inhinyero wrote:Maari nyo po ba akong turuan kung panu maglagay ng mga avatar?
Tingin ka sa bandang itaas sa kanan ng window at pindutin mo ang "Profile". Dadalhin ka nito sa iyong user panel.
Doon sa pinaka baba ay may "browse" button. Pindutin mo ito at hanapin kung saan naka-save sa computer folder mo ang larawang gusto mong maging avatar. Tapos pindut mo dun ang "open" button. Tapos pindot mo dito ang "submit" button.
PAALALA: Ang iyong larawan ay hindi dapat lalaki sa 6KB kaya kung malaki ang iyong larawan ay resize mo muna ito gamit ang "paint" softare ng iyong computer. Paano magresize? pindutin sa "paint" editor ang "image" drop down menu tapos pindutin ang "stretch/skew". kung gusto mo paliitin, yung 100% ay babawasan mo. Kunwari mula sa 100% gawin mo parehong 10% ang size. Tapos save. Right click mo sa folder ulit tapos click "properties" tapos tignan mo kung di na siya lampas ng 6KB. Kung malaki parin balik ka ulit sa "paint" at paliiitin mo pa ulit hanggang sa maging 6KB na ito.
Good luck!
