Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

palimos ng kaalaman (forum at domain name)

Humingi o magbigay ng tulong ukol sa pag-gamit ng forum dito.

Moderator: Lakas ng Amihan

palimos ng kaalaman (forum at domain name)

Postby maldita on Mon Jul 30, 2007 5:09 pm

paano ba gumawa ng mga forum box na tulad ng ganito?
hmmmmm...

o yung mga 'forms'?
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby maldita on Tue Aug 21, 2007 1:37 pm

Eto talaga, para kay Ginoong talisman, saan niyo
nakuha ang .org domain niyo? Binili niyo ba o naavail niyo
sa mga domain discussions? Hmmmmm. Balak ko kasi
bumili ng .ph o .com.. payo naman po.
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Re: palimos ng kaalaman

Postby Talisman on Tue Aug 21, 2007 8:13 pm

maldita wrote:paano ba gumawa ng mga forum box na tulad ng ganito?
hmmmmm...

o yung mga 'forms'?


Sadyang naka-template na ito. Ang kailangan mo lang ay matutunan kung paano magset-up mula sa isang forum provider. PM mo nalang ako tungkol dito. :wink:
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby Talisman on Tue Aug 21, 2007 8:21 pm

maldita wrote:Eto talaga, para kay Ginoong talisman, saan niyo
nakuha ang .org domain niyo? Binili niyo ba o naavail niyo
sa mga domain discussions? Hmmmmm. Balak ko kasi
bumili ng .ph o .com.. payo naman po.


Binili ang ".org" domain :wink:

Kung bibili ka ng domain name ay dapat yung ayon sa iyong website.

Halimbawa:

.com - may pahiwatig na ang iyong website ay tungkol sa mga commercial na produkto o serbisyo.

.net - " " " tungkol sa larangan ng network technology, internet business, website building business.

.org - " " " tungkol sa organisasyon o online community.

.ph - ito ay bago lang. naisip na rin namin bilhin pero ito ay mas mahal. Nakita rin namin na hindi ito mas kilalang domain sa karamihan kayat madali itong makakalimutan ng tao.

--- gabay lamang. :wink:
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby maldita on Tue Aug 21, 2007 8:50 pm

Maaari ko ba pindutin iyong Download our Forum Toolbar?
Hmmmmm.. Nais ko sana magtayo ng isang blog para sa akin com site
para sa mga bata o para dun sa grupo kong tinayo dati. Hmmmmm.
Kaso.. sadyang idyoto ako sa teknolohiya. Haha :D Dumudums aking Uts :D



Talisman notes:

1. Edited "cum" to "com".

maldita, wag mo na gagamitin ang "cum" dahil hindi maganda ang ibig sabihin nito sa ingles
:wink:
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby Talisman on Tue Aug 21, 2007 9:55 pm

Hindi ba maari na gawan na lang kita dito ng sarili mong Blog Column? Ano ba ang nakikita mo na limitasyon kapag dito mo ilulunsad ang iyong Blog o Community?

Ano ba ang balak mo ipangalan sa iyong domain? Baka sakaling mabigyan kita ng libre na may kasama pang email account.

Puwede mo ba sabihin kung ano ang "purpose at objectives" ng iyong itatayong "community" o "blog"?

Gusto kita tulungan kung may maidudulot na magandang "butterfly effect" para sa Bayan ang iyong domain/blog/community.:wink:
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby Talisman on Tue Aug 21, 2007 10:05 pm

maldita wrote:Maaari ko ba pindutin iyong Download our Forum Toolbar?


Maari. Pero di naman talaga ito kailangan kung ang iyong PC ay pribado, kaya wag mo na i-download.

Maganda lang ito i-download kapag sa mga internet cafe upang ma-abot ang karamihan ng ating agimat at paro-paro. :qperyodiko:
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby maldita on Sat Aug 25, 2007 8:33 pm

Talisman wrote:Hindi ba maari na gawan na lang kita dito ng sarili mong Blog Column? Ano ba ang nakikita mo na limitasyon kapag dito mo ilulunsad ang iyong Blog o Community?

Ano ba ang balak mo ipangalan sa iyong domain? Baka sakaling mabigyan kita ng libre na may kasama pang email account.

Puwede mo ba sabihin kung ano ang "purpose at objectives" ng iyong itatayong "community" o "blog"?

Gusto kita tulungan kung may maidudulot na magandang "butterfly effect" para sa Bayan ang iyong domain/blog/community.:wink:


Kuya, masyado po atang marami ang mga gusto kong mangyari o plano... Hmmmmm.. baka maguluhan ka.. kasi ako, hindi ko maisequence.. :( o maorganize..
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby Talisman on Sun Aug 26, 2007 8:49 pm

Mag PM ako sa iyo at nang ma-ayos natin ang iyong plano.

Pakibasa mo nalang bunso :wink:
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby maldita on Wed Sep 05, 2007 7:11 pm

Salamat sa PM Kuya ko :qkiss:

Eto na.. Medyo natagalan. Hmmmm. Generalized po ito.

Isang forum/community para sa mga kabataan --- hindi lang mga pinoy --- kundi sa ibang lahi din. Nais ko magtaguyod ng internasyonal na samahan na maglilipon sa mga sunod na tagapagmana ng henerasyon. Mga susunod na mga duktor, sundalo, guro, konsul, abogado, senador atbp. Balak kong maging opisyal ang grupo.

Mahihirapan kaya ako kung gagawin ko na agad na internasyonal? O magtarget muna ako ng mga kapwa ko munang kabataang pinoy?

Nais kong maging generalized ang mga issues sa komunidad na ito. Tulad din ng ibang forums. Pero tiwala pa din akong magkakaron ako ng maliit na populasyong kaisa sa ibang makabuluhan at seryosong layunin tulad ng charitable works atbp.

Ang pangalawa ay isang personal website/blog. Dito ko din balak ilagay ang mga Travel blogs ko (Nais ko kasing libutin ang Pilipinas), Magreview ng iba pang website, ipost ang mga akda ko at ilagay pa ang ilang bagay na pampersonal. Pero hindi ko masyado ito prayoridad.

Pangatlo ay isang cyber mall o market. Kung saan ay pwede makapamili at magbenta ang lahat ng taong kunektado sa internet na parang normal na mall. Hindi lang personal na negosyo o kita ang target nito kung hindi ang sobrang pera ay gagamiting pang pondo para komunidad na nais kong itaguyod.
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby Talisman on Thu Sep 06, 2007 4:14 pm

Okey...mahusay :wink: .

Medyo kulang pa sa konting detalye na lang. Ano ba ang misyon ng iyong itataguyod na website at blog (specific mission). Tulad dito sa agimat ay, ibalik ang dating ganda at ka-ayusan ng Pilipinas, burahin ang mga umiiral na maling kulturang pinoy.

At paano makakatulong ang iyong website/blog sa iyong misyon? Tulad dito sa agimat ay, magtala ng mga mapanukso ngunit mapayapang pagbabahagi ng karunungan/opinyon/suhestyon sa isang newsletter at forum board.

At sa iyong target market, marami na ang may teen websites at forum, ano ang kakaiba sa iyong itataguyod? Tulad dito sa agimat, nililipol lang natin ang may pagmamahal sa Bayan na gusto ang ipinahayag na misyon. Kakaiba ang ating forum dahil opisyal na tagalog ang usapan at madalas na tungkol sa Bayan at ang pagkamakabayan ang usapan.

Kumbaga, bunso, saan tututok ang iyong itataguyod?

Bakit ko tinatanong ang mga ito? Para makasiguro ka ng mga "loyal" na miyembro na babalik at babalik sa iyong website/blog.

Huwag kang mag-alala tutulungan kita mabuo ito, basta kailangan ma-asinta mo muna ang direksyon ng iyong plano, :wink:
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby maldita on Tue Jan 15, 2008 7:45 pm

Hahahay! &6%8@#!

Nagdudugo utak ko, waaah!
Nakabili na ko domain at webhost,
kaso napaka yabang ko, hindi
naman ako madunong gumawa..

Tulong :( :( :(
Nagmamakaawa..
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby Bb. Balakutsa on Wed Jan 16, 2008 1:43 am

paumanhin bunsoy, wala akong maitutulong sayo...

dumaan lang para magparamdam

HI sa nyong dalawa :)
Ako ay Pilipino!
User avatar
Bb. Balakutsa
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 70
Joined: Fri May 04, 2007 4:30 am

Postby Talisman on Sat Jan 19, 2008 2:59 pm

Saan mo ba binili ang web domain name mo at ang iyong webhost?

Tignan ko kung matutulungan kita :roll:
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby maldita on Sat Jan 19, 2008 8:58 pm

Dito ko po binili: Eweb.com.ph

Wala talaga akong alam, hehe,
Sira pa naman pc ko.. kailangan ba talaga
may sariling pc para makagawa?

Tulungan niyo lang ako gumawa ng webpage or simpleng background..
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Next

Return to Suportang Teknikal

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron