Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

Paano Magsulat ng Sanaysay?

Humingi o magbigay ng tulong ukol sa pag-gamit ng forum dito.

Moderator: Lakas ng Amihan

Paano Magsulat ng Sanaysay?

Postby Talisman on Sat Jun 02, 2007 2:02 pm

(Pa-alala na ito ay gabay lamang....)


Simpleng Istraktura ng Isang Sanaysay

Ulo
1) Titulo
2) Introdaksyon (para sa Katawan)

Katawan
1) Pagsasalaysay / Ulat
a.Paglalarawan
b.Patotoo
c.Opinyon

Konklusyon
1) Kabuoan (Summary)
2) Natutunan/ napag-alaman (mula sa Katawan)
a.Pag-uulit ng mga patotoo o/at opinyon (Emphasis)
3) Pakiki-usap
a.Hiling sa nagbabasa
b.Hamon o Panunukso

_______________________________________________________________________________


Ulo


a) Titulo

Bilang panimula ng iyong sulatin kailangan mo munang pahapyawan/ihanda ang iyong mambabasa sa kung tungkol saan ang iyong panulat –o kaya ay maari mo muna silang iduyan sandali.

Payo: Gumamit ka ng mga salita na mang-eenganyo o mapanukso upang akitin ang iyong mambabasa na mag-umpisang magbasa. Maaring patanong ang iyong titulo.

Halimbawa:
a. Ang Pagbabago ay Kailangan ng Bansa
b.Bakit nga ba may Sako ang Bunga ng Papaya?


Pansinin na bagamat parehong ang paksa ay tungkol sa pagbabago, mas ”nakakatuksong” basahain ang ”b.” dahil ito ay mukhang may ipinahihiwatig na ”surpresa”.

b) Introdaksyon
Ito ay ang pagtutulay o pahapyaw ng iyong titulo patungo sa katawan ng iyong sulatin. Maari ring patanong ang iyong gagamiting pangungusap upang dagdagan ang pagkagutom sa ka-alaman ng iyong mambabasa.

Halimbawa:

Alam nyo ba kung ano ang pangakasalukuyang katatayuan ng bansa kumpara sa 40 taon ng nakalilipas? Ang sabi ng aking mga magulang sadyang mas maginhawa at ligtas ang pamumuhay noon. Ito nga ba ay totoo sa buong bansa? At anu-ano ang mga magpapatotoo nito? Alamin natin...


Katawan
Ito ang pinaka-laman ng iyong panulat/ mensahe. Dito ay ang iyong paglalahad ng lahat ng iyong saloobin at katotohanan ukol sa paksa ng iyong panulat.

Sa iyong pagsasalaysay maari mong gamitin ang:

a. Paglalarawan – pagdedetalye ng mga pagkakaganap, paglalagay ng mga larawan, kopya ng mga balita atbp.
b. Patotoo – katulad sa paglalarawan ngunit ito ay ang pagbibigay ng mga katunayan tulad ng istatistiko, mga pinanggalingang dokumento atbp.
c. Opinyon – paglalahad ng iyong sariling tanaw sa mga nabanggit na paglalarawan, patotoo o ang iyong mga nakikitang kahihinatnan sa hinaharap atbp.

Halimbawa:

Tumingin ako sa website ng National Statistic Office. Doon aking nasaliksik na ang papulasyon noong 40 taong nakalilpas ay “...” at ang mga pangunahing komersyo ay ang mga ”...” na kung saan ang halaga ng piso ay “...”. At ayon pa sa isang pahina doon, ang Pilipinas daw ay pangalawa lamang sa Japan pagdating sa pinaka-maunlad na bansa ng asia. Ang mga kadahilanan ayon sa aking pagpuna ay ang mga sumusunod: ”...”

...at akin namang binasa ang pangakasalukuyang istatistiko at nakita ko na ”...”. Samakatwid ang kabuhayan pala ng ating bansa ay patuloy pa rin sa pagka-lugmok na tinatayang ”...” piso ang nawawalang yaman sa bansa bawat ”...” araw.

...sa isa pang saliksik napag-alaman ko ang kinalaman ng pagbabago ng kultura ng mamamayan sa takbo ng ekomoniya ng bansa. May kinalaman din pala ang ”corruption” sa pagbagsak ng moralidad ng lipunan at ang kasabay nitong pagtaas ng krimen bawat sandali. Ayon sa aking pagsasaliksik sa NBI crime rate, may tinatayang ”...” krimen bawat araw ang nangyayari sa kabuoan ng bansa, samantalang parami ng parami ang mga yumayamang dayuhan dito sa bansa na tinatayang ”...”piso bawat araw ang kanilang nailalabas ng Pilipinas upang gamitin sa sarili nilang bansa upang mapa-unlad ito...

...at sa aking palagay kung ang kasalukuyang papaya ay hindi lalagyan ng sako ay lubusang mahuhulog lang ito sa lupa upang mawasak at hindi na pakinabangan pang muli. Huli na nga ba ang lahat, mga kababayan ko? Hindi pa! Ganito ang dapat nating gawin at bakit: ”...”


Konklusyon
Bilang panapos ng iyong panulat, idiin (emphasize) mo dito ang mga punto mula sa iyong Katawan na sa tingin mo ay hindi dapat kalimutan. Dagdagan mo ng payo o paglilinaw sa mga punto o mga kahilingan ng iyong panulat mula sa nagbabasa.


Halimbawa:

At ngayon ay nalaman nyo na, aking mambabasa, na ang ating palang ekonomiya ay patuloy na bumabagsak dahil sa mga nabanggit na dahilan (”....” ) ay makikita ninyo ang katotohanan na ang bawat isa sa atin ay may kinalaman sa mga dahilan na ito. At mula sa ating natutunang ”natural na batas” na kung tayo ay hindi magkaka-isa at tayo ay manonood na lang, ay talagang mahuhulog na lang ang papaya sa lupa kung hindi lalagyan ng sako upang mapigil ito. Sino ang maglalagay ng sako? Tayo ay magtitinginan na lang ba o ikaw ang sadyang mag-uumpisa upang gayahin ka? At kung sadyang ikaw nga ay marapat, ang abot na pangako para sa ating kabuhayan ay ang mga sumusunod: ”...”


Ni: ”pangalan mo”
Mga kinalap na inpormasyon ay mula sa : ”....” at ”....” taong 2007


******
Last edited by Talisman on Sun Aug 26, 2007 8:54 pm, edited 3 times in total.
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby Gumamela on Sat Jun 02, 2007 2:17 pm

TANONG: Ibig sabihin ba nito ay sa "format" ng sanaysay ang aking magiging ulat --- nasa "unang persona" ang pagkakasalaysay?

Kung ganoon nga, pwede! hehehe.
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby Talisman on Sat Jun 02, 2007 2:19 pm

Sa klase ng iyong panulat, mas angkop nga ang "unang persona". :wink:
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby dumudugong_utak on Sun Jun 03, 2007 11:18 am

Isang suggestion....

TITULO.. subukan ninyo itong isipin pagkatapos ng sanasay... sa ganuong paraan mas magiging angkop ang Titulo sa Nilalaman... at hindi magiging bilanggo ng Titulo ang Lalamanin ng sanaysay... 8)

Mahalaga lamang na alam ninyo ang nais takbuhin ng inyong sanaysay... tama rin ang sabi ni Talisman... gumamit ng gabay... ngunit huwag magpatali dito... mas maganda pa rin na may kaunting laya kayo sa inyong sariling istilo ng pagsusulat... wala naman sigurong kritiko sa ating grupo... siguro mayroong pagtutuwid bilang kapatid ngunit walang negatibong kritiko... hehehehe... siguro naman tama ako dito... :P
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby Talisman on Sun Jun 03, 2007 1:16 pm

Napakagandang kumento mula sayo, dumudugong_utak. Magaling! :qthumbsup:
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang


Return to Suportang Teknikal

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron