Log in
The time now is Thu Oct 16, 2008 4:11 am
View unanswered posts
Ano ang Agimat.org at ang mga paniniwala nito?

 
Post new topic   Reply to topic    Organisasyong Agimat Forum Index -> Himpilan ng Agimat.org
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan


Joined: 17 Apr 2007
Posts: 365
Location: Lupang Hinirang

PostPosted: Sat Apr 21, 2007 8:42 pm    Post subject: Ano ang Agimat.org at ang mga paniniwala nito? Reply with quote

Dito ay mababasa mo ang mga sumusunood:
1. Ano ang Agimat.org
2. Ang Teyorya ng Kaguluhan at Ang Epekto ng Paro-paro
3. Ang Batas ng Atraksyon at Ang Tunay na Sikreto ng Agimat
4. Sino ang Tinutukoy na Liwanag sa Dilim


Gusto mo bang marinig ang theme song ng Agimat.org?
Patugtugin mo ito habang nagbabasa ka (pindutin ng 2 beses):



Ano ang Agimat.org?

Ang Agimat.org ay isang "forum" website at newsletter ng mga di nagpapakilalang manunulat sa tagalog. Isa itong organisasyon ng mga boluntaryo, na ang pangunahing mithiin ay ibalik ang dating ganda, kaayusan at kabutihan ng bansang Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapa ngunit mapanuksong isip na mga panulat.

Mga Paniniwala at Ang Awiting Naging Inspirasyon:

Ang pangalang “Agimat” at ang paro-paro sa logo ay bunga ng mga inspirasyong natanggap mula sa mga sumusunod na paniniwala at pilosopia (kasama ang inspirasyong nadama ng pasimuno mula sa kanyang minamahal --na gustong maging paro-paro):

1. Teyorya ng Kaguluhan (Chaos Theory): Ang Epekto ng Paro-paro

“Nasabi na kahit sa munting pagaypay ng pakpak ng paro-paro ay ganap na makakayang gumawa ito ng bagyo sa dakong kalahating layo ng ikot ng mundo. Ito ay kung tawagin ay ‘ang epekto ng paro-paro” (“The Butterfly Effect”, itinawag ni propesor Edward Lorenz, isang meteorologist ng Massachusetts Institute of Technology sa kanyang gawang pag-aaral “Chaos Fact”), na kung saan ang isang parang impertinenteng pangyayari ay magdudulot ng mga sunod-sunod pang pangyayari na ang magiging dahilan sa huli ay mga di-inaasahang pagkakaganap.” (Ito ay hango sa DVD extras ng pelikulang, “The Butterfly Effect”). Ang Agimat.org ay naniniwala sa teyoryang ito kung kaya’t ito ay nagamit na inspirayon at sandigan sa pilosopiang "kung ang kaguluhan ay nagmula sa isang parang impertinenteng pangyayari, datapwat ang kaayusan din ay maari ding magmula katulad sa isang parang impertenenteng pangyayari.”

Samakatwid, naniniwala ang Agimat.org na kung gustong ma-ilagay sa ayos ang Pilipinas, ang mga kailangang gawin ng isang tunay na Pilipino ay:

1. Ora-mismong supilin ang isang pangyayari, kahit na ito ay parang maliliit o impertenente bagay lamang, na ma-a-aring pagmulan ng malaking kaguluhan o kamalian sa kasalukuyan at hinaharap na panahon.

2. Mag-umpisa ng mga pangyayari, kahit na parang mga impertenente lamang ang mga ito, na ma-a-aring pagmumulan ng kabutihan at ka-ayusan.

3. Matanggap na ang bawat isa sa atin ay (may agimat na) nagdudulot ng mga pangyayari na magdudulot ng mga sunod-sunod pang pangyayari na ang magiging dahilan sa huli ay mga di-inaasahang pagkakaganap. Kaya dapat lang na bigyan ng pag-iingat at mabuting pag-iisip sa kahihitnan ng bawat pagkilos o hakbang sa buhay.


Mga Pagpapatunay ng Butterfly Effect:

1. Isang lipol ng barkong kastila na nagkamali ng tinahak ay napadpad sa Cebu at nagpakilala ng Kristyanismo sa isang maliit na tribo.
Epekto: Ang papulasyon ng Pilipinas ay binubuo ngayon ng humigit-kumulang 90% na mga kristiyano.

2. Isang parang impertenenteng mga nobela lang, na gawa sa papel at sulat sa wikang kastila, at di naglaon maraming pilipino ang nakabasa nito.
Epekto: Maraming pilipino ang na-antig at lumaban para sa kalayaan, at hanggang ngayon isang malayang bansa pa rin ang Pilipinas

3. May isang impertenenteng tao ang nag-umpisang maging “corrupt” noon, marami ang tumulad sa kanya. Epekto: Naka-ugaliang kultura na, kung kaya’t may malawakang problema sa “corruption”, kahirapan at krimen ngayon.


Mga Panuksong-isip Gamit Ang Butterfly Effect:

1. Isang ordinaryong pilipino sinaliksik, inalam at natutunan kung anu-ano ang mga dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas.
Epekto? (Isipin…)

2. Isang tahimik na pilipino na marunong sumulat, naliwanagan kung ano ang kayang gawin ng isang panulat sa kinabukasan ng isang bansa.
Epekto? (Isipin…)

3. Isang “corrupt” na magulang nakabasa ng katotohanan kung anu-ano ang epekto ng “corruption” sa hinaharap na kaligtasan ng kanyang sariling mga anak at ang mga apo.
Epekto? (Isipin…)

2. Ang Batas ng Atraksyon (Law of Attraction): Sikreto ng Isang Tunay na Agimat

“Lahat ng bagay na dumarating sa loob ng iyong buhay ay siya ring mga bagay na inakit mo papunta sa loob ng iyong buhay. At iyan ay na-akit sa iyo sa pamamagitan ng mga larawang iyong hinahawakan sa loob ng iyong pag-iisip. Iyan ay ang mismong ini-isip mo. Anu man ang umiikot sa loob ng iyong pag-iisip ay siya ring na-aakit mo papunta sa iyo” (Ito ay hango sa librong “The Secret” ni Rhonda Byrne ng Beyond Words Publishing 2006). At ayon pa kay Prentice Mulford (1834 – 1891), “Ang bawat isip na mula sa iyo ay isang totoong bagay –isang puwersa.”

Malakas ang pagsang-ayon ng Agimat.org sa batas na ito kung kaya’t naniniwala ang mga miyembro na hindi imposibleng mapa-ayos ulit ang pamumuhay sa bansang Pilipinas.

Samakatwid, mula sa batas ng atraksyon, ating natutunan na kung ang ating isip ay isang puwersa na makaka-akit ng pagkakaganap, dapat lang na ang ilalaman natin sa isip ay mga mabubuting bagay lamang.


3. Ang Liwanag sa Dilim

Ang “slogan” naman sa logo ng Agimat.org ay bunga ng inspirasyong natanggap mula sa awiting “Liwanag sa Dilim” ng Rivermaya. Gaya sa awitin, ang Agimat.org ay sampalataya sa kakayahan ng bawat Pilipino, na ang bawat isa ay ma-a-aring magsilbing liwanag sa dilim maging ikaw man ay mahirap o mayaman. Ang bawat tao ay pantay-pantay, may pangalan, may karapatan, may kakayahan at kagalingan.

Ang mp3 ng awiting "Liwanag sa Dilim" ay maaring mai-download mula sa www.rivermaya.net.

Liwanag sa Dilim ng Rivermaya (LYRICS)

Ituring ang iyong sariling
Tagahawi ng ulap
Sa kalangitang kulimlim
Kampanang yayanig
Sa bawat nilalang
Magigising ang lupang
Kulang sa dilig

Ikaw ang magsasabing
“Kaya mo to!”
Tulad ng isang tanglaw
Sa gitna ng bagyo

Isigaw mo sa hangin
Tumindig at magsilbing
Liwanag
Liwanag sa Dilim
Harapin mong magiting
Ang bagong awitin
Ikaw ang
Liwanag sa Dilim

At sa paghamon mo
Sa agos ng ating kasaysayan
Uukit ka ng bagong daan

Ikaw ang aawit ng
“Kaya mo to!”
‘Sang panalangin
Sa gitna ng gulo

***


Last edited by Talisman on Thu Feb 07, 2008 1:47 pm; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website Yahoo Messenger
BURAOT
Potensyal na Puwersa


Joined: 26 Jan 2008
Posts: 12
Location: Mars

PostPosted: Thu Jan 31, 2008 8:48 pm    Post subject: Reply with quote

pabor ako sa lahat.

ang lahat ay magkakaugnay. maypagasa. positive thinking. karma. beacon on a storm.

tayong lahat. may magagawa. buti naispatan ko ito.
_________________
Para sa Bayan.. at sa akin din.
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
ampon_ng_sumilao
May Puwersa ng Agimat


Joined: 20 Jan 2008
Posts: 83
Location: brgy san vicente sumilao bukidnon

PostPosted: Fri Feb 01, 2008 12:49 am    Post subject: Reply with quote

^_^ pasensya ka na buraot, medyo nasa bakasyon ang madami, nasa training ata si ginoong T (talisman).

maiispatan mo talaga to sa lakas ng pagaspas naming mga paruparu haha. yan hane ang paruparo epek hehehe... pupunta ako sa iyong lungga wag tayo dito magdaldalan baka mapalo tayo ni ginoong T hehe... Razz
_________________
...para sa Diyos, Bayan at Kapwa!
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
pangdennio
May Sapi ng Agimat


Joined: 13 Sep 2007
Posts: 55
Location: Bulacan/QC

PostPosted: Tue Jul 08, 2008 11:21 am    Post subject: Reply with quote

May kaunti lamang sana ako nais na sabihin hinggil sa paggamit o paggahum ng mga banyagang teorya sa sitwasyon o mga kaganapan sa ating bayan.

Ayon nga sa aming propesor, marapat lamang na iwasan na nating ilapat ang mga banyagang pananaw at kaisipan upang ilahad ang kalagayan ng ating bayan.

Maganda nga ang sinsabi ng Teorya ng Kaguluhan at ang Epekto ng Paruparo ngunit ang lahat ng ito'y mga banyagang kaisipan, mga bunga ng kanilang sariling pagsusuroy-suroy at hindi nating mga Pilipino.

"Agimat" ang ngalan ng forum na ito. Sumisimbolo ang agimat sa paniniwala ng mga sinaunang Pilipino na ito ang magbibigay ng proteksyon sa kanila sa pras ng kagipitan. Sumisimbolo rin ito sa matinding paniniwala ng Pilipino sa isang bagay na hindi niya alam kung ito nga ba talag ang magbibigay ng kaligtasan sa kanya.

At sana, ang maging "Agimat" natin upang 'mailagay sa ayos ang Pilipinas' ay ang mga kaisipang Pilipino na hindi pa nasusubukan at magtiwala rito gaya ng pagtitiwala ng mga Pilipino sa isang mumunting bagay na walang kasiguraduhan.

Hindi naman din ito nangangahulugan na huwag na nating yakapin ang mga banyagang pananaw na maganda naman at maaari din naman ilapat sa ating bayan. Ngunit, dapat na manaig at ilagay sa tuktok ng atng prayoridad ang Pilipinasasyon ng ating kaisipan at mga gawi.

Halimbawa na lamang natin ang naunang EDSA. Isa itong bagong kaisipan na hindi kailanman naisip ng sinuman na maaaring maganap ang isang rebolusyon na walang dadanak na dugo. Sabi pa nga ng mga komunista, hindi raw maaari na idaan sa 'picnic' ang pagbabagsak sa isang diktador. Ngunit nakita natin ang naging bunga: kalayaan mula sa diktaturya ng isang mapang-abusong rehimen.

Ngunit, masasabi rin na hindi ito gaanong nagtagumpay. Dahil matapos ang picnic, nakalimutan ng lahat na kailangan nating bantayan ang labang naipanalo natin. Ngayon, nasa ating mga kamay na itama ang pagkakamali ng nakaraan. Pinuhin nating ang konsepto ng 'people power' na kung maganap muli, hindi na ulit mangyayari ang nakaraan.

Isa itong magandang konsepto na binuo ng kaisipang Pilipino. Dito sana tayo sa mga kaisipang Pilipino humugot ng inspirasyon at lakas upang panibaguhin ang ating Inang Bayan.

Iyon po lamang. Maraming salamat.
_________________
"Never underestimate what few committed individuals can do to change the world."
- Margaret Mead (Ang aking BLOG: Frustrated Writer PUNTA NA!!!)
FOLLOW CHRIST. SERVE THE PEOPLE!
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic    Organisasyong Agimat Forum Index -> Himpilan ng Agimat.org All times are GMT + 8 Hours
Page 1 of 1   

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum
You cannot attach files in this forum
You cannot download files in this forum

Community Chest