Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

Ano ang mensahe mo para kay Pangulong Gloria Macapagal?

<img src="http://agimat.freeforums.org/files/agimat/smilies/woohoo.gif">Ito ang forum para sa pangkalahatang paksa. Kung ikaw ay bagong miyembro, patakaran ang magpakilala muna sa "Pagpapakilala" forum sa taas.

Moderators: Kisapmata, Lakas ng Amihan

Ano ang rating mo sa performance ni GMA bilang pangulo ng Pilipinas?

1 = very poor
9
64%
2 = poor
3
21%
3 = puwede na. satifactory lang.
1
7%
4 = very satisfactory. effective na President
0
No votes
5= excellent! yumaman pa sa Amerika ang Pilipinas!
1
7%
 
Total votes : 14

Postby ampon_ng_sumilao on Wed Jan 23, 2008 7:08 pm

haysowsko ang mga letter ninyo, madam PRESIDENT? presidente nga ba talaga siya?

hmmmm nais kong sumulat din ng liham sa pandak sa palasyo pero sa dami ng nais kong ilistang kasalanan niya, hindi ko ata maorganisa ang aking sarili kung saan ako magsisimula. tinatamad din ako dahil anong saysay ng pagpapalagutok ko ng aking mga daliri sa patuloy na pagtipa kung ang mga ipapatak na kataga ay hindi naman talaga makararating sa kanya? o makarating man ay tiyak naman hindi niya ito papansinin, gamitin ko man ang lahat ng mura, o di kaya ay, magimbento pa ng maraming murang mala asido para lamang sa kanya... PERO, sa kapal na ng pagmumukha niya wala na rin itong saysay pa!

pero nitong kamakailan may isang patalastas na ikinakulo na naman ng dugo kong dati ng kumukulo kulo! may patalastas sa nbn 4 (anak ng tinapa kasi ang pinsan ko at tumataya sa lotto so nagaabang siya ng resulta nang mamatyagan ko ang nasabing patalastas).

may mga nagsalita sa ibat ibang sektor, OFW, mangingisda, magsasaka, factory worker, etcetera, nagtetimonya sila na nadadama nila ang kaunlaran (putcha!) ng bansa. sa dulo ng mga testimonya, may magaling na voice over ang nagsabing....sa pitong taon na nagdaan DAMANG DAMA natin ang pagunlad!

grrrrrrr. magkano kaya bayad sa kanila? sila ang mga makabagong makapili. putcha, anong klaseng konsensya meron kayo para lumabas on public television para magbigay ng maling testimonya???? grrrrrrrrrrrr....

ang ekonomiyang ipinagyayabang mo madame de petite de lubao, ay hindi tunay na lumalago, pekeng paglago ito. umangat ang halaga ng piso dahil sa mga remittances ng ating mga bayaning OFW... pero ang masaklap sila ang hindi makakaramdam ng paglagong ito, lalo at lumiliit ang halaga ng palitan kaya lumiliit ang natatanggap ng kanilang mga pamilya dito.

wala ni isang halaga sa merkado ang bumaba. kahit transportasyon sa mrt o lrt ay hindi din bumaba. nasaan ang malagong ekonomiya?

magtipid sabi mo. kaya sa isang sona mo, inulit mo na lang ang isang dating gown. kaya pala, pagtitipid na pala ang humingi ng 65B na porkbarrel para sa palace funds.

pwede po bang pakiliquidate ang 322 M unliquidated expenses mo sa palasyo. dinaig mo pa ang pinagsamasamang unliquidated expense mula nuong 1992 hanggang sa administrasyon ni Erap na inabot lamang ng 300 M. kung pamasahe lamang sa jeep, maiintindihan kong hindi ka makakapagpakita ng resibo... PERO 322 M, anak ng tinapa. anak talaga ng________

nagiisa isa na ako. aatakehin na naman ako ng highblood nito.


LALO na kung usapang SUMILAO pa ang idadagdag ko! hanggaling mong magiiyak iyak kuno at mahigpit na yakapin ang mga nanay at kapatid kong maguuma ng sumilao, madiin mong sinabi, ibabalik ko sa inyo ang lupa, ang lupa ay inyo! dinig ko iyon! ang lahat ay sa hangin lang nailista! umuwi ang mga magsasaka dahil ayaw ka nilang ipahiya. kahit hindi ka katiwa tiwala binigyan ka nila ng patas na pagkakataong bumawi sa mga nauna mong pagkakamali.... PERO kahit ang pagkakataong ito ay sinasayang mo! nagbabalik sila. para maningil sa pangakong binitawan mo. mapayapa ang pamamaraan ng paniningil nila.......... maghihintay ka bang makaisip sila ng ibang paraan? gusto mo ata talagang hukayin ang sarili mong libingan!





gggggggrrrrrrrrr! hindi ako galit. hindi talaga ako galit.


GALIT na GALIT na.






(sige magdadasal muna ako)
bonum est confidere in domino
bonum sperare in domino
User avatar
ampon_ng_sumilao
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 83
Joined: Sun Jan 20, 2008 11:55 am
Location: brgy san vicente sumilao bukidnon

Postby BURAOT on Fri Feb 01, 2008 3:53 am

aba ginang gloria
punumpuno ka ng grasya
kaban namin ay napasaiyo
bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
at pinagpala naman ang iyong mga anak na si luli. at si mikey. at si dato. isama pa si mike at si iggy.

Santa-santitang Gloria, awa ng Diyos
ipanalangin mong wag kaming maging makasalanan
ngayon at kung ikay aming mapatay
amen

syanawa.
Para sa Bayan.. at sa akin din.
User avatar
BURAOT
Potensyal na Puwersa
 
Posts: 12
Joined: Sat Jan 26, 2008 3:22 am
Location: Mars

Postby dumudugong_utak on Tue Feb 26, 2008 9:44 pm

Gloria,

Sinungaling ka!

Yun lang.
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby pangdennio on Tue Jul 08, 2008 1:42 pm

Nakakhiyang sabihin ngunit minsan sa buhay ko ay naging idol ko si Gloria. Anak ng pating, nilunok ko lahat ng mga papuri ko sa kanya. Hindi dahil sa may nang-away sa akin kundi siya na mismo ang nagbigay ng dahilan par hindi ko siya idolohin. yak. hehe..:)

Ang aking mensahe ko sa ating MAHAL na Pangulo:

Madaming mga FIRSTS ang naganap sa rehimen mo.

Una, lahat ng bagay ay nagmahal: tubig, kuryente, tuition, bigas, krudo. pamasahe, etc.

Pangalawa, bawat taon na lamang may iskandalo ka.

2001: IMPSA Deal, Diosdado Macapagal Highway
2002: "I promise not to run in 2004.."
2003: "Tatakbo ako sa 2004.."
2004: "Hello Garci..", Fertilizer Fund Scam
2005: North Rail Project
2006: Jueteng
2007: Dayaan ulit, NBN-ZTE, Cyber-Ed
2008: Food crisiss

(Maaaring hindi eksakto ang mga petsa ngunit ang lahat ng iyan ay siguradong naganap sa ilalim ng rehimen mo.)

Ikatlo, ang iyong asawa ang bukod tanging tao sa Pilipinas na nagsampa ng napakadaming libel cases.

Ikaapat, pangalawa o higit pa ata kay Marcos, isa kang tunay na berdugo. Mahigit 800 na ang pinatay na aktibista, mamahayag at kontra sa iyo.

Ikalima, ang talamak na korupsyon sa gobyerno.

Ika-anim, wala na ko masabi dahil baka atakihin na ako dito sa sobrang galit ko sa iyo.

Kaya please, makonsensya ka naman. Isa ka pa naman ina. Hindi mo dapat kinukunsinte ang kamalian kahit ng mga kapamilya mo. Lalo na ang mga under mo.

Sobra na. Tama na. Dapat ka nang patalsikin sa Malakanyang.

P.S. Sana bumaba ka na sa 2010 ha, wag ka na mageextend.
"Never underestimate what few committed individuals can do to change the world."
- Margaret Mead (Ang aking BLOG: Frustrated Writer PUNTA NA!!!)
FOLLOW CHRIST. SERVE THE PEOPLE!
User avatar
pangdennio
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 55
Joined: Thu Sep 13, 2007 3:18 pm
Location: Bulacan/QC

Kaawa-awang Pilipinas

Postby Narda on Fri Sep 19, 2008 11:18 am

Madam President,

Masamang masama ang loob ko twing nababalitaan ko sa telebisyon ang nangyayari sa Pilipinas. Kung mapapansin nyo lamang, sa totoo lang ang Pilipinas ay pinagtatawanan ng ibang bansa. Palubog ng palubog, tuloy tuloy ang pagtaas ng bilihin, lahat ay tumataas pwera na lamang ang sweldo. kaya ako lumisan sa Pilipinas at nagtatrabaho sa ibang bansa dahil "hopeless" at paano ko masusuportahan ang aking pamilya kung pahirap ng pahirap ang ating bansa. Ang kinikita namin bilang OFW ay napupunta lamang sa mga bulsa ng tiwaling opisyal ng gobyerno. kaya sino ba ang yumayaman..syempre kung sino yung mga nasa pwesto. Sabihin na natin na wag naman lahatin o igeneralized pero wala naman akong nakikitang pagbabago.

Pag tuunan po ninyo ng pansin ang kahirapan ng pilipino, edukasyon at trabaho at solusyonan hindi palaging bumisita sa iba't ibang bansa kasama ang buong pamilya. Tanggalin ang mga tiwali sa gobyerno, ang mga militar at kapulisan na mga abuso na pwede ko sabihin na mga criminal dahil sila ang pumapatay sa Pilipinas kaya ang mga sambayanang Pilipino ang apektado.

Saglit na lamang ang inyong termino, gawin nyo na dapat ang kailangang gawin para sa Pilipinas baka sakali pa na magbago ang isip ng sambayanan at kayo uli ang ihalal bilang Presidente. Life is short, make the most out of it. Tulungan makabangon muli ang Pinas at hindi na lamang umasa sa mga padala ng OFW.

Hanggang dito na lamang po.
Narda
 
Posts: 4
Joined: Fri Sep 19, 2008 1:53 am

Postby Bb. Balakutsa on Wed Oct 22, 2008 1:08 am

Mga ka-agimat, meron bang pag-asa na makarating ang ating mga mensahe sa Pangulo? Sana meron dahil....

Sobrang nakakasuka na ang nangyayari sa pilipinas ngayon!

Nagkakalokohan na ang buhay sa pinas dahil sa taas-babang presyo ng mga bilihin!

Pulitika dito.. Pulitika doon!

Pag byahe ng mga Government officials just recently ( Dir Delapaz in particular ). Kahit pa sabihin na hindi iyon iligal, malinaw na malinaw pa rin na pera ng bayan ang gamit nila papuntang ibang bansa!

Nakakainis na talaga ang Administrasyong Arroyo... Masyado ng nagkakalat!!!

Kawawang mga Pilipino.....

Kawawang mga OFW's.... nagpapakahirap para lang may maipadala sa pamilya sa pilipinas at ang nakikinabang ng sobra ay ang mga buwayang nasa Administrasyon ni Pandak!

Mga OFW's na nasa Death Row..... ipagdasal natin sila. Hindi sapat na tawagin silang mga Bayani. Hindi man lang sila matulungan ng ating gobyerno. nakakaawa! mamamatay ng walang kalaban-laban!

tsk... tsk... tsk...

Pilipinas, nalugmok na sa kahirapan!
Ako ay Pilipino!
User avatar
Bb. Balakutsa
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 70
Joined: Fri May 04, 2007 4:30 am

Previous

Return to Pangkalahatang Usapan

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron