Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

Kalandrakas: Sining ng Bilibid

Mga bagong balita mula sa Agimat.org at mga kalap.

Moderators: dumudugong_utak, maldita, ampon_ng_sumilao, Kuya Joemz, Lakas ng Amihan

Kalandrakas: Sining ng Bilibid

Postby Gumamela on Wed Sep 05, 2007 9:22 am

Alam niyo bang may natatanging sining din ang mga kapatid nating nasa piitan? Ang tawag nila rito ay "Kalandrakas".

Isusunod ko ang mga detalye.:wink:
BOTTLE ART
Image

MGA PIGURIN, ASHTRAY, ATBP. NA GAWA SA MGA PLASTIK NA BOTE NG INUMIN
Image

GALEON NA GAWA SA KAWAYAN/PALITO AT PAPEL
Image

LAMPSHADE NA GAWA SA KAWAYAN/RATTAN
Image
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby Talisman on Wed Sep 05, 2007 11:20 am

Husay :2thumbs

Maari mo bang ibigay sakin ang kanilang contact details at ibig kong bumili. :wink:

At bakit nga ba tinawag na "kalandrakas"?
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby Gumamela on Thu Sep 06, 2007 9:13 am

Pumunta ka lamang sa munti. Sa mismong kulungan ha. hehehehe. :D (NBP Reservation) Sa bandang kanan bago pumasok sa Bureau of Corrections, may isang helera ng tindahan ng mga produkto nila mula sa iba't-ibang grupo/lugar (may mga nakabase rin kasi sa palawan, at iba pang probinsya). :)

Ang ibig sabihin ng kalandrakas (sa bisaya) ay "bagot" o "boredom". Ang mga sining na ito ang nagsilbing pampalipas oras nila. Lumago nang lumago hanggang sa naging industriya. Ngunit hindi sila parang mga factory worker na pwersadong gumawa. Gagawa lang sila kapag nasa mood silang gumawa. Kaya bawat natatapos nila ay may kasamang damdamin at kagustuhang ibahagi ang kanilang sining.

Naaalala ko nang may makausap akong dalawang bilanggo. Sila ang nagpaliwanag sa akin na malaking bagay ang kalandrakas sa kanilang buhay. Nagbibigay ito sa kanila ng lakas ng loob at tiwala sa sarili. Binigyan pa nila ako ng pabaong mga palamuting gawa sa ginupit-gupit at binaluktot na bote ng softdrinks (ung mga 1.5 at 2 litro).
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby dumudugong_utak on Thu Sep 06, 2007 2:39 pm

Hanep no... bakit ako tuwing nababagot walang ganyang kagandang naibubunga... mabuti pa sila... :?

Yung aking Toolbox nung ako ay isang dakilang technician pa ng isang dayuhang kumpanya ay isang kalandrakas rin... binili ko ito sa QC Jail... hanggang ngayon gamit ko ito na lalagyan ng aking mga tools... 8) yari ito sa papel... hanep talaga... kung mapauunlad lamang ang kanilang negosyo marahil makatutulong ito ng malaki para sa ikabubuhay ng mga pamilya nila sa labas... industiyang sariling atin... kasama ito dapat ang pinauunlad 8)
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby Talisman on Thu Sep 06, 2007 4:02 pm

oo nga, dapat ma-abot nito ang ibang bahagi pa ng market.

Gumamela, wala ba tayong makukuhang contact details diyan? Sino kaya ang "in-charge" sa negosyo nila? Maganda kung makukuha natin. :wink:
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby Gumamela on Thu Sep 06, 2007 4:18 pm

uhm, teka, hahagulapin ko ang aking baul. Pangalan lang ata ng nagtitinda ang aking nakuha. Hehe. Kapag kasi yung opisina ng Muntinlupa ang ating kinausap, yung gawa lang ng mga tagaroon ang makukuha natin.hindi ung mga galing sa ibang lugar.

Naging batang Munti rin ako nang apat na taon dahil duon ako naghayskul. Nakakalungkot lang na ako pang hindi sa Munti lumaki ang nakapansin sa kalandrakas.dedma lang aking mga kaklase na halos kapitbahay ang bilibid.Hay.

Babalitaan ko kayo.

TRIVIA: Isa sa mga nagpapautang ng pinakamalalaking kapital sa mga bilanggo ay si Rolito Go.
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby sigawkatutubo on Thu Sep 13, 2007 6:00 pm

mahusay nga ang mga ito...naalala ko dati lagi kaming bumibili ng PAROL na gawa nila kapag disyembre..
Kung iidolo ka, bakit hindi si Rizal?
User avatar
sigawkatutubo
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 169
Joined: Thu Sep 13, 2007 1:05 pm
Location: tribu bathala


Return to Balita atbp.

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron