Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

MGA NATUTUNAN NI KUYA JOEMZ - bilang 2

Mga bagong balita mula sa Agimat.org at mga kalap.

Moderators: dumudugong_utak, maldita, ampon_ng_sumilao, Kuya Joemz, Lakas ng Amihan

MGA NATUTUNAN NI KUYA JOEMZ - bilang 2

Postby Kuya Joemz on Wed Feb 20, 2008 2:35 pm

SIMULA SA TALAGA HINDI SA INA-AKALA

Ako ay isang tao, at bilang isang tao ako ay hindi perpekto. Ipinanganak na ba ako na may muang kagad sa mga tamang ugali, etiketa at prinsipyo? Hindi. Lahat tayo ay ganun ang simula.

Mayroon akong suliranin sa ngayon. Iyon ay tungkol sa aking tila mabagal na pag-asenso. Marami ang nagsasabi na ayos na ang aking na-abot, ngunit alam ko, hindi pa ako kuntento. Isa ako sa mga taong tinaguriang may ambisyon. Ang aking ambisyon ay di pangkaraniwan. Gusto kong malaman ang talagang hanganan ng aking kakayahan. Gusto kong umpisahan sa larangan ng aking career. Gusto ko kagad maging manager sa kumpanyang aking pinapasukan sa ngayon. Alam ko, wala akong maysadong problema pagdating sa aking technical skills; mayroon akong magandang background. Ngunit medyo ibang arena ang aking ginagalawan sa ngayon. Ako lang ang asiano sa aming planta. Nagkataon pa na ako ang pinakabata sa aming management team. Kulang sa confidence sa akin ang aming plant manager. Palagay ko'y kasama sa problema ay ang itsura kong bata -at siguro ay kung paano ako magsalita. Palagay ko nga.
<img id="BLOGGER_PHOTO_ID_5168945353776790818" alt="" src="http://bp3.blogger.com/_nrmY_K1Dgm4/R7vIabtFfSI/AAAAAAAAAGM/uu6yx86mlTA/s320/2895190496031l.jpg" border="0">
Hindi ako ipokrito para sabihing napaka-fluent ko sa ingles. Bakit, ipinanganak ba akong australiano? Buti pa nga ako ay dalawang lenguahe ang aking nasasalita, eh sila? Ayos naman siguro ang aking ingles kung hindi lang sana sila napaka-slang --ako pa tuloy ang hindi nila maintindihan. Tayo kasing mga pinoy nasanay sa american english kaya eto ako nahihirapang magsalita ng australian english. Hirap ako, di ako nagbibiro --ako pa isang ingles mapua!Aking natutunan, kailangan ko magsalita ng fluent dito upang mas maging "fitting" ako sa isang job position na kailangang magsalita sa mga magiging staff. Syempre andyan din ang regular na pakikipag brainstorming sa mga executives. Isang challenge. Atleast ako ay honest kung saan ako magsisimula, hindi doon sa aking ina-akala ngunit doon sa talagang totoo. Kailangan kong i-improve ang aking pananalita maging sa anu mang lenguahe... at alam ko na ang mga paraan. Hindi madadali ngunit kakayanin naman kung talagang ipagpipilitan at hindi susuko.
<img id="BLOGGER_PHOTO_ID_5168944881330388242" alt="" src="http://bp1.blogger.com/_nrmY_K1Dgm4/R7vH-7tFfRI/AAAAAAAAAGE/NHGirVe3iGk/s320/28951814524931l.jpg" border="0"> Ang lesson ay ito: Magsimula sa pagiging honest kung hanggang saan ka lang sa ngayon, at maging honest kung gaano kahalaga ang isang pangarap para sa iyo upang gawin mo ang lahat ng nararapat.
"Ang tunay na yaman ay ang mabuhay sa isang lipunang may tunay na pagmamahal sa kapwa"
Blog ko
User avatar
Kuya Joemz
Hinaplos ng Agimat
 
Posts: 28
Joined: Wed Jan 09, 2008 5:04 pm
Location: Australia

Postby sigawkatutubo on Thu Feb 21, 2008 11:57 am

bilib ako sa iyo Kuya Joemz, hindi kaila ang husay at talino mo. Sa iyong naabot ngayon pa lang ay isa nang tagumpay at maipagmamalaki nating mga Pilipino. hindi masama mangarap ng mas mataas dahil hangarin natin ay maabot ang pangarap na inaasam-asam. kahit di ko alam ang iyong kinatatayuan ngayon diyan sa iyong trabaho malamang ay hubog ka na para sa hangad mong posisyon..bakit hindi, ipakit mong angat ka sa kanila kahit ano pang lahi ka at kahit mas bata ka pa.

sa ngayon isa ka na sa idolo ko! sana'y mabigyan din ako ng ganyang pagkakataon na maipakita ang aking kakayahan..
Kung iidolo ka, bakit hindi si Rizal?
User avatar
sigawkatutubo
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 169
Joined: Thu Sep 13, 2007 1:05 pm
Location: tribu bathala

Postby Kuya Joemz on Thu Feb 21, 2008 7:16 pm

Maraming salamat sa parangal, kapatid na sigawkatutubo.

Nais ko lang i-motivate ang ating kapwa pilipino sa aking mga natutunan araw-araw. Salamat sa May Kapal at binigyan Niya tayo ng isipan na marunong pumuna at hanapin ang mga aral ng bawat karanasan.
"Ang tunay na yaman ay ang mabuhay sa isang lipunang may tunay na pagmamahal sa kapwa"
Blog ko
User avatar
Kuya Joemz
Hinaplos ng Agimat
 
Posts: 28
Joined: Wed Jan 09, 2008 5:04 pm
Location: Australia


Return to Balita atbp.

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron