pangdennio wrote:[align=justify]
Kaya hindi naging patas ang "odds" at ang "tiyansa" magmula noon ay dahil walang naglakas ng loob upang 'tumaya' dito. Wala rin tayo karapatan na sabihin kung kahangalan ba o katapangan ang ginawa ng taong iyon. Bagkus, dapat natin tingnan: Bakit niya ito nagawa? O bakit niya ito kayang gawin?[/align]
Hindi lahat ng gumagawa ng mabuti ay nais makilala. Ang tanging hangad lang nila ay kabutihan, at ang kabutihan ay sapat na para tularan ng karamihan. Hindi sila mga duwag. Sila'y tunay na tao.
Ako ay nawalan ng ama dahil sa dumi ng pulitika. Mas marami pa sana syang magagawa kung siya'y nabubuhay pa.
Marami pa akong gustong magawa... at wala akong balak mamulitika.
Hindi katapangan at paghahayag (lang) ang tanging nag-iisang kasagutan sa lahat ng paglalaban.
At muli ang aking pakikipaglaban ay hindi talaga nasa larangan ng pulitika, bagkus ay nasa pagbabago ng kultura. Ito ay dahil wala sa pulitika ang kasagutan, bagkus ay nasa kultura.
pangdennio wrote:[align=justify]
Pero 'di po ba dapat na may 'mukha' ang katotohanan? Dahil sa doon natin malalaman kung ang tunay ba talaga ang katotohanan na iyon at hindi lamang isang napakagandang kwento. Madaling magsabi ng katotohanan ngunit mas mahirap ang maglantad ng sarili upang magsabi ng katotohanan. Sa aking opinyon, mas paniniwalaan ko ang katotohanang naririnig ko kung nakikita ko kung sino ang nagsasabi nito.[/align]
Hindi ko kailangan,-maging sino man, na maging Pangulo muna upang gumawa ng pagbabago. Ganun din sa pagiging hayag, hindi ko na kailangan pang ipakilala ang aking sarili upang malaman ng lahat ang katotohanan at sila'y mag-umpisa para sa pagbabago.
Magandang kuwento lang? May sampalataya ako na hindi mababaw ang mga Pilipino, silay may sapat ng pag-iisip para malaman at maramdaman kung ang lahat ng nasabi ay makatotohanan.
Tignan natin ang tunay na may akda ng "Desiderata", hindi talaga alam kung sino sya, ngunit ang kanyang sinulat ay mga katotohanan.
Wala sa mukha ng tao ang katotohanan, bagkus nasa pagsusuri at pagni-nilaynilay mo sa kanyang mensaheng binitawan.
Kredibilidad ng nagsasabi. Dapat mo lang itong tignan kung sa tingin mo'y mapapahamak ka kung siya ay iyong susundin.
Kung ikaw ay para sa mabuting pagbabago, hindi mo na kailangan pang mag-intay ng mukhang matutularan upang mag-umpisang kumilos.
Hindi mo na kailangang makilala pa kung sino ako upang maniwala na may problema sa kultura natin ngayon, di ba?
pangdennio wrote:[align=justify]
Maaari na may 'bias' na ito dahil sa maaaring ma-kompromiso ang katotohan nang dahil lamang sa kanyang pagkatao. Ngunit, it's worth taking the risk. Nakita na natin ito noon pa man. Si Jose Rizal mismo, na idolo ng karamihan sa mga narito, na bagamat gumamit din ng alyas sa kanyang mga ilang panulat, sa bandang huli, hindi na siya nagtago. Imbes na gamitan pa rin ang kanyang mga alyas, inilagay niya ang kaniyang pangalan sa kanyang mga libro. At alam na nating lahat ang naging dulot nito sa ating bansa.[/align]
Suriin muna ang mga kondisyon. Bawat kondisyon ay may karampatang aksyon.
Sana'y makatulong:
