagabag dahil hindi ninya alam ang susunod na magagawa mula doon. Ang alam lang niya ay ang nabanggit na pagmamahal. Ano nga ba ang kaniyang magagawa? Ano nga ba ang makakaya ng mayroong pagmamahal?

O kay tagal niyang nabalisa. Ilang taon ang binilang. May mga gabing di natulugan. Hanap-hanap niya ang kasagutan.

<center>Image</center>

Sa patuloy na pagiging saksi, iminulat pa niyang lalo ang kanyang mga mata at binuksan pa ang kaniyang isipan, upang hantungin ang punot-dulo ng lahat ng kaniyang nasasaksihan.

Kaladkad ng kaniyang dakilang pagmamahal, bagamat inabot ng ilang kawalang pag-asa, ay hindi sumuko at tinanggap pang may giliw ang nagiging saysay ng kaniyang buhay. Ang saysay na iyon ay ang magsilbi bilang isang munting puwersa. Puwersa ng pagbabago.

Sa kaniya ring mga mata ay tumambad ang kasagutan.

At mula noon ay kay dalas ng paghiling na sanay mapahiram niya ang kaniyang mga mata para sa kaniyang minamahal na lipi. Ibig lang niyang ipakita kung ano ang mga natuklasan ng kaniyang mga mata, upang sa gayon ay ma-i-hawa ang agimat na natanggap doon.

<center>Image</center>

Pagbabago. Pag-unlad.

Pag-aaklas nga ba ang kasagutan? Kaniyang nakita ang mga nangyaring pag-aaklas laban sa pamahalaan, at samut-saring pangyayari na napatalsik ang mga namumuno. Ilang pangulo na nga ba ang na-alis ng mamamayan sa pagkaka-luklok, ngunit hanggang ngayo’y dama pa rin ang paghihirap ng Bayan. Hindi niya makita na ito ang kasagutan, kahit ulit-ulitin pa ito ng mamamayan.

Pananampalataya ba sa May Kapal ang kasagutan? Kaniyang batid na may Panginoon na puno ng pagmamahal at kapangyarihan, ngunit natutunan din niya na may itinakdang pamantayan. Itinakda ng May Kapal na kapag ang isang punla ay ma-itanim sa matabang lupa at angkupan ng tamang panahon, ito ay sisibol. Ang itinakdang ito ay sakop ng kung tawagin natin ay ang “Batas ng kalikasan”. Lahat ng bagay ay sakop ng kaniya-kaniyang sariling itinakdang Batas, maging sa patutunguhang pamumuhay ng isang lipunan. Hindi itinakda ng Batas na lumitaw na lamang ang isang puno na hindi isasakatuparan ang mga kailangang sangkap. Gayun din ang Batas para sa pagbabagong ina-asam. Lahat ng isang pagkakaganap ay may itinakdang kasangkapan. Kung kayat nabatid niya na kung Pananampalataya lang na mag-isa, ay hindi parin ito ang wastong kasagutan.


(...may karugtong)
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby pangdennio on Fri Jul 11, 2008 9:50 am

[align=justify]Basahin mo po ang naging speech ni Ka Satur Ocampo sa Centennial Lecture Series ng UP. Siya ang ikalawang speaker para sa A View From Outside. May patungkol sa armadong pakikibaka.

Narito po ang link:

UP will forge through risk-filled neoliberal terrain; so will militant activism persist
[/align]
"Never underestimate what few committed individuals can do to change the world."
- Margaret Mead (Ang aking BLOG: Frustrated Writer PUNTA NA!!!)
FOLLOW CHRIST. SERVE THE PEOPLE!
User avatar
pangdennio
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 55
Joined: Thu Sep 13, 2007 3:18 pm
Location: Bulacan/QC

Postby enra on Wed Feb 18, 2009 1:08 pm

taung mga tao ay di ntin alm qng anu ang mangyayari sa hnaharap.di ntin inakala n baka balang araw ay di na tau magicng,mawala ang atinh hininga at di na natin maimulat ang ating mga mata kaya qng pwidi lang sana kayang mga tao pati na rin aq ay bigyan nyo ng kunting pancin na pagnilaynilayan qng anu ang mangyayari qng sakaling ikw o aq man ay mamatay..ang ibig qng sbihin ay ganito,marami pong mga tao lalo nat kadugo nting mga pilipino ang naghihirap d2 sa mundong ibabaw sana maicip man lng ninu n ang mga iyon ay mga kakapwa lng ntin cla ay naghangad din ng kasiyahan n tulad ntin gusto rin nilang lumigaya..bkit di natin cla tulungan?bkit s halip n tulunga p ay lalo pa tuloy pinapahirpan ang masaklap pa ay kapwa lng din ntin ang nagpapahirap..sana naintindhan nu ang mga naisulat q.....
enra
Potensyal na Puwersa
 
Posts: 18
Joined: Fri Jan 30, 2009 12:18 pm
Location: makati city

Postby dumudugong_utak on Thu Feb 19, 2009 1:21 pm

enra wrote:taung mga tao ay di ntin alm qng anu ang mangyayari sa hnaharap.di ntin inakala n baka balang araw ay di na tau magicng,mawala ang atinh hininga at di na natin maimulat ang ating mga mata kaya qng pwidi lang sana kayang mga tao pati na rin aq ay bigyan nyo ng kunting pancin na pagnilaynilayan qng anu ang mangyayari qng sakaling ikw o aq man ay mamatay..ang ibig qng sbihin ay ganito,marami pong mga tao lalo nat kadugo nting mga pilipino ang naghihirap d2 sa mundong ibabaw sana maicip man lng ninu n ang mga iyon ay mga kakapwa lng ntin cla ay naghangad din ng kasiyahan n tulad ntin gusto rin nilang lumigaya..bkit di natin cla tulungan?bkit s halip n tulunga p ay lalo pa tuloy pinapahirpan ang masaklap pa ay kapwa lng din ntin ang nagpapahirap..sana naintindhan nu ang mga naisulat q.....
Maraming paraan ng pagtulong... at maaari mo itong gawin sa iyong sarili...

Isang paraan ng pagtulong ay yung common na ginagawa ng marami... yung nagbibigay ng mga materyal o pinansyal na tulong...

May iba naman na nagbibigay na ng mga materyal at pinansyal na tulong ay nag-aambag pa rin ng kanilang mga panahon...

Ang iba naman ay nagsusulong ng mga progrma na maaaring makatulong sa mga mahihirap halimbawa ay programa sa pabahay o patrabaho...

May ilan rin naman na bahagi ng kanilang adbokasiya ang karapatan at kapakanan ng mga mahihirap... dala nila ang mga isyu na may kinalaman sa mga mahihirap...

Sa kahit na anong paraang iyan ay maaari mong salihan... bilang isang indibidwal o kabilang sa isang organisadong grupo...

Huwag ka lang gagaya sa mga taong mapag-imbabaw na minsan lang nakatulong sa kapwa ay animo Diyos na ituring ang kanilang mga sarili... walng ibang MABUTING TAO at GAWAIN kung hindi ang kanila lamang... mga PEKENG tao ang mga ganyan...
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan


Return to Himpilan ng Agimat.org

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron