Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

Dapat ba ang pagpalo sa puwit ng bata?

Dito mag-simula ng mapag-dedebatehan o kaya'y lumahok sa mga ito.

Moderator: Lakas ng Amihan

Dapat ba ang pagpalo sa puwit ng bata?

Postby Totoy Mulat on Wed May 23, 2007 5:32 pm

Dapat bang paluin ang bata para madisiplina talaga ito?

Sa aking palagay ay hindi.

Hinahamon kita makipagtalakayan/debate dito kung ikaw ay salungat sa aking palagay.

Sino ang lalaban sa akin para makipag debate?

Huwag matakot! Hehehehehehe! :twisted:
~ TOTOY MULAT
"Ipinaglihi sa masipag na kalabaw."
User avatar
Totoy Mulat
 
Posts: 7
Joined: Mon May 14, 2007 8:20 pm

Postby Penduko on Sun May 27, 2007 2:36 pm

Toy,

Mukang walang lalaban sa iyo dito. :lol:

Bakit di mo na lang ilahad ang damdamin mo ukol sa paksa? :qhyper:

Interesante ako sa sasabihin mo, mukang may matutunan ako :qangel:
~Penduko
Image
"Mag-umpisang bigyan liwanag ang kinabukasan sa panahong kasalukuyan."
User avatar
Penduko
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 35
Joined: Thu May 03, 2007 8:55 pm

Postby Bb. Balakutsa on Fri Jun 01, 2007 5:15 am

Mang totoy, makasabat na nga po....

Para sa kin, isang way ng pagdisiplina sa bata ay ang pagpalo sa puwit. Kung ang bata ay may pagkakamali na dapat ituwid, ito ay dapat paluin sa puwit upang sa susunod ay hindi na nya gawin ulit ang pagakamali. Matatakot na syang mapalo ulit sa puwit :roll:
Ako ay Pilipino!
User avatar
Bb. Balakutsa
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 70
Joined: Fri May 04, 2007 4:30 am

Postby Penduko on Fri Jun 01, 2007 12:02 pm

Wohoo! Magandang debatehan ito!

Totoy, sabat mo dito?
~Penduko
Image
"Mag-umpisang bigyan liwanag ang kinabukasan sa panahong kasalukuyan."
User avatar
Penduko
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 35
Joined: Thu May 03, 2007 8:55 pm

Postby Polaris on Fri Jun 01, 2007 6:28 pm

Aba magandang debate nga ito. Sige sana masimulan na. matagal na ako naghihintay sa makikipagdebate kay totoy eh. Sasabat din ako dito pag nag-umpisa na ito. :lol:
Ang lahing Pilipino, lahing magiting, lahing magaling...
User avatar
Polaris
Potensyal na Puwersa
 
Posts: 17
Joined: Wed May 23, 2007 2:45 pm
Location: Boracay

Postby Totoy Mulat on Fri Jun 01, 2007 7:06 pm

Bb. Balakutsa,

Una sa lahat ay mariing pasasalamat at pina-unlakan mo ang aking hamon o argumento. Alam ko na hindi isang malayaw ang mga panahong maari mong mai-bigay dito dahil sa iyong mga alituntunin para sa iyong mga mahal sa buhay. Nabatid ko na ikaw ay isang mapagmahal na nilalang. Isang tunay na pag-ibig ng pamilya. Alam ko na ikaw ay nasa ibang bansa hindi dahil sa iyong pansariling kagustuhan ngunit para sa kapakanan ng iyong mga mahal sa buhay na nasa mahirap na lugar (Pilipinas). Para sa akin ikaw ay talagang karapat dapat na ihirang na bayani. Papugay sa iyo kapatid ko sa Inang Bayan.

Asahan mo na anuman ang maging takbo ng ating debate ay mananatili ang pag-galang na sadyang talagang ikaw ay karapatdapat.

Ang nais ko lang ay matiwasay kitang ma-imulat...

Umpisahan ko na ang aking argumento sa pamamagitan ng paglingon sa iyong mga sinabi:

Bb. Balakutsa wrote:Para sa kin, isang way ng pagdisiplina sa bata ay ang pagpalo sa puwit. Kung ang bata ay may pagkakamali na dapat ituwid, ito ay dapat paluin sa puwit upang sa susunod ay hindi na nya gawin ulit ang pagakamali. Matatakot na syang mapalo ulit sa puwit :roll:



Malinaw na "takot" ang iyong ginagamit na instrumento para magdisiplina. Laliman pa natin ang pagtanaw at makikita na ang "takot" na ipinararating ng iyong disiplina ay "takot sa pananakit na pisikal". Malakas akong naniniwala na ito ay hindi 'dapat at matuwid'

Isipin mo nalang kung doon matuto ng desiplina ang bata... Sa "kanyang pag-iisip" kapag may ginawa siya at siya ay napalo, ay yoon ay dahil lang sa ayaw nung pumalo yung kanyang ginawa. Samakatwid kapag wala na ang taong pumalo sa kanya, sa kanyang isip ay maari na niya ulit gawin yung maling bagay na iyon. Tandaan natin na ang mga bata ay hindi pa talaga tuto sa tama at mali. Mali lang ang bagay para sa kanya kapag nasa tabi lang niya yung mamamalo.

Hindi bat mas maganda na kahit wala sa tabi ng bata yung mamamalo ay hindi pa rin niya gagawin ang mali? Opo, ito ang mas tamang "approach" -dapat paliwanagan ang bata para malaman ng bata ang dahilan kung bakit mali ang kanyang ginawa kesa siya ay pa-alalahanan ng "takot".

Mas karapatdapat ang "pagpapa-intindi" kesa sa "takot" pagdating sa pagdedesiplina.

Kunwari ikaw, hinuhuli daw ng pulis ang mga magtatapon ng mga basura sa lansangan. Sabihin natin na kunwari sa iyong isip ay bawal ito dahil magmumukang panget at madumi ang kapaligiran ---at yun lang ang pagkaka-alam mo. Nasa lansangan ka ngayon at hindi na-ubos ang kinakaing ispag-eti ng Jollibee. Walang basurahan sa paligid. Ngunit may pulis ---"takot" ka mahuli kaya inantay mo siya maka-alis. At nang maka-alis siya malamang ay hindi ka na "matatakot" itapon ang iyong basura sa lansangan.

Eh kung ganito naman ang sitwasyon--parehong "scenario" ngunit mas nai-intindihan muna kung bakit ipinagbabawal ang pagtatapon ng basura sa lansangan. Naintindihan mo talaga na mas malalalim pa ang dahilan bukod sa magiging madumi at panget lang ang paligid. Naintindihan mo ng mabuti na iyong basura pala, kapag itinapon lang sa lansangan ay ma-aaring mag-"mutate" ang mga "bacteria" na manggagaling sa iyong nabubulok na pagkain at maging sanhi ito ng bagong "epidemia" na maglalagay sa iyo at ng iyong mga mahal sa buhay sa panganib o kamatayan. At ang "plastic" na lalagyan na hindi nalulusaw ng panahon ay maari palang mag-pabara ng ating mga "drainage pipes" na magdudulot ng pagbabaha - na magdudulot ng lugar para maitlugan ng mga lamok para dumami - na ang mga dumaming lamok na magdudulot ng mga mapanganib na sakit sa iyo at sa mahal mo sa buhay. Ang 'plastic' na iyon ay ma-aari din palang makarating ng karagatan upang sirain ang "ecosystem" at "habitat" ng ating lokal na mga hayop at isda --na nagsisilbi palang "pride" at kabuhayan ng ating bansa --na tumutulong sa pagpapaunlad ng buhay pati sa iyong sariling pamilya.

Ngayon, magagawa mo pa kayang itapon ang basura sa lansangan kahit walang pulis? Malamang dadalhin mo pa ang basurang iyon hanggang sa maka-uwi ka upang maitapon mo lang sa tamang "garbage bin".

Kaya ako ay hindi pabor sa pagpalo ng bata. At ito pa ang mga kasamang dahilan:

* Ang pananakit ng tao ay isang "violence". Sa mata ng bata matuto niyang tanggapin na okey lang manakit ng tao lalo pat hindi makakalaban ito para ipagtanggol ang sarili niya, at okey lang ang ganitong klaseng "violence" para pairalin ang alam niyang tama.

* Ang bawat bata ay may pangalan, may karapatan na dapat igalang. Ang kailngan nila ay kalinga, pagtuturo, gabay at pagmamahal. Hindi nila kailangan ang "takot" at ipamuhay ito sa bawat araw na kasama kayo , mga sariling magulang.

* Ang pamamalo ng bata ay isang uri ng "child abuse" dahil alam mong hindi nito mai-pagtatanggol ang sarili. At sino nga ba ang magsasabi kung hanggang saan ang pagkakaiba ng padedesiplina sa pang-aabuso sa ganitong klaseng pananakit? Ang katawan ng bata ay maselan at ma-aaring mas masakit pa pala sa iyong ina-akala ang iyong ginagawang pamamalo/pananakit.

Mga kapatid, "pagpapaintindi" ang mas tama, hindi ang paglalagay ng "takot" at "violence" sa pagdedesiplina hindi lang sa mga bata pati narin sa mga mamamayan ng lipunan.

Salamat po.
~ TOTOY MULAT
"Ipinaglihi sa masipag na kalabaw."
User avatar
Totoy Mulat
 
Posts: 7
Joined: Mon May 14, 2007 8:20 pm

Postby Bb. Balakutsa on Sat Jun 02, 2007 6:25 am

Salamat po Mang totoy!

Marami akong natutunan sa iyong isinulat at masasabi ko na naantig din ang aking damdamin dahil sa iyong mga halimbawa. Masyadong madiin ang itinusok na kutsilyo sa aking puso at isipan, ngunit gusto kong liwanagin sa iyo ang opinyon ko kung ano ba talaga ang tungkol sa sinasabi mong "ang pamamamalo sa puwit ng bata ay isang child abuse o violence"

Kapatid, kapag sinabi po na "child abuse", sa aking palagay ay ang mga sumusunod:
1) Hinahagupit ng paulit ulit sa kahit saang parte ng katawan ng bata.
2) Pangmo-molestiya sa bata.
3) Pilitin magtrabaho ang bata upang kumita.

Ito ay ilan lamang sa halimbawa ng "child abuse" na sinasabi, ngunit sa tingin ko po ang pamamalo sa puwit ng bata ay hindi po maaaring i-kategorya sa "child abuse" dahil ang pamamalo sa puwit na aking tinutukoy ay isang beses lamang at hindi pang habang buhay.

Ang pagpalo sa puwit ng bata ay hindi maituturing na bayolente kung ito ay isang beses lamang at sa aking palagay ito rin ay maituturing na matinding pagmamahal lamang ng isang magulang sa anak. Kung hindi mo gagawin ang pagpalo sa puwit ng bata ay hindi nya malalaman na mali pala ang kanyang ginagawa. Ang paliwanag ay parte din ng pagdisiplina sa bata pero sabi nga, kung ano ang bawal un ang masarap. Pano kung ulit ulitin iyon ng bata? Paulit ulit mo rin bang ipapaliwanag iyon sa kanya? Kelan sya matututo sa iyong mga salita? Kung makakatikim sya ng palo sa puwit, malamang hindi na nya iyon ulitn pa dahil itatatak nya sa isipan nya na mali ang kanyang ginawa. Of course, walang magulang ang naghangad ng masama para sa anak. kaya masasabi ko na ang pagpalo sa puwit ay nararapat lamang sa unang pagkakataon upang tumatak sa isipan ng bata na mali ang kanyang ginawa na dapat ituwid at wag ng ulitin pa.

Uulitin ko po ang pagpalo sa puwit ng bata ay hindi maituturing na "child abuse" instead ito ay pagtuwid lamang sa isang pagkakamali ng isang bata na hindi makaintindi sa pangaral ng magulang.
Ako ay Pilipino!
User avatar
Bb. Balakutsa
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 70
Joined: Fri May 04, 2007 4:30 am

Postby maldita on Sat Jul 28, 2007 7:36 pm

Nais ko dagdagan ang listahan mula sa ating Bb. Balakutsa.
Child abuse din kung sobrang emosyonal na sinasaktan ang bata.
Psychological abuse is different with physical abuse. Pero still, parehong
abuso. Mas naglalamat nga lang ang psychologically.
Ako po ay sang ayon sa nasabi na.. Iba ang pagpalo sa puwit
sa pambubugbog.

Teka, palo ng puwit na paano ba? Yung latigo? Yung bigla nalang
pinapalo ng walang kasalanan? Yung pinapalo dahil may kasalanan
pero pagkatapos ng pagpalo'y hindi man lang dito pinaliwanag
bat pinalo?

Si ina raymundo. May stick siya from their church. Pamalo ng bata.
Pero may nakalagay na message sa stick na parang iexplain kung bakit
ka mamamalo. Okay ako dito :qthumbsup:

Nakakatawang tagpo:

NingNing: (Pinalo ang kinakapatid na si Juan) Akin yang toy sabi eh!
Juan: (Umiyak) Waaaaah! Ninang, pinalo ako ni Ning o!
Nanay: NingNing bat mo siya pinalo?! (Walang sabisabing pinalo sa puwit ang
anak) Bad yung pamamalo. (Sabay alis)

Nabasa niyo ba? Halos karaniwan na yan. Bad daw mamalo o manakit pero pinalo na niya yung bata. Di man lang pinaliwanag kung bakit bad. Basta bad. Hindi ako okay dito :qnogood:

Sa mga lumaki sa palo o pambubugbog.. o/at patuloy pang lumalaki at dumadanas nito..
Magisip kayo. Wag niyong sirain ang sarili niyo kung magrerebelde kayo. Nagkulang sila,oo
pero wag magpadalos dalos. Kung magrarugby ka man o magdroga, bahala ka. Lalaki lang
walang bait at napatunayan sa sarili. (Maraming salamat Mang Bob Ong)

At sa mga magulang. Mag-isip. Karaniwa'y mas nauuna kayong sumasakabilang buhay
kaysa sa mga anak. Kung papalakihin niyo sila sa bayolenteng kapaligiran ay maghinay hinay.
Sisirain niyo sila. Tapos kapag tumagal ay iiwan niyo sila sa mundong may mapait na nakaraan.
At baka nga kayo pa ang magtulak sa maling direksiyon kung hindi niyo kukontrolin
o ilagay sa balanse ang pag didisiplina.

Tandaan: Balanse. Kontrol. Komunikasyon. Nararapat na salik sa pagdidisiplina sa bata.

Disiotso man akong naturingan ay masasabi kong marami akong alam... BASTA.
magkukuwento pa sana ko kaso nakakahiya.
At saka manunuod nalang muna po ko ng GMA TELEBABAD :qperyodiko:
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby sigawkatutubo on Thu Sep 13, 2007 5:41 pm

dapat lang din paluin ang bata kapag nagawa ng pagkakamali para maramdaman nila ang sakit at hindi ulitin iyon. dahil ang bata hindi pa gaanong nakakaintindi masyao ng pangaral at gawing itong pisikal upang malaman na mali nga ang kanilang nagawa.
Kung iidolo ka, bakit hindi si Rizal?
User avatar
sigawkatutubo
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 169
Joined: Thu Sep 13, 2007 1:05 pm
Location: tribu bathala

Postby pangdennio on Thu Jul 10, 2008 11:27 am

[align=justify]'Di ba sa atin na lang medyo may edad na, ang mga bagay na higit nating 'di malimutan ay iyung mga masasakit? At saka sa mga masasakit na pangyayaring ito madami tayong natututunan?

Ganoon din sa pagdidisiplina, mas magtatanda ang isang bata kung makakaramdam siya ng sakit. Pero huwag naman iyung halos bugbugin na baka ikamatay pa nito. Ako naalala ko minsan na ako napaluhod. Wala namang monggo o asin pero pinaluhod ako. Hindi ko na maalala kung ano iyong naging kasalanan ko pero alam ko mula noon madami nagbago sa akin. At mas naunawaan ko ang mga magulang ko.[/align]
"Never underestimate what few committed individuals can do to change the world."
- Margaret Mead (Ang aking BLOG: Frustrated Writer PUNTA NA!!!)
FOLLOW CHRIST. SERVE THE PEOPLE!
User avatar
pangdennio
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 55
Joined: Thu Sep 13, 2007 3:18 pm
Location: Bulacan/QC

Postby maldita on Fri Jul 11, 2008 11:49 am

Hindi ko alam pero para sa akin, nasa bata lang iyon. Kung paano niya tatanggapin ang mga nangyayari o ginagawa sakanya :D

Kung bakit ko yan nasabi, Secret lang. Hihi.
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby pangdennio on Mon Jul 14, 2008 10:21 am

May isang kwento akong nalalaman at hindi ko talaga matanggap na kayang gawin iyon ng magulang sa kaniyang anak.

Sana lang ang mga batang sobrang napalo ay hindi maipapasa ang nagawa sa kanila sa kanilang mga magiging anak.
"Never underestimate what few committed individuals can do to change the world."
- Margaret Mead (Ang aking BLOG: Frustrated Writer PUNTA NA!!!)
FOLLOW CHRIST. SERVE THE PEOPLE!
User avatar
pangdennio
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 55
Joined: Thu Sep 13, 2007 3:18 pm
Location: Bulacan/QC

Postby Narda on Fri Sep 19, 2008 2:01 am

Para sa akin, nararapat lang na paluin ang bata kung kanya itong anak para madisiplina tapos ay ipaliwanag kung bakit kinailangan na paluin sya at sabay yakapin. :wink:
Narda
 
Posts: 4
Joined: Fri Sep 19, 2008 1:53 am

Postby morenalicious on Mon Jan 26, 2009 12:02 pm

Ang tamang pagpalo sa bata o pagdidisiplina ay nakasulat sa biblia

Ang tamang pangaral sa bata ay nasa biblia



yun lang po muna ang masasabi ko :)
morenalicious
 
Posts: 2
Joined: Wed Jan 21, 2009 11:33 am

natural lng

Postby enra on Fri Jan 30, 2009 12:42 pm

ang pagdisiplina sa bata ay depndi yan sau qng paano...marami kasing klase ng pagdisplina pra sa akin isa n ang pagpalo sa pagdisplina....
enra
Potensyal na Puwersa
 
Posts: 18
Joined: Fri Jan 30, 2009 12:18 pm
Location: makati city


Return to Debate

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron