Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

Mga Problema sa Algebra

Ikaw ba ay nangangailangan ng payo o opinyon sa iyong suliranin? Dito idulog at nang ating mabigyan ng pansin.

Mga Problema sa Algebra

Postby Gumamela on Tue Aug 28, 2007 8:42 am

Hi! Dito natin pag-usapan ang mga problema tungkol sa algebra at iba pang bahagi ng matematika. :wink:

Galing Kay Mariposa: naisip ko lang po, pwede mo po ba ko bigyan nang payo, ang problema ko kasi kapag naka-kita na ako nang problem, kabado na ako at para na akong hihimatayin....matagal bago ko mabawi ang katinuan ko kaya kinakapos ako sa oras pra isolve ang tanong...

Hmmmm... sa totoo lang problema ko rin yan noon. Kaya kong magsagot kapag ako lang mag-isa, at alam ko namang naiintindihan ko ang topic. Kaso, dahil kulang ako sa confidence, kinakabahan ako pagdating ng exam. ANg pinakamabisang paraang nasubukan ko noon ay:
PRAKTIS. Noong kolehiyo (parang ang tagal na eh no), nakita ko ang kaibahan kapag nakapagsagot ako ng mga 10 pataas na mga problems at exercises at kapag binasa ko lamang ang lesson. Tapos, paulit-ulit kong sinasagutan ang isang numero. Hanggang sa magamay ko ang paraan ng pagsolve dito. Minsan, pumipikit ako at parang tinuturuan ko ang sarili ko kung paano gawin yung problem. Nakatulong ito ng malaki nang nasa "proving" na kami. May mga binibigay na statement tapos gagawin namin yung proof. Kapag pinag-aaralan ko ang estilo, nakakaubos ako ng mga limang papel para lamang sa isang klase ng statement. :wink:

Kapag ganun ang ginagawa ko, pakiramdam ko palagi, kahit anong ibigay sa aking pagsusulit, kayang-kaya ko. ;)

Minsan nakakatulong din yung pagguhit ng mga larawan na may kinalaman sa problem na ginagawa mo. Pag exam na, at dinaan mo sa pagguhit ang kaba, nakakarelax. :lol:

Sana nakatulong. :D
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby Talisman on Tue Aug 28, 2007 4:20 pm

Siguro marahil ay mas maganda kung may irerekomenda ka rin na magandang "exercise book" at kung saan mabibili ito ni Mariposa upang makapag-praktis pa siya ng mas madalas. :wink:
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby Gumamela on Tue Aug 28, 2007 7:16 pm

uhm... libro? hindi kasi ako masyadong nasanay magbibili ng libro noon maliban sa mga itinatakdang reference ng aming propesor. katulad sa algebra at trigonometry, ang ginagamit namin noon ay ang Modern Algebra and Trigonometry ni Vance, ngunit ngayon ang kay Leithold na ata ang madalas gamitin. Sa calculus, si Leithold din ang gamit namin dati. Yung isang buong libro ay katumbas ng tatlong subject ko noon. kaya hinati ko iyon sa tatlo at nagamit ko nang tatlong semestre.

Yung ibang mga exercises ay nakukuha namin sa mga lumang papel ng exam na siguro ay sampung taon na ang tanda. May ibinibigay din minsang mga kopya ng exercises ang mga guro namin. Minsan naghahagilap kami sa silid-aklatan namin. Pero madalas natutulog lang ako roon.hehehehe.
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby Mariposa on Sun Nov 04, 2007 5:31 pm

Kaibigang Gumamela salamat ha? At pasensya ka na rin kung ngayon lang ako nakapag-pasalamat sayo....Alam niyo pong lahat nakapasa ako ngayong sem na ito kahit ang algebra ay naipasa ko, nakita kasi ng prof ko ang pagsusumikap ko, kahit hindi pa ako ganon kagaling sa math, nakita niyang hindi ako sumusuko...

At alam niyo po ba sa SIYAM na subjects ko dalawa ang 3, math at "filipino", isa ang 2 english po at ang iba pa ay ay 1 na...masaya ako nang nakuha ko ang cards ko at nakita kong lahat ng major subjects ko ay uno! Sulit lahat ng paghihirap sa pagaaral! Tulad nga ng sinabi ng mahalagang tao sa buhay ko... "ang ginawa mong marka ngayon sa eskwela ay marka mo na habang buhay!" ..kadalasan lalo na sa panahon ngayon ang mga marka mo ang nagdidikta ng magiging buhay mo at nang tingin sa iyo ng mga tao...

Salamat sa gabay ng lahat ng taong nagmamalasakit sa akin.. sa inyong lahat!

Salamat Gumamela ha?
Image

"Aking adhika makita kang sakdal laya."
Mariposa
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 47
Joined: Thu Apr 19, 2007 5:07 pm

Postby Gumamela on Mon Nov 26, 2007 9:04 am

Walang anuman, Mariposa. Kagalakan kong ibahagi sa iba ang aking mga nalalaman. :)

Mabuti at nakapasa ka sa lahat ng subject. Nako. Naalala ko tuloy ung mga panahon ng aking kolehiyo (parang ang tagal na e no). .. Naging pasaway akong estudyante. Pero ngayon, kahit papaano, ay nagagamit ko rin naman lahat ng aking mga pinag aralan.
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala


Return to Humingi ng Payo

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron