Magandang Araw sa iyo dumudugong_utak!!!
Ako rin naman ay nakaka-"relate" (ano ang relate sa tagalog) sa ngalan mo. Ako rin ay ganyan. Maraming naiisip ngunit walang tiyagang sumulat (subalit gusto ko sana) kung kaya naisian ko ring sumali dito.
Sa iyong sinabi na magpakilala ng isang bata...Heto ako...isa lang akong bata kung ituturing. Isang tao na nagsisimula pa lang tahakin ang landas na malamang ay napagdaanan nyo na. Nagsisimulang kumayod at tumulong sa pamilya gayun din ang maghanda para sa kinabukasan.
Isa ako sa kabataang sinasabi mo na gustong mahanap ang kanyang sarili.
Kung maari sana ay matulungan mo ako rito.
Subalit, isang malaking katanungan

pa rin sa akin kung ako ay makikipagkita ng personal sa kung sino man sa ating samahan (maliban kay gumamela) sa kadahilanang gusto ko pa itago ang aking katauhan dahil ayaw ko pa sanang mabuko na isa akong superhero.
Ngunit di ko naman sinasabi na di ako sang ayon dito...kaya lang...Talisman paano ba ito mangyayari ng di pa rin tayo magkakakilanlan? Maari ba ito? Siguro kung mas marami na tayong miyembro. Subalit alam ko na kung magkaganito man ay malalaman ninyo agad na ako ang taong iyon pag ako ay nakita ninyo.

Ang lahing Pilipino, lahing magiting, lahing magaling...