Ako din eh, walang masabi o masasabi. Pero sige..
gumawa tayo ng kwento... magsisimula ako't dugtungan niyo
ng mga eksena. At tuwing kayo'y magoonline ay inyong
dugtungan pa hanggang makagawa tayo ng kwento't makatapos.
ito'y pinamagatang Mahiwagang Agimat... klaro?
Galingan natin at pag maganda ang kinalabasan ay
ipapaimprenta ko't ibebenta sa Recto. Ayos
eto na..
Ang matatag na puno ng buhay ni Tukmol ay nagsimula
sa Barrio ng Tagudtong. Ang marikit niyang mga sanga
ay nagsimulang sumibol kasama ng kanyang mapagmahal
na pamilya.
(dugtungan)


