Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

Ano ang mensahe mo para kay Pangulong Gloria Macapagal?

<img src="http://agimat.freeforums.org/files/agimat/smilies/woohoo.gif">Ito ang forum para sa pangkalahatang paksa. Kung ikaw ay bagong miyembro, patakaran ang magpakilala muna sa "Pagpapakilala" forum sa taas.

Moderators: Kisapmata, Lakas ng Amihan

Ano ang rating mo sa performance ni GMA bilang pangulo ng Pilipinas?

1 = very poor
9
64%
2 = poor
3
21%
3 = puwede na. satifactory lang.
1
7%
4 = very satisfactory. effective na President
0
No votes
5= excellent! yumaman pa sa Amerika ang Pilipinas!
1
7%
 
Total votes : 14

Ano ang mensahe mo para kay Pangulong Gloria Macapagal?

Postby Talisman on Fri May 04, 2007 7:18 pm

Image

Eto na ang pagkakataon mo para makarating sa Pangulo ang iyong mensahe.

Ano ang gusto mong sabihin sa kanya?
Last edited by Talisman on Sun May 13, 2007 1:54 pm, edited 3 times in total.
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby Bb. Balakutsa on Thu May 10, 2007 1:13 am

[font=Arial] [/font][font=Arial] [/font]

Saan patungo ang Pilipinas?

Madam President,

Ako po ay naninilbihan sa Gitnang Silangan at gusto ko lang po sana na bigyang pansin nyo naman ang aking liham.

Masakit isipin na sa loob ng mahabang panahon na ginugol ko sa bansang ito ay wala pa ring nangyayari sa sarili kong bansa. Hindi lingid sa inyo na marami ang mga kababayan natin na nagnanais na makapunta ng ibang bansa (kahit ibuwis ang buhay) para kumita ng malaking halaga at ng sa ganon ay matustusan ang pangangailangan ng kani kanilang mga pamilya. Hirap ng katawan, pagod ng isipin at kahihiyan ang aming puhunan para lamang kumita ng malaking pera. Halos wala na kaming itinirang dignidad sa aming sarili para lang makaahon sa hirap. Pikit mata na lamang naming tinatanggap ang panlalait at pang aalipusta ng ibang nasyon dahil ang pagkakakilala nila sa mga Pilipino ay mga mangmang at walang pinag aralan. Bakit nga ba mahal na Presidente? Bakit hindi natin matuunan ng pansin ang edukasyon ng ating mga kababayan? Bakit kailangan naming magsakripisyo ng ganito habang kayo na nasa Gobyerno ay nag-uusap at nagpa-plano ng kung ano-ano?

Masaya akong malaman na bumababa ang palitan ng Dolyar sa Piso, pero sa sitwasyon ngayon ng Pilipinas, bumababa ang dolyar, tumataas ang bilihin at walang nakukuhang benepisyo ang mga mamamayan. Okay lang po na bumaba ang dolyar kung bababa din ang presyo ng bilihin sa Pilipinas. Madam President saan po ba napupunta ang pera na ipinapadala naming mga OFW? Aminin nyo man o hindi, ang padala ng mga OFWs ay isa sa malaking porsyento na nagpapaahon sa ating naghihirap na bansa. Minsan ba sumagi sa isip nyo kung ano ang sitwasyon namin dito? Hindi sapat na tawagin kaming BAYANI kung ang mga mahal namin sa buhay ay mamamatay ng tirik ang mga mata sa gutom.

Madam President ikaw ang instrumento ng Diyos para tumayong INA ng bansang Pilipinas. Ang ina ang syang nag-aalaga sa kanyang mga anak… Ang ina ang syang magandang halimbawa ng kanyang mga anak…. Ang ina ay may totoong malasakit sa mga anak…. Ang tunay na INA ay may pagmamahal sa sariling ANAK.

Tama na ang panlilinlang sa mga tao. Sana ay may magawa naman kayong maganda sa ating bansa. At kung wala….. Diyos nalang ang bahala!
Ako ay Pilipino!
User avatar
Bb. Balakutsa
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 70
Joined: Fri May 04, 2007 4:30 am

Hindi ako bilib, Madam President

Postby Penduko on Sun May 13, 2007 1:40 pm

Madam President,

Wala pong personalan, pero di po ako bilib sa inyong performance.

Pabagsak pa rin po ang ekomomiya ng bansa, marami pa ring "corrupt" sa ilalim ng inyong pamamahala. Ang aking mga kapatid na pilipino, nakaka-awa, napipilitang mangibang bansa para magpa-alipin sa mga banyaga. Maraming pamilya ang hindi kumpleto sa bahay, wala ang ina o ang ama, sabik ang mga anak sa pagmamahal, malayo sa ibang bansa. Hindi normal na "family life", malungkot na bansa, dagdag pa ang hirap na mabuhay sa sistemang umiiral sa gobyerno. Hindi ko makita na nababago mo ito.

Ang kahirapan, isang malaking pinagmumulan ng krimen. Maraming bata ang palaboy, hindi makapag-aral, kailangan ang magtrabaho para may makain. Anong klaseng mamamayan sila pagdating ng mga susunod na taon? Karamihan sa kanila, hindi matututo ng tamang kaugalian, hindi makakakuha ng maayos na hanapbuhay, mapapabilang sa mga kriminal dahil sa gutom at diskriminasyon.

Hindi po ba alam ng mga nagpapayaman (na mga walang paki-alam sa batang ito) na siya ring ikapapanganib ng sarili nilang mga anak pagdating ng araw? Ano bang buhay ang gusto nila sa kanilang anak (na sila lang ang mayaman), ang magkulong sa iilang lugar na magagalawan nila sa Pilipinas dahil napuno na ng mga batang lumaking kriminal, o mangibang bansa na kung saan sila naman ang makakatikim ng diskriminasyon mula sa ibang lahi. Sa tingin ba nila ay mas papaboran sila ng Amerikano sa Amerika?

Ikaw, aming Presidente kaya mo kayang maglakad mag-isa sa sarili mong bansa? Pano pa kaya ang iyong magiging mga anak kapag pinabayaan mong dumami ang naghihirap.

Panalangin ko ay gabayan ka ng ating Panginoon sa Langit, upang maging mas matatag at mabilis sa pag-ayos ng ating bansa.

Karapatan nating lahat ang mabuhay na ligtas, maginhawa at mabuti sa kapwa.

Sa ngayon po ang aking score sa inyo ay 1.

Asahan ko na mag-improve kayo sa inyong palakad ng bansa. Hindi po ako proud ipagmalaki sa buong mundo o history ang inyong performance sa ngayon.

Ang iyong kapantay sa mata ng langit,
Last edited by Penduko on Fri Jun 01, 2007 12:11 pm, edited 1 time in total.
~Penduko
Image
"Mag-umpisang bigyan liwanag ang kinabukasan sa panahong kasalukuyan."
User avatar
Penduko
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 35
Joined: Thu May 03, 2007 8:55 pm

Postby Gumamela on Thu May 24, 2007 9:12 am

Kung makakarating lamang ito sa kanya...

Madam,

Sana'y magising ka na sa katotohonang walang kahihinatnan ang pagkalulong sa kapangyarihan. Sana'y maisip mo ang mga mamamayan sa middle at lower class na unti-unting nawawalan ng pag-asa. Sila ang pinakanakakawawa sa pangungurakot ng mga politiko. Sila ang nakadarama ng hagupit ng inyong kapabayaan. May tatlong taon ka pang natitira. At ayaw mong magpatalo. Hindi ko alam kung ano pang pwedeng mangyari.

Isa ako at ang aking pamilya sa mga naging biktima ng mga tiwaling tauhan mo---si WINSTON GARCIA, ang general manager ng GSIS. Siya ang sumira sa aming pamumuhay. Nawala rin ang tunay na serbisyo ng institusyon dahil sa kanya. Bakit hindi mo pinapakinggan ang hinaing ng mga nakakakita ng kanyang mga kalokohan? Ipinagtatanggol mo pa. Nagamit na nya ang pera ng mga retirado at ng mga empleyado ng gobyerno sa kanyang pagpapa-dialysis at pagbili ng kotse. Pati ang kanyang mga galamay ay abot langit na rin ang yaman. Pero ang mga pensyonado, hirap na hirap kunin ang kanilang mga pinaghirapan nang sila'y nagsisilbi pa. Bakit ganoon?

Yun lamang sa ngayon, Pangulong Arroyo.
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby Bb. Balakutsa on Fri Jun 01, 2007 5:31 am

Madam,

Kung ayaw mong sumuko o bumaba sa posisyon, atleast bigyan mo ng pagkakataon ang mga mamamayang Pilipino na makaranas ng ginhawa sa buhay. Bigyan mo ng solusyon ang kahirapan ng bansang Pilipinas. Pahalagahan mo ang mga taong matagal na nagsilbi at halos ibuwis ang buhay para lang sa ating bansa.

Kung ang mga nakaraang Pangulo ng Pilipinas ay sinasabing "corrupt", wag ka ng sumunod pa sa yapak ng mga ito..... Baguhin mo naman at pagyamanin ang ating Inang Bayan! Ikaw lang Pangulo ang may kapangyarihang gumawa nito!!

Sana ay magising tayo sa katotohanan na lugmok na sa hirap ang ating Inang Bayan! Nakakapagod na maging mahirap Madam President (mabuti pa kayo, sagana at abot langit ang yaman) :cry:
Ako ay Pilipino!
User avatar
Bb. Balakutsa
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 70
Joined: Fri May 04, 2007 4:30 am

Postby dumudugong_utak on Fri Jun 01, 2007 12:17 pm

Pangulong Gloria,

Isang mapagpalang araw po!

Pagpapala. Puno ang pamumuno mo ng pagpapala.

Pinagpala ka kasi maraming tao ang walang paki-alam ngayon sa kaguluhang dulot ng mga paratang ng dayaan nuong 2004.

Pinagpala ka kasi maraming tao ang pikit matang nagsasabi na "pabayaan na natin yan para wag maging magulo."

Pinagpala ka kasi maraming tao ang napahiya dahil sinuportahan nila ang pagkakaluklok mo nung EDSA 2 kaya dahil sa kahihiyan pinili na lang nilang manahimik.

Pinagpala ka kasi may mga sangkot na Heneral sa Garci Scandal ang nanginginig ang tumbong ngayon at handang ipagtanggol ang puwesto mo wag lang silang mabisto sa napabalitang dayaan nuong 2004.

Pinagpala ka kasi maraming Filipino ang nagugutom at pumunta sa ibang bansa upang maghanap ng trabaho at sila ang nagpapadala ng dolyares na nagpapatatag ng ekonomiya natin.

Pinagpala ka kasi maraming pinapatay na mga militante kaya kumakaunti na lang ang mga nag-oorganisa sa kanayunan na nagiging dahilan upang humina ang hanay ng mga umaayaw sayo.

Pinagpala ka kasi marami ring namamatay na mamamahayag na nagiging dahilan upang matakot ang ilan ngayon na ilathala ang totoong kaganapan sa ating lipunan.

Pinagpapala ka ngayon mahal na pangulo, sana kami naman ang pagpalain sa mga darating na araw.

Tandaan po ninyo mahal na pangulo, hindi lahat ng araw ay Linggo.


Lubos na gumagalang,

dumudugong utak
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby Totoy Mulat on Fri Jun 01, 2007 5:48 pm

Aming Pangulo,

Ikaw na kapantay ko bilang tao. Ikaw na kapantay ng bawat mamayan na iyong sinasakupan. Ikaw na isang ina rin kagaya ng mapagmamahal na ilaw ng tahanan. Ano ba talaga ang nagawa mo na ikina-angat at ikina-ginhawa ng buhay sa Bansa?

Wala. Sa aking mga mata, puros pakitang tao. Wala akong pake-alam kung ano ang iyong istilo sa pamamahala dahil bawat pagtapos ng araw, ang mas mahalaga ay "resulta"!

Ano ang resulta ng iyong pamamahala?

Ito:
* Mas mataas pa ang utang ng bansa kesa noong namumuno pa si Marcos.
* Mas dumami ang mahihirap at mang-mang.
* Mas yumaman ang mga mayayamang banyagang lumalapag sa ating bansa.
* Mas nakakatawa ang ka-inutilan ng gobyerno at batas laban sa "corruption"
* Mas bumaba ang pagtingala sa imahen ng pagkababae sa paghawak ng isang pamamahala.
* Mas pinagtatawanan ang lahing Pilipino ng ibang lahi. Wala na tayong maipagmalaki. Puros na tayo "porma" lang sa mata nila. Tayo'y mga matatalinong bobo dahil sa nakikita sa inyong mga namumuno. Tapos kayo ng pag-aaral pero sa inyong kilos ay wala naman pala kayong natutunan. Wala kayong silbi sa trabahong inyong dapat pag-ukulan.
* Mas lalong di kana makalabas ng bahay dahil sa krimen. Dumami na ang mga na-uulol sa hirap - wala nang mapanghawakan upang mahalin ang sariling dignidad.

Hinahamon kita, kapantay ko bilang tao, ipakita mo na karapat-dapat ka nga papugayan sa kasaysayan ng Pilipinas.

Paano mo gustong ma-alala ng kasaysayan?

Paki-usap ko sa iyo, mahalin mo rin kami kagaya ng iyong sariling pamilya.

Kami ay tao rin kagaya ninyo, marunong magutom at mag-asam ng maginhawang buhay.
~ TOTOY MULAT
"Ipinaglihi sa masipag na kalabaw."
User avatar
Totoy Mulat
 
Posts: 7
Joined: Mon May 14, 2007 8:20 pm

Postby maldita on Tue Aug 28, 2007 8:36 pm

Sa iyo,

Lumaki po akong walang ina. Pero klaro sa isip ko ang kahulugan nito. AT kayo bilang nahalal na pangulo ay kinukonsidera kong ina ng bansang ito.

Mahal na pangulo, ang isang ina ay isang magulang. Hindi ma gulang. Hindi sila nananamantala, inuuna ang kapakanan ng iba at nagdedesisyon ayon sa ikabubuti ng kanyang mga supling.

Nais ko ipagdiinan na ang maganda ay kaiba sa mabuti. Kung tingin niyo ang ginagawa niyo para sami’y maganda, ang tanong, ito ba ang makabubuti?

Sige maging reyalistiko tayo, mula sa saklaw mong nasasakupan ay posibleng mahulma ang mga susunod na gobernador, kagawad, mayor, sendora o pangulo ng republika.

Mahuhulma sila ng pangit mong pagpapatakbo. Naisip mo na bang maari naming sundin ang yapak ng pamumuno mo? At kung mangyari nga, maaatim mo ba na pamunuan nito ang mga kaapuapuhan mong Arroyo?

Sa iyo din babalik ang baho mo.

Yumapak ka ng tuwid at mula sa yapak mo’y yayapak din kami ng tuwid, buong kumpyansang titindig at lalakad ng diretso. Gabayan mo po kami para hindi na namin madaanan ang mga batong natapakan mo na’t nagpatimbuwal sayo.

Naisip ko lang, siguro kung nabubuhay lamang ang ating mga ninuno ay isang dosenang Noli Me Tangere na ang nailimbag laban sa iyo, isang daang La solidaridad na nagbabatikos sayo at sa mga kasampu mo at may isang milyong katipunero na handang mag-aklas laban sa gobyernong hawak mo.

Mahiya naman po kayo.

Espanyol laban sa Pilipino ang senaryo dati. At naging madugo ang laban. Pero ngayon, Pilipino laban sa Pilipino. At ang masasabi ko, mas magiging madugo ngayon.

Bilang isa sa mga anak mo sa bayan ay pinapayo kong huwag ka ng maghintay ng may magrebelde pa sa mga kapatid ko.

Nakakatakot. Nakakabahala. Nakakaawa. Ito po ang Pilipinas sa mata ng isang labing walong taong gulang. Nasa sa inyo po ang kapangyarihan para baguhin ang repleksyong nakikita ko.

Sana po ay nasundot ng masimbolikong liham ko ang konsensya’t damdamin niyo, Ina.

Nagmamahal
Bunsoy
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby Bb. Balakutsa on Wed Sep 12, 2007 1:05 am

Magandang araw o gabi sa inyo "Mahal na Pangulo"

Araw-araw kong pinagdarasal na sana ay hipuin ng Panginoong Maykapal ang iyong puso at isipan upang maging karapat-dapat ka ngang tawaging "Mahal na Pangulo"

Sobra-sobrang hirap na ang dinaranas ng iyong mga anak ngunit masyadong matapang ang iyong mukha na sabihin sa buong madla na nakakaahon tayo sa hirap. Bakit ba ang lakas ng loob mong sabihin na nakakaahon tayo sa hirap? Marahil ikaw ay isang bulag dahil hindi mo nakikita ang kahirapan ng kapwa mo Pilipino! O di kaya naman pwede kong sabihin na hindi ka nga bulag ngunit wala kang pakialam kung maghirap man ang buong Pilipinas basta ikaw kasama ng pamilya Arroyo hanggang sa kaapu-apuhan mo ay namamasasa sa dolyares na ipinapadala naming mga OFWs.

Gloria, hindi mo alam ang hirap na dinaranas namin sa ibang bansa para lang masustentuhan ang sarili naming pamilya. Nakakahiya naman sayo kung kami ang naghihirap at ikaw ang namamasasa! Ano kaya kung isang araw magising ka na isa ka palang katulong na namamasukan sa ibang bansa... Isang katulong na minamaltrato ng kanyang amo... Isang katulong na hindi na halos kumain para lang makapagtabi ng pera pampadala sa iyong pamilya na naghihirap sa Pilipinas... Isang katulong na nawalan ng tiwala sa sarili dahil ang sinasabi ng ibang lahi "ikaw ay isang mang-mang".... Isang katulong na walang dignidad!! Ano kaya ang mararamdaman mo?

Pinagpala ka Gloria dahil nakapandaya ka nuong nakaraang halalan!

Kung ayaw mong masabi na nandaya ka, patunayan mo yan sa pamamagitan ng iyong kakayahan na itaas muli ang dignidad naming mga Pilipino!

Hinahamon kita Gloria Macapagal Arroyo!

Galit ako sa mga serbisyong ginawa mo,
Bb. Balakutsa
Ako ay Pilipino!
User avatar
Bb. Balakutsa
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 70
Joined: Fri May 04, 2007 4:30 am

Postby Gumamela on Wed Sep 12, 2007 3:16 pm

Ika-12 ng Setyembre, 2007

Gloria Macapagal-Arroyo,

Kaninang umaga'y hinatulan nang guilty sa kasong pagnanakaw sa kaban ng bayan si ERAP, ang taong pinalitan mo anim na taon na ang nakalilipas. Masaya ka na ba?

Masaya ka na bang ang sinasabi ninyong "magnanakaw" ng bayan ay makukulong na? Na ang paglaban mo sa katiwalian sa gobyerno ay nananaig na?

. . . E bakit nandiyan ka pa?

Masaya ka na ba dahil isa sa mga kalaban mo'y bumagsak na nang tuluyan? At malamang sa hindi ay habang buhay nang mananatili sa kulungan? Wala na siyang laban sa iyo. Rehas na ang papaligid kay ERAP.

. . . Hindi ba't "duwag" ang tawag sa mga taong pumapatol sa mas maliliit sa kanila? Hindi ba't batid mong hindi kasing lawak ng iyong pinag-aralan ang kay ERAP? At sinamantala mo ito upang ikaw ang mapunta sa kinalalagyan mo ngayon? Hindi lang si ERAP, marami pang mababang taong tinapak-tapakan mo na.

Masaya ka na bang mabubuo mo ang iyong pangalan sa buong mundo bilang pangulong nagpabagsak ng dating pangulong tiwali?

. . . Huwag kang mag-alala. Hahanap ako ng isa pang pangulong magpapakulong naman sa dating pangulong dinaya ang boto ng mamamayan at maglalabas ng mga nakatago at pinagkakaingatan nitong kalokohan.

May kasalanan si ERAP sa bayan. Ngunit hindi makatarungang siya lamang ang magdurusa. Dahil marami pa. . . marami pa kayong mas malala pa ang ginawa, ginagawa, at gagawin pa sa kanya.

Kung madadala lamang ni ERAP sa kanyang kulungan ang mga ulo ng lahat ng tiwaling opisyal sa ating pamahalaan, wala nang matitira . . . pati ikaw, Gloria.
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby sigawkatutubo on Thu Sep 13, 2007 5:12 pm

madam gloria,

nakakatulog pa ba kayo ng maayos sa gabi? dapat niyong alamin kung sino po ang talaga sa mga alipores niyo ang dapat nang ilaglag. kung si abalos po na naglakad ng broadband na yan sa ZTE dahil sa milyong commission o si JDV na nagkalat ng expose na ito. kasi ang anak ni JDV na si JDV III po ang natalong bidder sa deal na yan yung Amsterdam ata kung di ako nagkakamali.

para naman po sa kaso ni ERAP, tama lang siguro ang hatol ngunit dapat din sigurong hatulan ang iba pang buwaya sa gobyerno para hindi na manganak ang mga ito at dumami pa..
Kung iidolo ka, bakit hindi si Rizal?
User avatar
sigawkatutubo
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 169
Joined: Thu Sep 13, 2007 1:05 pm
Location: tribu bathala

Postby Bb. Balakutsa on Wed Sep 19, 2007 12:20 am

Madam Glory, are you happy?
Ako ay Pilipino!
User avatar
Bb. Balakutsa
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 70
Joined: Fri May 04, 2007 4:30 am

Postby dumudugong_utak on Thu Sep 20, 2007 11:45 am

Mahal na Pangulo,

Nakatitingin pa ba ng diretso sa inyo ang inyong mahal na asawa?
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby Bb. Balakutsa on Thu Oct 25, 2007 2:11 am

Madam, ang baba na ng dolyar pero hindi nababa ang bilihin sa Pilipinas!

Kawawa naman kaming mga naninilbihan sa ibang bansa. Sa pagkakaalam ko po, malaki ang porsyento ng aming mga remittances kung bakit umaangat ang ekonomiya ng Bansa. Okay lang sana kung may nakikita kaming mga pagbabago kaya lang wala.... parang lalong naghihirap ang Pilipinas.

Sagana naman tayo sa yabang! Naipagmamalaki nyo sa ibang bansa na umaangat ang ekonomiya ng Pilipinas pero ang totoo umaangat ang bulsa ninyo at ang lahat ng nakikinabang sa pera na pinaghihirapan naming mga OFWs!

Mahal na Pangulo, nakakatulog ka pa ba ng maayos?
Ako ay Pilipino!
User avatar
Bb. Balakutsa
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 70
Joined: Fri May 04, 2007 4:30 am

Postby sigawkatutubo on Thu Oct 25, 2007 4:57 pm

madam gloria,

Hindi na ako magpaliguy-ligoy pa. totoo bang utak kayo ng pagpapasabog sa Glorietta, kasama si Norberto Gonzales bilang may pakana..may katotohanan ba ang binitawan salita ni Sen. trillanes?
Kung iidolo ka, bakit hindi si Rizal?
User avatar
sigawkatutubo
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 169
Joined: Thu Sep 13, 2007 1:05 pm
Location: tribu bathala

Next

Return to Pangkalahatang Usapan

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron