sa isyu ng tungkol sa ginawa ni trillanes... PABOR ako sa sentimyento de patis niya, ang hindi ako pabor ay sa paraang ginawa niya (mahina ang paghahanda), PERO ayokong dumagdag sa mga nagpapataw ng kritisismo sa kanya, ginawa niya ang naayon sa iniisip niyang maiaambag niya, hindi man ito naging sapat, ang mahalaga sumubok siya.......... eh tayo? sumubok ba o nanunuod lamang?

paano ipaaabot kay madam labandera, ang mga isyung ito? mahirap pong gisingin ang nagtutulog-tulugan (tama ba ang pagbaybay ko sa tagalog)... mahirap pong makakita ang nagbubulag-bulagan!
nagisyu na ang CBCP ng pastoral letter, na kumukondena at bumabasura sa gobyernong arroyo, sumulat na rin ang maraming grupo.
ano namang magagawa ng sulat, aber?
magandang halimbawa ang ginawa ng mga kasamang magsasaka mula sa Sumilao, Bukidnon. mapayapa ang pinili nilang pamamaraan ng pakikibaka. hindi man kailangan, pero kinailangan nilang lakarin ang mahigit kumulang 1700 km mula Bukidnon hanggang Maynila. alikabok, hingal, pagod, katandaan, init ng araw, bagsik ng dalawang Bagyo (Lando at Mina), puyat, pangungulila sa naiwang pamilya... ahhhh punyeta (sorry napapamura!).... dala dala din nila ang suporta ng maraming obispo, at mga dioceses, at mga paaralan, at mga kapatid na magsasaka sa ibang panig ng bansa, may personal pa ngang sulat ang cardinal para sa presidente na silang magsasaka ang nagabot nuong makatuntong sila sa Palasyo
(pangalawang dalaw sa mendiola dahil ang unang dalaw ay hinarang sila at hindi nakapasok - wala din si GMA, ito yung naglakwatsa sila kasama ang mga kongresista - especially si Zubiri na anak ng Bukidnon - kasama din ang ilang negosyante, sa Europa - nabigyan pa ata ng bansang Espana ng parangal ang kumag - aba, human rights award pa ata!)
dagdag pa na maliban sa mga suportang ito, at sa kanilang personal na sakripisyo sa paglalakad, ang kaso ng mga magsasakang sumilao ay hindi naman paghingi ng espesyal na pabor mula sa gobyerno, bagkus ay ang pakikusap dito - na ipatupad lamang ang batas na sila naman ang gumawa, dahil kung batas ang pagaaralan ang usapin ng lupa ng sumilao ay malinaw na para talaga sa mga magsasaka ng sumilao!
PEROOOOOOOOO...
may nangyari ba?
uubusin ba nila ang mapayapang paraan?
paaaaanoooooooo ihahatid sa kanya??????
ALAM NIYA ITO. ALAM NA ALAM! pero nagbubulagbulagan siya, nagbibingibingihan, nagtutulog-tulugan!
ano kayang sagot sa PAANO? sa akin may naglalarong ideya. na ayaw kong pansinin kahit nuon pa. at tiyak akong ang parehas na ideyang ito ay naglalaro na rin sa inyong mga utak kahit nuon pa. pare-parehas tayong takot harapin ang katotohanang tumatambad... ito ang tanging paraan pero nagpapaligoy ligoy tayo at sa kalaunan nagkakandaligaw ligaw, hanggang sa kinatamaran na talaga natin ang pagpunta sa ating patutunguhan.......
(haha anong sinasabi ko? ako atang naligaw haha!)
