Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

Dinig Boses - Ang Chat Pulungan

Mga listahan ng proyekto para sa Agimat.org.

Moderator: Lakas ng Amihan

Dinig Boses - Ang Chat Pulungan

Postby Talisman on Sun Sep 23, 2007 11:30 am

Mga KaAgimat,

Nais ko kayong imbitahan na maka-conference sa Yahoo Mesenger.

Kayo, bilang kaAgimat, ay ma-ari bang gumawa ng account sa Yahoo Mesenger na may pa-umpisang "www_agimat_org_" bago ang inyong mga username dito.

Tulad ng sa akin: www_agimat_org_talisman

Bakit ko nais na ganito ang ating mga username sa Yahoo Mesenger:

1. Para malaman ng madla na ikaw ay miyembro ng Agimat.org, lalo na sa papasukin nating chat channel na may marami na ring grupo tulad ng mga "saints".
2. Upang malaman natin kung sino ang ating ka-miyembro na online upang madali nating matawag sa ating conference.

Sa kasalukuyan ay inatasan akong pasukin ang Pinoy Chat 33 room upang "magpagaypay ng paro-paro" para gisingin ang diwa ng ating mga taga-pakinig (oo, naririnig nila ako sa kanilang speaker). Sa madaling salita ako ay "DJ" at uma-awit din upang maging mas ka-aya-aya ang aking pangangaral. Mga 3 linggo ko na rin ginagawa ito at mabuti naman ang epekto, marami na akong naging kaibigan at alam ko na nahawahan ko sila at doon ay manghahawa rin sila ng magandang kultura at prinsipyo para sa iba pa nilang kakila maging online man o hindi.

Kung nais ninyo akong samahan sa pagsasanay na ito ay manyari lang na idagdag ninyo ako sa inyong bagong Yahoo Mesenger username upang mas madali ko kayong matawag sa isang conference.

Magandang opurtunidad din ito para tayo ay magsagawa ng online seminar at forum, at makasama rin natin sa talakayan ang ibang grupo.

Sana ay mapaunlakan ninyo.

Salamat.
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby dumudugong_utak on Tue Sep 25, 2007 12:44 am

Hmmm... kung kailan naman na nagsawa na ako sa chat... hahaha... pero sige Kasamang Talisman... pauunlakan ko ang iyong paanyaya...

Anong oras ba ang iyong pasok sa Pinoy 33... para naman kung ako ay papasok anduruon ka rin... malay mo ako ay umawit rin... 8)
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby maldita on Wed Sep 26, 2007 11:39 am

O sige, nagsawa na nga din ako. Niyahaha. Di bale, ano nga ba ang oras?
Talagang kailangan ko pa bang gumawa ng www-agimat_org_maldita? Hmmmm.
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby sigawkatutubo on Wed Sep 26, 2007 1:03 pm

parang gusto ko din ito, sige itakda na ang pakikinig sa mga aral mula kay kaAgimat Talisman at madinig na rin ang kanyang talento sa pag-awit.
Kung iidolo ka, bakit hindi si Rizal?
User avatar
sigawkatutubo
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 169
Joined: Thu Sep 13, 2007 1:05 pm
Location: tribu bathala

Postby Talisman on Wed Sep 26, 2007 2:44 pm

Magaling mga kaAgimat. :qthumbsup:

Sa kasalukuyan si kuya dums palang ang na-a-add ko.

Ewan ko ba, sabik ako marining ang mga boses ninyo sa unang pagkakataon.

Babala ko lang na kahit saang Chat room ay may makakasalamuha tayong mga di wasto ang pag-uugali, kaya asahan nyo na ito bago pa aman upang hindi tayo masyadong madismaya kung mangyayari.

Saan pa ba tayo mas dapat pumaroon kundi doon sa "mas kailangan tayo" upang magbigay ng tamang halimbawa. Iyan ang "challenge" para sa atin ang hawahaan ng magandang ugali ang mga potensyal na problema ng bayan.

Ngayon, alam ko ay handa na kayo sa ating munting pagsubok. Halina at samahan ako sa unang araw ng pagpupulong natin sa Lunes (Oktubre 1, 2007) sa Pinoy Chat 33 alas 7 ng gabi (oras sa ating bansa).

Nag-umpisang pumagaypay ang paro-paro, ngayon ay unti-unting nagaganap ang pagtitipon ng epekto nito... :qperyodiko: :qninja: :qmasked: :qpinoy:

Mabuhay tayo!
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

hi po

Postby kampana on Wed Sep 26, 2007 6:01 pm

magandang ideya ang napost mo kuya, sasali ako at makikiisa sa pagsubok na ito. lubhang nakakatuwa at may thrill ang gagawin nating ito para sa mga tao na nag chachat, patuloy dapat tayong pumagaypay para mahawa natin ang mga kababayan nating medyo napapariwara. at para maturuan cla ng kagandahang asal at ibalik ang ibang pinanghawakang kultura dati ng pilipino,
User avatar
kampana
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 128
Joined: Mon Sep 17, 2007 8:26 am
Location: sa bahay : )

Postby dumudugong_utak on Wed Sep 26, 2007 8:49 pm

8) Ako pa... mabilis ako... laging una sa pila... hahaha... pero pwede ba na sa Oktubre a-uno n ako pupunta duon? 8)
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby maldita on Fri Sep 28, 2007 10:28 am

Kuya Talisman, Yung tanong ko po.. :D

Naku, tungkol po sa YM, titignan ko muna ha? Kasi kahapon nakipagsabugan
ako sa mga booter :lol: Puno pa ako ng virus. Mahirap pag marami kang
kaaway :mrgreen: Ako naman ay naglalagi sa MMB203 at 199, madalas ako
nakatapak sa mic doon. Nagpapatugtog. You know, DJ :qthumbsup:

sino sino na nga ba ang sasama?
Kita kita nalang :qhyper:
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby Talisman on Fri Sep 28, 2007 11:32 pm

maldita,

Sinagot ko na :wink: Pasensya na at madalas tayo na "side track" :shock:
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby kampana on Sat Sep 29, 2007 11:17 am

:D mukhang magiging matagumpay ang mangyayaring ito cge mga ka agimat kita kita nalang.kita kita nalang sa oktubre a uno. :D
User avatar
kampana
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 128
Joined: Mon Sep 17, 2007 8:26 am
Location: sa bahay : )

Postby dumudugong_utak on Sun Sep 30, 2007 8:56 am

Nako ma mga KaAgimat... ipagpaumanhin ninyo at ako ay hindi makasasama sa unang pagpupulong bukas... napagkasunduan ng aming samahan na dalawin yung kasama naming na-ospital na nasa bahay na ngayon...

Ngunit ako ay mgbubukas ng internet pagdating na pagdating ko ng bahay... baka sakaling maabutan ko kayo...
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby Talisman on Mon Oct 01, 2007 12:43 pm

Ayos lang kuya dums, nag-uumpisa pa lang naman tayo sa aksyong ito kaya marami pa ang susunod :)
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby sigawkatutubo on Wed Oct 03, 2007 5:13 pm

Ako po'y humihingi ng paumanhin sa inyong lahat sa hindi pagdalo sa pagpupulong, sa kadahilanang hindi po masasabi kung kasalan ko po ba o isang tungkulin ko lang bilang isang emplayado..

dahil po sa di inaasahan ay nagkaroon po kami ng "emergency meeting" sa aming trabaho na hindi ko po nalaman ng mas maaga kaya po hindi ako nakadalo o nasabihan man lang kayo..

sa aking mga kaAgimat, ako po'y humihingi ng paumanhin at sa susunod na magkakaroon ulit ng isang pagpupulong ay makakaasa po kayong andun ako at makibahagi sa talakayan..

maraming salamat po!
Kung iidolo ka, bakit hindi si Rizal?
User avatar
sigawkatutubo
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 169
Joined: Thu Sep 13, 2007 1:05 pm
Location: tribu bathala

Postby Talisman on Wed Oct 03, 2007 5:38 pm

Ayus lang yun katubs. May susunod pa naman :wink:
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby sigawkatutubo on Wed Oct 03, 2007 5:47 pm

Maraming salamat kaAgimat Talisman..

gusto ko pa naman pakinggan ang boses mo..pati na rin ang mga aral na iyong binabahagi..
Kung iidolo ka, bakit hindi si Rizal?
User avatar
sigawkatutubo
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 169
Joined: Thu Sep 13, 2007 1:05 pm
Location: tribu bathala

Next

Return to Mga Proyekto

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron