Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

Daga sa Makati

Dito ikuwento ang mga nakakatawang sandali sa iyong buhay. Huwag matakot maglahad dahil hindi ka naman namin talaga kilala :-)

Daga sa Makati

Postby Gumamela on Tue Jun 05, 2007 8:21 am

Martes ng umaga:

Nagmamadali akong makarating sa opisina, pagkat ang oras sa aking mobile phone ay maaga ng mahigit 30 minuto. Mataas ang takong ko at pinipilit ko lamang maglakad nang maayos. Ngunit sige.kaya ko 'to.

Nang ako'y nasa huling kalye na ng aking pang-araw-araw na daanan, may napansin akong bagay na gumagalaw at paikut-ikot sa harapan ng tindahan ng juice sa ground floor ng isang kondominyum...

Binagalan ko ang aking lakad, hanggang sa napansing isang MAITIM, MALAKI at MALUSOG na daga pala ang tila ginawang palaruan ang nasabing lugar. Parang asong naghahanap ng maliligawan. Nagmamadali syang lumiko at tumungo sa likuran ng isang plantbox. Tamang-tama, nang ako'y dumaan. . . bigla siyang sumulpot sa gilid ng sidewalk! Ako'y nagulat at muntikan nang sumigaw at mawalan ng balanse dahil sa aking takong. Dumerecho ako ng lakad habang siya'y papatakbo sa parking lot sa katabi ng kondominyum. Sumilit sya sa may damuhan ngunit... hindi pa ako nakakalayo ay bigla na nman siyang lumabas! At para namang pusang may hinahabol na ipis. Pabalik-balik!

Wala akong magawa kundi tumuloy sa aking paglalakad. Hindi ako makatakbo. Ngunit hanggang makarating ako sa opisina, kumakabog-kabog pa rin ang dibdib ko-- nag-aalalang kasunod ko pa rin ang dagang nakita ko. :lol: :lol: :lol:
Last edited by Gumamela on Tue Jun 05, 2007 11:17 am, edited 1 time in total.
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby Polaris on Tue Jun 05, 2007 8:50 am

Ok un ah!!!

Toinks!!! :lol:
Ang lahing Pilipino, lahing magiting, lahing magaling...
User avatar
Polaris
Potensyal na Puwersa
 
Posts: 17
Joined: Wed May 23, 2007 2:45 pm
Location: Boracay

Postby Talisman on Tue Jun 05, 2007 9:59 am

Lam nyo ba sa bangkok, kinakain nila ang mga dagang ganyan --malulusog :qyikes:
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby makahiya on Thu Jun 07, 2007 11:44 am

kung nagkataon na ako ang nasa kinalalagyan ni gumamela, tiyak na akoy nagulat at napasigaw.. at baka sumemplang, natumba, nawalan ng balanse, at kung anu-ano pang posibleng mangyari .. lalo pag dumaan sa harap ko si dodie daga. ;)
User avatar
makahiya
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 32
Joined: Fri Jun 01, 2007 1:45 pm

Postby Mariposa on Fri Jun 08, 2007 12:09 pm

hehehe! naalala ko tuloy noong bata pa ako,palibhasa sa squater's area sa pandacan kami nakatira noon,pero kahit doon ako lumaki hinda pa rin ako sanay sa presensya ng mga daga at ipis,pati na bulate! isang gabi habang naghuhugas ako ng pingan nakita ko may tumatakbong bubuwit papunta sakin kaya bago pa siya tuluyang makalapit tumalon na ako pero ang hindi ko inaasahan paglapag na paa ko sa sahig kasabay noon natapakan ko rin siya! yuckkkk!!!! euwwwwww!! kadiri! nilapitan ko siya nakita ko may lumabas na dugo sa bibig niya at dahil bata pa ako takot na takot ako dahil nakapatay ako!!!!! nakapatay ako ng daga......
Image

"Aking adhika makita kang sakdal laya."
Mariposa
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 47
Joined: Thu Apr 19, 2007 5:07 pm

Postby Mariposa on Fri Jun 08, 2007 12:14 pm

oo nga pala kahit dito sa pilipinas sa ibang mahihirap na probinsya at kahit mga squater's area niluluto at kinakain na rin ang daga! adobo,prito,kahit bb-q, dagang bukid man o dagang estero pa yan!!!!!! kaya dina ako magugulat,darating ang panahon pati daga binibenta na rin sa palengke!!!!!
Image

"Aking adhika makita kang sakdal laya."
Mariposa
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 47
Joined: Thu Apr 19, 2007 5:07 pm

Postby Talisman on Fri Jun 08, 2007 4:31 pm

Nakakalunos na kalagayan ng ating mga kalahi. :(

Sana ay mabura na ang kahirapan.
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby sigawkatutubo on Fri Sep 14, 2007 4:45 pm

sa totoo lang sa probinsya ang Dagang Bukid ay inuulam o ginagawang pulutan pero ang Dagang Siyudad, diyos ko! hindi ka makakain kapag nakakita ka ng malaki pa sa pusa at medyo wala nang balahibo, senior citizen ika nga..
Kung iidolo ka, bakit hindi si Rizal?
User avatar
sigawkatutubo
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 169
Joined: Thu Sep 13, 2007 1:05 pm
Location: tribu bathala


Return to Nakakatawang Sandali

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron