Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

Bakit nga ba kailangan ang masaktan

Ikaw ba ay nangangailangan ng payo o opinyon sa iyong suliranin? Dito idulog at nang ating mabigyan ng pansin.

Bakit nga ba kailangan ang masaktan

Postby Penduko on Tue Feb 12, 2008 7:14 pm

Anak ng kamote ang araw na ulit na ito.

Bakit nga ba ako ay nandito parin namamaluktot sa pagkabalisa. Bakit nga tila madalas ang iyong minamahal ay walang tenga.

Gusto ko sumigaw, sa hapdi ng damdamin. Bakit nga ba ako ay naghihirap imbes na napagiginhawa ng pag-ibig?

Anak ng kamote eto na naman ako, nag-aantay na buksan nya ang kanyang telepono, gayung nangako sya na hindi na nya gagawin ang ganito. Alam naman nya na nahihirapan ako kapag ganito. Bakit nagagawa niya pa rin? Gayung sinasabi nyang madalas ay mahal nya ako.

Eto ako ngayon, naglalasing na hindi naman ako lasinggero. Umiinom, nagbabakasakali na malunod ang sakit ang lungkot sa dibdiban.

Bakit nga ba ang Panginoon sa itaas itinalaga na makakramdam ka ng sakit sa walang pakundangang trato ng iyong minamahal.

Ang mundo, ang buhay, lasingin na lang kaya ng hindi na mamalagi ang sakit na nararanasan. Bakit i nya ako pinakikinggan talaga sa aking mga kahinaan? Sabi ng kanyang mga labi minamahal nya ako, ngunit ngayon, eto na naman ako namimilipit sa ka-iintay na mabuksan man lang nya ang kanyang telepono.

Lobat? Bakit hindi ba sya maaring makisuyo g text sa kanyang mga kaklase at kaibigan? Piso! Mas mahal pa ang halaga ng piso kesa sa mapalagay ang aking damdamin. Ano ako, isang aso na iniwan sa bahay at kapag sya ay dumating na ay papagaypay parin ang aking buntot sa pagsalubong sa kanya? Gusto na ba talaga ang isang aso kesa sa tao?

Tao ako, marunong magdamdam. Anak ng patola hindi ako robot na pipindutin lang isang buton ay okey na. Kalapastangan na sa aking pagkatao. Ngunit eto ako, ang buwisit na puso ay matigas ang ulo! Isang gago! Isang bobo! Bakit nagpupumilit lumigaya gayung inasa ang ligaya sa katawang liban sa kanya. Ungas na puso!

Inom! Inom! Lunodin ang ungas. Eto ba ang mapapala sa sinabi nilang pagmamahal? Unagas na puso.

Haay.... buti pa ang alak ngayon, kasama ako. Buti pa ang alak kahit minsan lang kami magkatagpo nagagawa nyang kalimutan ko ang nararamdamang hapdi. Gayung hindi naman buo, eto naman ang kapalit, lalo palang makakaramdam ng lunos sa sarili--anak ng timawa!

Eh ano kaya ang masasabi niya? Lahat na ng pumapasok sa isip ko lalo akong napag-aalala. Wala na ba kahit awa itong nagpaksasa sa kilos ng aking pagmamahal?

Ang bobo nya kung tutu-usin. Ang hirap maipakita ang larawan ng sariling kong karanasan. Ako ay nakakramdam na ng panghihina..sa katawan at kaluluwa.

Sandali, ako ay susuka muna...
~Penduko
Image
"Mag-umpisang bigyan liwanag ang kinabukasan sa panahong kasalukuyan."
User avatar
Penduko
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 35
Joined: Thu May 03, 2007 8:55 pm

Postby Gumamela on Wed Feb 13, 2008 8:38 am

Kapatid na Penduko, ayos ka lang ba? Palanggana?

Masakit nga yang ganyan. Nararanasan ko rin yan kapag tila walang pakialam ang aking minamahal kung ako man ay nag-aalala. Pakiramdam ko hindi ako kasali sa bawat araw ng buhay niya.

Pero huwag mong ilugmok ang iyong sarili sa kalungkutan, o sa alak. Gumawa ka ng iba pang paraang pwede. At kung talagang wala pa rin, Sa susunod na kayo'y makapag usap, linawin mo ang mga bagay. Sabihin mo sa kanya kung ano ang pakiusap mo. Ipaliwanag mo kung bakit. Maiintindihan ka nya kasi mahal ka niya. ANg lahat ay maidadaan sa mabuti, hindi sa maBOTENG usapan. . . hehehe.
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby Bb. Balakutsa on Fri Feb 15, 2008 11:16 pm

Makisali na nga sa usapan....

Kung late man ako sa usapang ito, nais ko lang sana iparating sayo Penduko na panandalian ka lamang dadamayan ng alak n iyong kinakasama. Kapag nakalimot ka na sa sakit n iyong nararamdaman dhil s impluwensya ng alak, sinisiguro ko sayo na kinabukasan masakit ang ulo mo at maaaring hindi mo alam kugn ano nangyari kagabi dhil ikaw ay lasing.... tsk... tsk... tsk... maaring nawalan k ng pera o ng telepono o ng pitaka... hays.... sana madala ka kasi hindi solusyon ang alak sa bawat problema sa puso. isang masinsinang pag uusap ( kagaya ng sabi ni gumamela ) ang dapat mong gawin. mahirap umasa sa wala kya hanggat maari ay linawin ang mga bagay bagay..... at kung ayaw na nya, kailangn mo iyong tanggapin dhil nagiging matatag tayo sa bawat pasakit na binibigay ng Diyos.... para sa susunod alam mo na ang dapat mong gawin, hindi ka na mag iinom at magmumukhang tanga o gago kagaya ng nararamdaman mo ngayon :-) peace bro!

ginigising lang kita.... isipin mo na hindi xa kawalan bagkus xa ang nawalan!

smile nmn dyan :D pangit mo na eh...
Ako ay Pilipino!
User avatar
Bb. Balakutsa
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 70
Joined: Fri May 04, 2007 4:30 am


Return to Humingi ng Payo

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron