Mabuhay mga Kapatid ko!
May tinakdang proseso ang bawat hakbang ng Organisasyon.
Ang mga hihirangin lang na mga miyembro ang ma-aaring magkita-kita. Ito ay dapat igalang dahil ang ka-akibat na "butterfly effect" isina-alang-alang.
Sa ngayon ay hindi pa takda na magkita-kita ng personal. Ang ating organisasyon ay Lihim na Kapatiran. May mga dahilan kung bakit hindi tayo magkikita-kita muna sa panahong kasalukuyan. Isa na rito ay ang inyong mga sari-sariling kaligtasan. Tulad sa mga superhero ay mayroon din tayong mga Lihim na Ka-away.
Huwag na huwag muna kayo makikipagkita o magpapakilala ng personal.
Ang pagpapakita ay may proseso (tulad ng sa Jedi movie)
Ang ating samahan ay may bahid pulitika. Hindi lingid sa inyo na ako ay hindi na bago sa pulitika. Ako ang buhay na katotohanan na magpapatunay na madumi ang pulitika. May mga kamag-anak ako na napatay dahil sa pulitika at ayoko na madamay pa tayo.
Talagang ganyan sa isang buhay ng bayani, may sinasakripisyong mga pribelehiyo. Tayo ay hindi iba. Tayo ay tunay.
Huwag mag-alala at ipaliliwanag ko pa ng mas mabuti ang ukol dito sa mga susunod na araw..
Isang pangaral lang muna sa ngayon: "Kapag malinaw na malinaw na ang tiwala, saka ka makipagkita..."
Kaligtasan muna dahil kailangan ka ng Inang Bayan.
Kung ako tatanungin ninyo, hindi ako papayagan makipagkita kahit kailan.


Masarap ang tumawa ng buong maghapon lam nyo ba?