Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

GMA at ang Unang Ginoo

Dito inomina ang mga taong dapat mapabilang sa Liwasang Kahihiyan.

Moderator: Lakas ng Amihan

Dapat bang ibilang ang mag-asawang Arroyo sa Liwasang Kahihiyan?

Oo. Totoong nakakahiya sila sa kasaysayan ng Pilipinas
6
86%
Hindi. Hindi kasi sapat ang katunayan ng kanilang pagkatiwali
0
No votes
Ewan. Kulang pa ang aking nalalaman ukol sa kanila
1
14%
 
Total votes : 7

GMA at ang Unang Ginoo

Postby Talisman on Thu Sep 20, 2007 2:56 pm

Basahin ninyo ang balita sa baba at kayo na ang humusga kung dapat bang ibilang si Presidente GMA at ang Unang Ginoo para sa Liwasang Kahihiyan.

[align=center]Image[/align]
[align=center]71% sa Mega Manila naniniwalang tiwali si Arroyo - survey[/align]

Pito sa bawat 10 Filipino na tinanong sa isang survey sa Mega Manila ang naniniwalang sangkot sa katiwalian si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, habang walo sa 10 ang nagpahayag na sangkot din sa katiwalian ang kanyang kabiyak na si First Gentleman Jose Miguel Arroyo.

Ito ang lumitaw sa survey ng Social Weather Stations (SWS) mula Hunyo 18 – 20 na ipinagawa ng United Opposition (UNO).

"A survey in the Mega Manila area conducted by the SWS revealed that a whopping 71 percent of the respondents said they believe President Arroyo was enriching herself through various corrupt practices while serving as the country's Chief Executive," nakasaad sa pahayag na ipinalabas ng UNO.

Inamin naman ni dating Sen. Sergio Osmena, nagsilbing campaign manager ng Genuine Opposition (GO) sa May 14 elections, na ang oposisyon ang nagpakomisyon sa nasabing survey.

Ayon sa UNO, gumamit ng 600 respondents ang SWS mula sa Metro Manila (300), Bulacan (80), Cavite (80), Laguna (70), at Rizal (70).

Lumitaw din sa survey na 24 percent ng respondents ang hindi naniniwalang sangkot sa katiwalian si Gng. Arroyo at limang porsyento ang walang opinyon.

Samantala, 77 percent naman ang nagpahayag na sangkot din sa katiwalian si Ginoong Arroyo at 19 percent ang naniniwalang inosente siya, at apat ang walang opinyon.

Sa tanong kung naniniwala silang sangkot sa katiwalian si dating pangulong Joseph Estrada nang nasa puwesto pa ito, 66 percent (65 percent sa Metro Manila at 68 percent sa kalapit lalawigan) ang nagpahayag na inosente sa bintang ang dating lider.

Samantalang, 31 percent (33 percent sa MM, 28 percent sa kalapit lalawigan) ay naniniwalang sangkot sa katiwalian si Estrada at tatlong porsyento ang walang opinyon.

Hinihintay na lamang ni Estrada ang desisyon ng Sandiganbayan na inaasahang lalabas sa loob ng dalawang linggo kaugnay sa hinaharap niyang kasong pandarambong o plunder na umabot sa halagang P4.1-bilyon. - Fidel Jimenez, GMANews.TV

Source link: http://www.gmanews.tv/story/58933/71-sa ... o---survey
Last edited by Talisman on Fri Sep 21, 2007 2:39 pm, edited 1 time in total.
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby sigawkatutubo on Thu Sep 20, 2007 3:40 pm

Hindi ako nagdalawang isip na bumoto ng "oo" dahil lantad na sa atin ang mga kinasangkutan niya at ng kanyang asawa..maaaring magdalawang isip ako kung isa o dalawa lang binibintang sa kaniya ngunit kung umabot na ng sampu at may mga patunay pa, parang hindi na ata gawa-gawa o paninira sa kanya kundi may katotohanan na iyon..Tungkol sa kanyang asawa, kahit sabihin nating hindi siya ang sangkot sa mga anomalyang iyon bakit hindi inaaksiyunan..nakakahinayang si madam Gloria matalino siya pero hindi alam na namamantsahan siya sa mga kagagawan ng kanyang asawa..

Sa aking palagay mas maganda sigurong maging presidente ay yaong walang asawa at anak para ang pagtutuonan niya lang ay ang kapakanan ng Bansa..
Kung iidolo ka, bakit hindi si Rizal?
User avatar
sigawkatutubo
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 169
Joined: Thu Sep 13, 2007 1:05 pm
Location: tribu bathala

Postby kampana on Thu Sep 20, 2007 10:13 pm

wala akong pag aalinlangan bumoto ng "OO" dahil sobrang dami na ang mga kinasangkutan ni GMA at ni First gentleman..dahil ang iba pa dito ay may mga patunay at sa aking opinyon ay hindi ito mga paninirang puri lamang para sa mag asawa kundi sa likod ng mga paratang na ito ay may natatagong katotohanan na dapt nating tuklasin at malaman, na kung saan magiging isang matinding patunay sa mga anumalya o mga ginagawa nilang masama na maaring ikasira na din ng isa sa kanila maging sa kanilang buong mag anak ..

Tungkol naman sa first gentleman, kahit tanggalin natin sa ating isip na hindi talaga sya sangkot sa mga ngyayaring mga anumalya sa ngayon, bakit hindi sya lumaban inaaksiyonan at idepensa ang kanyang sarili...

nawa ay gamitin ni GMA ang kanyang talino sa mga ginagawang anumalya ng kanyang asawa dahil ang kahihiyan na ginagawa ng kanyang asawa ay maaring ikasira din na reputasyon ng buo nilang angkan..
User avatar
kampana
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 128
Joined: Mon Sep 17, 2007 8:26 am
Location: sa bahay : )

Postby maldita on Sat Sep 22, 2007 1:22 pm

Wala pa akong sapat na kaalaman para magsabi ng oo. Hindi sa nagpapaloko
ako o nagtatanga tangahan, tao pa din sila at kailangan tignan pa din ng patas.
Baka kasi ang mga mantsang nakadikit sa pangalan nila ay pakana ng iba.
Hanggang di napapatunayan ay ayoko maghusga.

Pero kung kutob lang ang aking pagbabatayan, bakit hindi na piliin ko ay Oo.
Naisip ko lang, mas masahol pa si FG kaysa kay Gloria. Siguro kung si Ninoy ang
asawa niya ay di siya makakaisip gumawa ng masama. Tsk! nasusulsulan? Siguro!

Buti nalang kahit pno si Gloria ang Pangulo, Hindi ang Unang Ginoo. Kung hindi.
mas malala pa tayo ngayon siguro. :D
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby dumudugong_utak on Tue Sep 25, 2007 12:39 am

Siguro sapat na para sa akin ang mga kinasangkutan nilang mga intriga upang sabihing Nakakahiya sila.

Hindi basta-basta ang mga paratang sa kanila... andiyan ang PANDARAYA na pinagtakpan nilang lahat... andiriyan rin ang Jose Pidal na pinapilan ng isa pang Arroyo rin... isama mo na ang mga mala-martial law na kilos ni Gloria laban sa mga tumutuligsa sa kanya... para sa akin sapat na iyan... kung yun ngang kay Erap nakuha kong isuka siya at pumunta pa ako ng Edsa upang patalsikin siya eto pa kaya na tahasang panloloko na ginagawa sa taong bayan... sobra na... hanggang kailan ipipikit ng mga nagluklok sa kanya ang kanilang mga mata... tama na ang patay malisyang pagharap sa problema... aminin na ninyo na nagkamali kayo ng sinupoirtahan!
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby ampon_ng_sumilao on Sun Jan 20, 2008 12:45 pm

kailangan pa bang imemorize iyan? :roll:

nanunuod lang siya sa pangaagaw ng makapangyarihang San Miguel, ano ba naman Ina ng Bayan, niyuyurakan na ang dangal ng anak mo bilang tao, nagkukuyakoy ka pa rin sa paggamit ng kapangyarihan mo. pero kay bilis mong magdesisyon sa PD 1017 at sa curfew nitong kamakailan lang. ang bilis mo ding pirmahan ang ZTE deal, at kung anik anik na scam. ang lufet mo ring ikompromiso ang aming pangalan at bansa para ipangutang ng serbisyong hindi naman namin natitikman.

pakipaliwanag please saan napunta ang unliquidated expenses ng palasyo na umaabot na sa 322 MILYON. administrasyon lang niya iyan, tinalo pa ang mga nakaraang administrasyon na umabot lamang (lamang??) sa 300 MILYON pag pinagsama sama. magisa lang siya 322 M na ang hindi maipaliwanag na expenses. ibig sabihin naiout ang pera, pero hindi nakapagsumite ng liquidation report! anak ng tinapa. kung piso lang yan hindi ko na hihingiing magpasa ka ng resibo sa pamasahe mo sa jeep. PERO MILYON YAN. hellllleeeer. heelllllleeeer....

write off na lang daw??? huwaaat? huwaaaat???? hays ang alta presyon ko!
User avatar
ampon_ng_sumilao
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 83
Joined: Sun Jan 20, 2008 11:55 am
Location: brgy san vicente sumilao bukidnon

Postby sigawkatutubo on Thu Jan 31, 2008 11:36 am

lalong tumindi ang sama na aking naramdaman sa Pangulo lalo sa asawa nito.kaninang umaga habang binabasa ko ang tabloid na Bandera ngayong araw sa pahina 13 sa pitak ng magaling na si Ramon Tulfo ay nabasa ko ang ganito " dinuraan daw diumano ni MIKE ARROYO si LOZADA sa isang golf clud dito sa Metro Manila.

Grabe naman yun kung totoo nga at parang asal hayup itong si MIKE.
Kung iidolo ka, bakit hindi si Rizal?
User avatar
sigawkatutubo
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 169
Joined: Thu Sep 13, 2007 1:05 pm
Location: tribu bathala

Postby ampon_ng_sumilao on Thu Jan 31, 2008 1:43 pm

si Lozada ay tumakbo na sa sobrang nginig at takot papuntang Hongkong, inindyan nito ang mga Senador na magigisa sana sa kanya sa kanyang nalalaman tungkol sa sagutan ni GMA at ni NERI tungkol sa ZTE deal.

tsk
...para sa Diyos, Bayan at Kapwa!
User avatar
ampon_ng_sumilao
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 83
Joined: Sun Jan 20, 2008 11:55 am
Location: brgy san vicente sumilao bukidnon

Postby pangdennio on Tue Jul 08, 2008 1:44 pm

[align=justify]Dapat lang. Alam na niya ang mali, pinagtatakpan pa niya. Huwag naman ganun. Pati asawa niya kakuntsaba pa niya. Ano ito? ANG PAGBABALIK NG CONJUGAL DICTATORSHIP? Nakakatakot. Nakakagalit. :x[/align]
"Never underestimate what few committed individuals can do to change the world."
- Margaret Mead (Ang aking BLOG: Frustrated Writer PUNTA NA!!!)
FOLLOW CHRIST. SERVE THE PEOPLE!
User avatar
pangdennio
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 55
Joined: Thu Sep 13, 2007 3:18 pm
Location: Bulacan/QC


Return to Mga kandidato para sa Liwasang Kahihiyan

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron