Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

Balakutsa sa Gitnang Silangan

Kung ikaw ay baguhan sa Agimat.org, isulat sa forum na ito ang iyong pagpapakilala.

Balakutsa sa Gitnang Silangan

Postby Bb. Balakutsa on Fri May 04, 2007 5:14 am

Ako si Balakutsa, matigas ang loob ngunit matamis kung magmahal. Isa ako sa 80 million Filipino na nagmamahal ng totoo sa bansang Pilipinas ngunit kinailangan kong lisanin ang aking Inang Bayan dahil sa aking kahirapan.....

Ang Gitnang Silangan ay isang dalikadong lugar para sa ating mga Filipino, ngunit mas ninanais pa natin magsilbi sa ibang nasyon kesa sa sarili nating kababayan. Dahil sa hirap ng buhay sa Pilipinas, kahit mabigat sa aking kalooban ay isinakripisyo ko ang aking pamilya para kumita ng malaki at masuportahan sila sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.

Hirap ng katawan at pasakit ng kalooban ang kapalit ng bawat halaga na pinapadala ko sa aking pamilya na naghihirap mismo sa sarili kong bansa. Sa loob ng mahigit limang taon na pamamalagi ko sa Gitnang Silangan, marami akong naranasan na hindi alam ng aking pamilya. Dito ko naramdaman ang bigat ng kalooban dahil sa panlalait ng ibang nasyon sa akin dahil para sa kanila isa lamang akong tuldok at walang karapatang sumagot o mangatwiran. Lahat ng gusto nilang gawin ko ay dapat kong gawin ng walang reklamo. Naranasan ko rin ang kalupitan ng kanilang kamay dahil sa pagmamaltrato. Tiniis ko ang bawat hagupit sa aking pata at pagod na katawan. Tiniis ko rin kainin ang pagkain na halos hindi ko malunok at katulad ng pagkain ng mga hayop sa atin. Ilan lamang ito sa mga tiniis ko sa loob ng mahigit limang taon na pamamalagi ko rito. Ngunit....... wala akong magawa dahil sa pamilya ko na umaasa at naghihirap sa sarili kong bansa!

Kung mabibigyan lang ako ng pagkakataon na kausapin ang isa sa pinuno ng ating bansa, isisiwalat ko lahat ang aking hinanakit at sama ng loob para ng sa ganon ay malaman nila na napakaraming Filipino ang nagtitiis sa ibang bansa para lamang makaahon sa kahirapan ng buhay...... Sa ngayon tila sila mga maaamong tupa dahil kailangan nila ang boto ng ating kapwa ngunit pagkatapos ng lahat ng ito, para na naman tayong pako na ipinukpok sa kisami ng ating sariling tahanan. Masakit isipin na harap-harapan ang panloloko sa atin ng sarili nating mga pinuno. MAS MASAHOL PA SILA SA IBANG NASYON SA MGA KALUPITAN NA KANILANG GINAGAWA SA SARILI NILANG BANSA!

May magagawa kaya ang ating gobyerno para malutas ang ating problema sa kahirapan? Bakit tila api-apihan tayo hindi lamang sa ibang bansa ngunit pati na rin sa ating sariling lupa?
Ako ay Pilipino!
User avatar
Bb. Balakutsa
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 70
Joined: Fri May 04, 2007 4:30 am

Postby Talisman on Fri May 04, 2007 7:13 pm

Napaka-totoong salaysayin!

Hayaan mo binibining Balakutsa gagawa ako ng paksa para maisulat ng mga katulad mo ang mga hinaing sa ating mga pinuno ng gobyerno. Uunahin natin ang Pangulo ng Pilipinas.

Samantala, ikinagagalak kong iparating sa iyo na ang sinulat mong ito ay isa sa napili kong ilathala sa ating Agimat.org newsletter.

Mabuhay ka, isang buhay na bayani!
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby Talisman on Fri May 04, 2007 7:20 pm

Maari mo nang sulatan ang ating Pangulo ng Pilipinas.

Pindot mo lang ito: http://agimat.freeforums.org/viewtopic.php?t=20
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby Gumamela on Mon May 28, 2007 12:21 pm

Maaari po bang magtanong?
Anu po ang ibig sabihin ng "balakutsa"?

Salamat!
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby Talisman on Mon May 28, 2007 2:54 pm

:lol: Tingin ko wala ng ganitong klase ng kendi sa Pilipinas ngayon. Ang balakutsa ay isang pahabang kendi na gawa sa "brown sugar" Ang haba nito ay malapit sa haba ng ordinaryong daliring hinlalaki, pati ang bilog nito. Ang kulay nito ay malapit sa kulay ng piniritong lumpia.

Matigas ito at malutong kagatin. Matamis na lasang nilutong asukal. Ito ay hindi nakabalot kung bibilhin. Hindi ito malagkit tulad ng "tira-tira kendi" kapag hawak.

Ito ay ang kending nabibili sa sari-sari tindahan noong mga siguro 20 hanggang 40 taon ng nakalilipas. Mga late 1970's hanggang late 1980's sa pagkakatanda ko nang ako ay nakakatikim nito.

Kendi ito ng mga mahihirap na bata noon base sa aking pagkakatanda. :qpinoy:

Tama ba ako, Bb. Balakutsa? :qthumbsup:
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby Penduko on Mon May 28, 2007 3:24 pm

Hahaha kakatuwa dahil inabot ko ito :qhaha:
~Penduko
Image
"Mag-umpisang bigyan liwanag ang kinabukasan sa panahong kasalukuyan."
User avatar
Penduko
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 35
Joined: Thu May 03, 2007 8:55 pm

Postby Mariposa on Mon May 28, 2007 3:45 pm

Hindi ko ata inabot ito :cry: :qconfused: :qhissyfit:
Image

"Aking adhika makita kang sakdal laya."
Mariposa
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 47
Joined: Thu Apr 19, 2007 5:07 pm

Postby Gumamela on Mon May 28, 2007 5:01 pm

Ahhhhh... ang galing!

Matigas ang loob ngunit matamis kung magmahal... 8)

Salamat po sa paliwanag!

Ngunit tira-tira na lang ata ang aking naabutan...
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Balakutsa

Postby Polaris on Tue May 29, 2007 9:53 am

Buti ako, inabutan ko un, kahit bata pa ako. :lol:
Ang lahing Pilipino, lahing magiting, lahing magaling...
User avatar
Polaris
Potensyal na Puwersa
 
Posts: 17
Joined: Wed May 23, 2007 2:45 pm
Location: Boracay

Postby Mariposa on Fri Jun 08, 2007 12:34 pm

alam ko na yung balakutsa,tira-tira tawag namin noon ng mga bata sa pandacan!!!! hehehe!!!!

Bb.balakutsa bilib ako sa tatag ng loob mo dahil sa pag-mamahal mo sa pamilya mo!

alam mo ba na isa ka na ngayon sa mga taong hinahangaan at iidolohin ko...

kahit mahirap ang pinagdadaanan mo alam kong masaya ka parin kahit papano dahil lahat ng ito ay alay mo para sa pamilya mo...dahil sa pagmamahal..
Image

"Aking adhika makita kang sakdal laya."
Mariposa
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 47
Joined: Thu Apr 19, 2007 5:07 pm

Postby dumudugong_utak on Fri Jun 08, 2007 12:58 pm

Isang napakagandang sanaysay... 8)

Totong buhay ng mga bayaning biktima ng kahirapan sa sariling Bayan at ngayon ay bayaning pinagsasamantalahan sa ibang bayan... :(

Nakalulungkot na katotohanan... ngunit nakapagbibigay ng inspirasyon upang tumulong... sa kahit na annong paraan... makapagbigay lamang ng kaunting ambag sa pagpapanibago ng Lipunan... :wink:
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby Penduko on Fri Jun 08, 2007 4:16 pm

Tama si kapatid na dumudugong_utak, isang buhay na bayani ang mga katulad ni Bb. Balakutsa. Ayon nga sa pangkasalukuyang ekonomiya, ang mga perang ipinapadala ng ating mga OFW's ang nagsasalba sa Bayang Pilipinas. Dahil sa kanila ang pamumuhay sa Pilipinas ay hindi pa kasing hirap tulad sa pamumuhay sa Africa.

Mabuhay ka, Bb. Balakutsa at ang mga Pinoy na katulad mo! Mabuhay! :wink: :qpinoy:
~Penduko
Image
"Mag-umpisang bigyan liwanag ang kinabukasan sa panahong kasalukuyan."
User avatar
Penduko
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 35
Joined: Thu May 03, 2007 8:55 pm

Postby makahiya on Wed Jun 13, 2007 9:46 am

Nakakantig naman ng damdamin ang iyong mga ginawang sakripisyo Bb. balakutsa. Lahat gagawin para sa ikabubuti ng pamilya. Nawa'y huwag mawalan ng pag-asa po.. darating ang araw.. ang liwanag ay iyong masilayan din. :) Iipin niyo lagi na maraming nagmamahal sa inyo.
User avatar
makahiya
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 32
Joined: Fri Jun 01, 2007 1:45 pm

Postby ampon_ng_sumilao on Thu Jan 24, 2008 5:37 pm

padaan mare aheheh... (nakikimare ano?)

masarap ang balakutsa hehe. ang lola ko dati gumagawa nito pero hindi na uso to sa merkado nung ipinanganak ako ahehe pero minsan nakakatikim pa rin ako.

ang kaso. wala na si lola.

hay.
...para sa Diyos, Bayan at Kapwa!
User avatar
ampon_ng_sumilao
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 83
Joined: Sun Jan 20, 2008 11:55 am
Location: brgy san vicente sumilao bukidnon


Return to Pagpapakilala

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron