Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

Ay Mali!

Dito ikuwento ang mga nakakatawang sandali sa iyong buhay. Huwag matakot maglahad dahil hindi ka naman namin talaga kilala :-)

Ay Mali!

Postby Gumamela on Thu Sep 06, 2007 10:59 am

Hindi ko nais ilagay sa kahihiyan ang aking kaopisina, gusto ko lamang ibahagi ang nakakatuwang pangyayari kahapon:

Anim kaming magkakaopisinang nagpasyang mananghalian sa Greenbelt. Kaarawan kasi ng isa naming kasama. Nang bumukas ang pinto ng elevator, dali-dali kaming pumasok maliban sa isa--tawagin natin siyang Hagrid, dahil kamukha siya ni Hagrid sa Harry Potter, kalbo nga lang. Nagbiro siyang dun sa kabilang elevator daw sasakay, hanggang sa huling sandali bago tuluyang magsara ang elevator na aming sinasakyan, humabol siya papasok. Malabo ang mata ni Hagrid, makapal ang kanyang salamin. Pagkasara ng pinto, tahimik lamang kaming lahat, nang bigla niyang niyakap ang kanyang katabi at sumigaw (yung malambing at pabirong sigaw) ng, "Agaa. . . " Si Aga ay mensahero namin sa opisina. Ngunit pagkayapos ni Hagrid ay biglang pumiglas ang lalaki, kumunot ang noo, at tila gusto siyang itulak palayo. Pagkakita namin, hindi pala iyon si Aga! Namulang bigla si Hagrid at humingi ng paumanhin sa lalaki. Napagkamalan niyang si Aga iyon dahil kapareho ng kanyang damit ang polong madalas suotin ni Aga. Wala nang nagawa ang lalaki kundi yumuko. Siguro ay gusto niyang magalit ngunit natakot siya sa dami namin. Wala kaming nagawa. Pinigilan namin ang aming pagtawa. Napahiya rin kami para sa aming kaibigan. Pagkalabas ng elevator, hindi magkamayaw ang aming pagtawa hanggang sa makarating kami sa Greenbelt. Hehehehe..

LEKSYON: Huwag basta mangyayakap ng iba.
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby dumudugong_utak on Thu Sep 06, 2007 1:39 pm

Hmmmm... ibang aral ang aking napulot.... Huwag humabol sa pasarang elevator at baka mapayakap sa hindi kakilala... hehehehe :P
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby Talisman on Thu Sep 06, 2007 3:58 pm

Nyahahaha! :lol:

Ang nakuha kong aral ay ito:

Para hindi sumama ang loob nung lalaki, dapat hindi lang si Hagrid ang yumakap --dapat ay binigyan sya ng "group hug" :lol:
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby maldita on Sat Sep 08, 2007 2:14 pm

Ang yakap ay laging samahan ng kiss. :D

Wala lang. :qdance:
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili


Return to Nakakatawang Sandali

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron