Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

Kabataang Bayani....

<img src="http://agimat.freeforums.org/files/agimat/smilies/woohoo.gif">Ito ang forum para sa pangkalahatang paksa. Kung ikaw ay bagong miyembro, patakaran ang magpakilala muna sa "Pagpapakilala" forum sa taas.

Moderators: Kisapmata, Lakas ng Amihan

Kabataang Bayani....

Postby dumudugong_utak on Fri Jun 08, 2007 5:57 pm

Nakarating ako sa San Rafael sa Bulakan na kung saan ay kinikilala nila si Heneral Anacleto Enriquez bilang bayani na nagbuwis ng buhay para sa Bayan. Isang anak ng Bulakan na sa murang edad na 20 ay naging miyembro ng Katipunan na naka-base sa Bulakan sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Isidoro Torres.

Ipinanganak nong ika-24 ng Septiyembre taong 1876 sa San Nicolas, Bulakan. Ang kanyang mga magulang ay sina Don Vicente Enriquez de Jesus at Doña Petrona Sepulvida-Fernando y Gatmaitan. Ipinadala sa Ateneo Municipal de Manila para sa kanyang edukasyon kasama ng iba pa niyang kapatid na lalaki.

Hulyo ng taong 1896 sumanib sa Katipunan si Ancleto at ang kanyang kapatid na si Vicente. Sa utos ng Supremo, umuwi silang magkapatid upang magtatag ng Katipunan, at duon naitatag ang "Balangay Uliran." Ito ang grupong umatake sa "Cuartel del Guardia Civil" na ang tanging armas lamang ay itak at ilang baril. Kinilala rin si Heneral Anacleto Enriquez bilang asintado sa pagbaril, dito siya tinawag na Matang Lawin.

Nong ika-29 ng Nobyembre, sa utos ni Heneral Isidoro Torres, nagtungo ang grupong pinamumunuan ni Heneral Ancaleto Enriquez sa Buenavista sa Baliwag ngunit iniwan rin ito dahil inakala ng batang Heneral na mahirap depensahan ang lugar kung sakaling atakihin ng mga kalaban kaya nagtungo ang buong puwersa niya sa bayan ng San Rafael.

Umaga pa lang at kararating pa lang nila sa San Rafael ng dumating ang puwersa ng kalaban. Ito na ang pinaka-malaking puwersang nabuo ng mga espanyol laban sa mga rebolusyonaryong puwersa sa Bulakan. Ipinakikita lang nito na malaki ang respeto nila sa taong kanilang hinahabol. Dahil sa laki ng puwersang kinakaharap, iniutos ng batang Heneral na pumasok sa simbahan ng San Rafael upang duon lumaban hanggang sa wakas. Bago nila narating ang simbahan ay nahati pa ang kanilang puwersa dahil sa tindi ng atake ng kalaban, napahiwalay sa kanyang grupo ang kapatid na si Vicente.

Tanghali ng ika-30 ng Nobyembre lumusob sa simbahan ang buong puwersa ng kalaban. Lumaban ng buong tapang ang mga Katipunero sa pamumuno ni Heneral Anacleto Enriquez kahit na kulang sila sa armas. Mas pinili nila ang mamatay kesa sumoko sa mga kalaban. At yuon nga ang nangyari nuong araw na iyon. Napuno ng dugo ang simbahan, dugo ng mga bayani na nagbuwis ng buhay para sa kalayaan. Ayon sa kuwento ng mga saksi, hanggang bukong-bukong ang dugo na ibinuhos sa loob ng simbahan. Puno ng patay ang loob ng simbahan, kasama sa mga bangkay ang ay kay Heneral Anacleto Enriquez, ang Matang Lawin. Dito naghalo ang dugo ng mayayaman at mahihirap, mga may pinag-aralan at wala, anak ng mga Haciendero at mga anak ng tauhan nila, at ng mga Bayani at mga abusadong mananakop.

Inialay ng batang Heneral ang kanyang magandang kinabukasan para sa bayan. Mas pinili niya ang ipaglaban ang kalayan ng Bayan sa buhay ng karangyaan. Ibinuwis niya ang kanyang buhay upang makamtan ang kalayaang inaasam. Pati ang kanyang pag-ibig ay kanyang iniwan para lamang sa Bayan.

Kabataan, ikaw, ano ang hinihingi sayo ng Inang Bayan mo?

Hinihingi ba na ibuwis mo rin ang buhay mo para sa ipagtatanggol ang kalayaang tinatamasa mo ngayon? Kailangan pa bang iwan ang pag-ibig upang ipaglaban ang iyong karapatan? Kailangan pa bang tumigil ka ng pag-aaral? Kailangan pa bang isuko ang karangyaaan sa buhay?

Si Matang Lawin ay hindi tulad ng mga Bulag na Sisiw sa ating lipunan ngayon. Mga taong hindi nakikita ang tunay na kalagayan ng ating paligid, at kung nakikita man ay nagbubulag-bulagan naman. Kahit na lantaran ang pagnanakaw at pang-aabuso ay mariringgan mo pa rin ng mga katagang "hayaan mo na yan... wala tayong mapapala diyan..."

Si Matang Lawin ay hindi rin tulad ng mga Inahing Pipi. Wala na ngang nakikita wala pa rin masabi tungkol sa mga nangyayari. Kung pumutak man ang tanging maririnig mo ay ang pangungutya sa mga taong lumalaban at tumulong sa iba. Putak ng putak na buhay ng iba ang ipinuputak.

Si Matang Lawin ay hindi lalong tulad ng mga Pilay na Tandang. Wala na ngang ginagawa para sa ikauunlad ng sarili ay nagiging pabigat pa lalo. Sila yung mga ganador, pangangasta lang ang alam gawin. Mabuti sana kung makakain ang mga pinalalaking bayag nila. Silang mga sangganong matatapang na salot ng lipunan.

Panahon ba ng digmaan upang magdalawang isip ka na ipaglaban ang kalayaan at ang iyong karapatan? Hindi na kailangan ang maging si Matang Lawin ka sa panahon ngayon. May magagawa ka at ito ay hindi na nangangailangan ng mga sakripisyong tulad ng kay Anacleto. Kailangan lang ang isang Puso na Makabayan na magtutulak sa iyo na mahalin ang Inang Bayan tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili. Kailangan lang ang isang Puso na may Malasakit para sa kapwa na magtutulak sayo na gumawa ng mga bagay para sa kapakinabangan ng mga mahal mo sa buhay at ng iba. Kailangan rin ang isang Pusong Kumikilala sa Diyos na siyang gagabay sa iyo sa lahat ng ginagawa mo.

Mahirap ba ang hinihingi sa iyo? Kaya mong maging Bayani sa simpleng buhay na meron ka ngayon. Imulat mo ang iyong mga mata at masdan mo ang iyong paligid... kailangan ka ng kapwa mo... ng Bayan mo... may magagawa ka... kilos na... hindi ka nag-iisa...

Mabuhay si Matang Lawin at ang mga Bagong Bayani ng Bayan!!
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby Penduko on Sat Jun 09, 2007 11:24 am

Magandang mensahe para sa mga kabataan ito.

Ito ay inomina ko para sa ating Peryodikong tagalog.

Mabuhay ka, dumudugong_utak!
~Penduko
Image
"Mag-umpisang bigyan liwanag ang kinabukasan sa panahong kasalukuyan."
User avatar
Penduko
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 35
Joined: Thu May 03, 2007 8:55 pm

Postby dumudugong_utak on Sat Jun 09, 2007 12:35 pm

Penduko wrote:Magandang mensahe para sa mga kabataan ito.

Ito ay inomina ko para sa ating Peryodikong tagalog.

Mabuhay ka, dumudugong_utak!


Maraming salamat kasamang Penduko... humanga lang ako kay Heneral Ancleto... maraming isinuko para sa pakikipaglaban para sa kalayaan...

Isinulat ko ito dahil gagamitin ko itong hamon sa aking sarili... kung nagawa ni Matang Lawin na limutin ang sarili upang maging Bayani... ako pa kaya na hindi naman hinihingi na limutin ko ang aking sarili upang maging Bayani... kung kaya niya siguradong kaya ko rin... mas madali pa nga ngayon... walang buhy na dapat itaya... 8)
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby Talisman on Mon Jun 11, 2007 4:52 pm

Dumudugong_utak, kapatid.

Wala ka bang larawan ng nasabing heneral? Mas mainam sana kung mailagay mo rin dito :wink:
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby dumudugong_utak on Mon Jun 11, 2007 5:42 pm

Sige scan ko po siya... baka bukas ko na po ito magawa... 8)
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby dumudugong_utak on Tue Jun 12, 2007 12:38 pm

Inalis ko po... masyadong malaki eh... gawa ako ng mas maliit...
Last edited by dumudugong_utak on Mon Aug 27, 2007 1:08 am, edited 1 time in total.
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby Penduko on Wed Jun 13, 2007 11:33 pm

Salamat dumudugong_utak.

Dapat nga na siya ay bigyan ng papugay!
~Penduko
Image
"Mag-umpisang bigyan liwanag ang kinabukasan sa panahong kasalukuyan."
User avatar
Penduko
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 35
Joined: Thu May 03, 2007 8:55 pm

Postby maldita on Sun Jul 29, 2007 2:46 pm

Ako'y lubos na natatamaan. Isa akong mortal at tipikal na kabataan. :oops: :(
Minsan di'y kahiya hiya ako't nakakalimutan ang responsibilidad sa ating bansa.

Hindi man idinuldol o inoobligang maglingkod sa baya'y pagkukusa ang kailangan.

Tama si Ginoong Talisman. Manyapa'y kailangan nga siguro namin ang konting
pagpukpok para magising. Sige na, pukpukin mo na ko, kaso maya maya ng konti
nalang ha, nananaginip pa po kasi ako :shock: :qsleep2:
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby dumudugong_utak on Mon Jul 30, 2007 10:48 am

maldita wrote:Ako'y lubos na natatamaan. Isa akong mortal at tipikal na kabataan. :oops: :(
Minsan di'y kahiya hiya ako't nakakalimutan ang responsibilidad sa ating bansa.

Hindi man idinuldol o inoobligang maglingkod sa baya'y pagkukusa ang kailangan.

Tama si Ginoong Talisman. Manyapa'y kailangan nga siguro namin ang konting
pagpukpok para magising. Sige na, pukpukin mo na ko, kaso maya maya ng konti
nalang ha, nananaginip pa po kasi ako :shock: :qsleep2:
Ang iyong pagboboluntaryo upang magturo sa mga kabataan ay isang uri ng paglilingkod sa ating Inang Bayan... sapat na ito upang ikaw ay tawaging Bayani 8)
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby maldita on Mon Jul 30, 2007 11:34 am

Ganon ba yon? Kahit hindi ako humawak ng baril o magrally sa Edsa o
lantarang lumaban? Hmmmm. Siguro nga. :D

Sa paglaon siguro'y maiintindihan ko pa't mas magiging klaro sa akin
ang pamantayan ng pagiging makabayong bayani. :wink:
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby dumudugong_utak on Mon Aug 27, 2007 12:58 am

maldita wrote:Ganon ba yon? Kahit hindi ako humawak ng baril o magrally sa Edsa o
lantarang lumaban? Hmmmm. Siguro nga. :D

Sa paglaon siguro'y maiintindihan ko pa't mas magiging klaro sa akin
ang pamantayan ng pagiging makabayong bayani. :wink:
Hindi na kailangan na humawak pa ng Armas upang maging Bayani... gumnawa ka lamang ng ikabubuti ng iyong kapwa ay gawain ng isang Bayani... ang kilalanin mo ang kagalingan ng isang maunlad ng Filipino at ito ay ipagmalaki sa ibang tao ay pagiging maka-Filipino at maituturing na pagiging maka-Bayan... :wink:
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby sigawkatutubo on Thu Sep 13, 2007 5:24 pm

madami nga tayong bayani kahit sa simpleng bagay lang na nagawa ngunit hindi ito nabibigyan pansin at hindi nailalathala o mapapanood sa kahit saang istasyon sa telebisyon. dapat sana ay makilala at makita para pamarisan.

ibig kung ibahagi gawain ko sa amin
ewan ko lang kung masasabing pagkabayani rin
paggamit ng gawang sariling atin
at pagpapakilala sa magagandang tanawin.


hindi po ako makata
ganyan lang talaga
kapag mahal mo ang iyong bansa
lalo't isa kang tatak alibata..
Kung iidolo ka, bakit hindi si Rizal?
User avatar
sigawkatutubo
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 169
Joined: Thu Sep 13, 2007 1:05 pm
Location: tribu bathala

Postby pangdennio on Fri Jul 11, 2008 9:55 am

[align=justify]Basahin mo po ang naging speech ni Ka Satur Ocampo sa Centennial Lecture Series ng UP. Siya ang ikalawang speaker para sa A View From Outside. Magandang pagmuni-munihan lalo na para sa mga aktibistang nawawalan na ng lakas ng loob na ituloy ng laban dahil sa tila baga wala nang pinatutunguhan ang pambansang demokratikong rebolusyon na isang paraan upang makamit ang pagbabago sa ating bayan. At para na rin sa mga kabataan na walang pakialam at pagmamahal sa kanilang Inang Bayan.

Narito po ang link:

UP will forge through risk-filled neoliberal terrain; so will militant activism persist
[/align]
"Never underestimate what few committed individuals can do to change the world."
- Margaret Mead (Ang aking BLOG: Frustrated Writer PUNTA NA!!!)
FOLLOW CHRIST. SERVE THE PEOPLE!
User avatar
pangdennio
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 55
Joined: Thu Sep 13, 2007 3:18 pm
Location: Bulacan/QC


Return to Pangkalahatang Usapan

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron