Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Dito ilagay ang ina-alay na awitin o tugtugin.

Moderator: Lakas ng Amihan

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Postby dumudugong_utak on Thu May 31, 2007 1:07 pm

[stream]http://revsongs3.tripod.com/Pagibig.mp3[/stream]

Ito ay pagsasaawit ng isang tula ni Andres Bonifacio. Ang tula'y nagsimulang lumaganap noong kasalukuyang nakikidigma ang sambayanang Pilipino laban sa Kolonyalismong Espanyol. Nilapatan ito ng musika sa Bicutan Rehabilitation Center noong 1978.


Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa? wala na nga, wala.

Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong wagas sa bayang nagkupkop
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod
Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

Ang nakaraang panahon ng aliw
Ang inaasahang araw na darating
Ng pagkatimawa ng mga alipin
Liban pa sa bayan, saan tatanghalin?

Sa aba ng abang mawalay sa bayan
Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
Walang alaala’t inaasam-asam
Kundi ang makita’y lupang tinubuan.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
Kahoy niyaring buhay ng nilanta’t sukat
Ng bala-balaki’t makapal na hirap
Muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

Ipakahandug-handog ang buong pag-ibig
Hanggang sa may dugo’y ubusing itigis
Kung sa pagtatanggol buhay ay kapalit
Ito’y kapalaran at tunay na langit.

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa? wala na nga wala
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala.
Last edited by dumudugong_utak on Sun Jun 03, 2007 10:58 pm, edited 3 times in total.
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby Talisman on Thu May 31, 2007 4:49 pm

Habang pinakikinggan ko ang awit habang binabasa ang tula, ay nakikita ko ang ating samahan dito. Marahil siguro na tayo na nga ang sumusunod na Katipon.

Nagustuhan ko talaga ang sulating ito mula sa iyo, kapatid ko sa Bayan.

Sa aking buhay hanggang magpakailanman ang tulang ito ay aking laging makakapiling...saan man ako magpunta. --at iyan ay nag-umpisa sa oras na ito ng mabasa ko ang iyong sinulat (butterfy effect talaga).

Mabuhay ang lahing Pilipino!
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby Gumamela on Fri Jun 01, 2007 10:16 am

Napakaganda ng tulang ito, lalo na't nilapatan pa ng himig na nakakadala ng damdamin. Ramdam na ramdam mo talaga ang pagiging "super hero" mo kapag pinakinggan mo ito. :)
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby dumudugong_utak on Fri Jun 01, 2007 11:08 pm

Salamat at inyong naibigan ang Tula... at ang Awitin... nakalulungkot nga lamang na ang ganiyang uri ng awitin ay matatagpuan lamang sa katulad na lugar na ito... sana maibahagi pa natin sa iba ang awiting iyan... maganda ang mensaheng ipinaaabot sa atin... isang hamon...
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby Talisman on Sat Jun 02, 2007 1:50 pm

Tama ka, dumudugong_utak. Isasama natin ito sa ating peryodikong tagalog :wink:
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby Mariposa on Sat Jun 02, 2007 3:08 pm

Ang lakas ng motivation na ibinibigay ng tula. Ang galing ni Andres bilang makata.

Lalo ko tuloy iniibig ang ating lahi! :qhappylove:
Image

"Aking adhika makita kang sakdal laya."
Mariposa
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 47
Joined: Thu Apr 19, 2007 5:07 pm

Postby dumudugong_utak on Sun Jun 03, 2007 10:26 am

Talisman wrote:Tama ka, dumudugong_utak. Isasama natin ito sa ating peryodikong tagalog :wink:

Mabuti naman... ang ganyang mga awitin (tula) ang dapat na binibigyang pahalaga... hindi ang mga banyanga awiting komersyal na man....
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby Talisman on Sun Jun 03, 2007 2:49 pm

Siguro ay maganda rin na lagyan natin ng interpretasyon ang bawat sangay. Bukod sa maraming salitang tagalog (literal) dito ay malalalim, ay malalim din ang talagang gustong iparating sa ibig sabihin.

Tula ito at may mga simbolismo na minsan ay hindi dapat intindihin ng literal (bukod pa sa literal). Yan ay sa aking palagay lamang. Dahil ako mismo ay di arok ang ilang mga literal na tagalog ni Andres. Gusto ko siyang intindihin ng mas malalim.

Wala akong diksiyonaryong tagalog ngayon dito, kayo meron? Gawan natin ng interpretasyon? :wink:
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby dumudugong_utak on Sun Jun 03, 2007 10:46 pm

Talisman wrote:Siguro ay maganda rin na lagyan natin ng interpretasyon ang bawat sangay. Bukod sa maraming salitang tagalog (literal) dito ay malalalim, ay malalim din ang talagang gustong iparating sa ibig sabihin.

Tula ito at may mga simbolismo na minsan ay hindi dapat intindihin ng literal (bukod pa sa literal). Yan ay sa aking palagay lamang. Dahil ako mismo ay di arok ang ilang mga literal na tagalog ni Andres. Gusto ko siyang intindihin ng mas malalim.

Wala akong diksiyonaryong tagalog ngayon dito, kayo meron? Gawan natin ng interpretasyon? :wink:


Magandang ideya... pero dapat ang ilathalang kopya ay ang kumpletong tula mismo ni Andres Bonifacio... ang nakasulat sa itaas ay ang tulang nilapatan ng musika at hindi ito kumpleto... hayaan mo at ilalagay ko ang kumpletong tula dito....8)
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan


Return to Awitin at Tugtugin

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron