Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

Pamamaalam ni sipnay_at_sining; Pagdating ni Gumamela

Kung ikaw ay baguhan sa Agimat.org, isulat sa forum na ito ang iyong pagpapakilala.

Pamamaalam ni sipnay_at_sining; Pagdating ni Gumamela

Postby Gumamela on Sun May 27, 2007 5:22 pm

Magandang araw muli! Nais ko lamang iparating na si sipnay_at_sining ay namaaalam na. Masyado kasing nakakulong sa aking larangan ang pangalang iyon. Ngunit...

Heto na si Gumamela --- bulaklak na ang kahulugan ay... "Delicate Beauty" o sa wikang Filipino, "Maselang Kagandahan".

Matapos ang mahaba-habang pagninilay-nilay, naisip kong ito na lamang ang gamitin kong pangalan. Naisama ko rin sa aking mga pinagpilian ang Sampaguita, na ang ibig sabihin naman ay "Amiability" o pagiging masiyahin. Kaya lamang, wala akong kuha ng sampaguita sa aking koleksyon ng mga larawan. Gusto ko sana'y sarili kong kuha (o kahit ng aking mga kaibigan katulad ng gamit ko ngayon) ang aking gagamitin. Arte.hehe.

Maselang kagandahan...

Hindi dahil sa pinapalagay kong ako'y maganda. Hehehehe. :qwave:

Para sa akin, ang ibig sabihin nito ay...

---May katangi-tanging buhay at yumi na mahirap ipagpalit sa iba.
---Kapag pinabayaan, madali itong mawawala.
---Kailangan ng maiging pag-aalaga, sapat na panahon at "effort" upang panatilihin ito.
---Kung gugustuhin, maaari pa itong lalong pagandahin. Para lalong umangat ang kanyang kagandahan sa iba.

Hindi ba't ganito rin ang ating bansa? Ang Pilipinas ay isang bansang napakaganda -- mula sa pinakamalalalim na karagatan hanggang sa pinakamataas na mga bundok. May katangi-tangi itong gandang hindi maaaring maihambing sa iba. Ngunit marami nang nagpapabaya. At nakakatakot na dumating sa puntong ang Pilipinas ay parang isang tuyot na bulaklak na lamang.

Ang gumamela ay maaaring magbigay ng paalala sa atin kung ano ang ating layunin, bilang mga magkakapatid sa samahang ito --- na pangalagaan ang MASELANG KAGANDAHAN ng ating bansa... sa lahat ng aspeto --- pisikal, moral, at pagiging isang tahanan ng mga Pilipino. Kaakibat nito ang ating ginagawa ngayong pagmumulat sa iba nating mga kababayan upang maisip rin nilang pangalagaan ang Pilipinas.

Naaadik na ata ako sa pagpo-post.hahaha.

Sisikapin kong gampanan nang maayos ang lahat ng aking mga tungkulin bilang miyembro.

Sa ngayo'y bumubuhos ang napakaraming gawain--sa trabaho, dito, at sa iba ko pang mga pinagkakaabalahan. Buti nalang ako'y reyna ng kangaragan. :lol:

Mabuhay tayong lahat! :qgrouphug:
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby Talisman on Sun May 27, 2007 5:55 pm

Isa na namang nakakadala na panulat mula sa dating sipnay_at_sining :qstreamer:

Mabuhay! :qthumbsup: :qdance: :qpinoy:
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby Mariposa on Mon May 28, 2007 3:52 pm

Mas gusto ko ang bago mong pangalan :qthumbsup:

Nagustuhan ko rin ang iyong paliwanag ukol dito :qhappylove:
Image

"Aking adhika makita kang sakdal laya."
Mariposa
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 47
Joined: Thu Apr 19, 2007 5:07 pm

Postby Gumamela on Wed May 30, 2007 9:28 am

Salamat, Talisman at Mariposa!

Mabuhay ang mga superhero ng Pilipinas!
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby maldita on Mon Jul 30, 2007 7:29 pm

Mas gusto ko po ang Gumamela :qthumbsup:
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby makahiya on Fri Aug 17, 2007 9:35 am

Opo, napakagandang pangalan ng Gumamela. Nagustuhan ko din po ang iyong ipinalit na pangalan. :)

Kakaaliw, merong Mariposa, Makahiya, at Bubuyog ay.. Maldita pala.. sadyang ang ating samahan ay nagtataglay ng iba-ibang katangian tulad lamang sa ating bansang Pilipinas, ibat-ibang anyo ang mga mamamayan, at pilit na pinapaganda at pinapabango ang ating bansa para sa ikakauunlad ng ating bayan.

Mabuhay ang lahat. :)
Nagmamahal sa bayan, nagmamahal sa sarili.
User avatar
makahiya
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 32
Joined: Fri Jun 01, 2007 1:45 pm

Postby ampon_ng_sumilao on Thu Jan 24, 2008 11:54 pm

hehehe nakakatuwa at may gumamela dito hehe, may blog ako tungkol sa gumamela haha.

heto ang ilan sa nilalaman:

siguro kung magkakaruon ng pagkakataon at ako ay magiging isang halaman nanaisin kong ako'y maging isang gumamela... bilang halaman... madalas itong pitasin, upang mapaglaruan ng mga batang nagiilusyong matanda na sila at marami nang alam. ang bulaklak nito, ang madalas nakaipit at ibinabalanse sa gilid ng mga tenga ng dalagang pilipina. ang dahon naman ay dinidikdik at inihahalo sa tubig para maging laruan ng mga bata. nakakabuo ng mga bula mula dito. bulang malalaki. maliliit. madami. kakaunti. depende sa pormula ng dami ng dinikdik na dahon kumpara sa tubig na inihalo.

bilang babae... ako DAW ay seksingtsik na nililingon, nililigawan, at iniibig kuno, ng mga batang nagiilusyong matanda na sila at marami ng alam. ipinagmamalaki ako kung mamalasing masusungkit ang puso ko... pero hindi sila marunong makuntento... hahangarin nila ang bula mula sa katas ng pinitpit kong kaluluwa... depende kung gaano kalalim ang sugat na nalikha... kung ilang balde ng luha at dugo ang pinadanak... ang mga karanasang ito ang bula na lalabas ngayon sa mga kwento't saluobin kong ilalahad...

ah hindi pala siya blog entry talaga pero welcome sa blog entry ahehehe.

hmmmm hmmm. baka hanapin na ninyo kung sino ako ahehehe. bat ba kasi ako nagtatago ahahaha. ^_^

at kagaya ng mga panulat mo... bunga ito ng dinikdik mong kaluluwa at pusong, nagdurugo para sa pagmamahal sa Inang Bayan.

mabuhay ka gumamela! (nyaks may kamaong itinataas? haha)
...para sa Diyos, Bayan at Kapwa!
User avatar
ampon_ng_sumilao
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 83
Joined: Sun Jan 20, 2008 11:55 am
Location: brgy san vicente sumilao bukidnon

Postby Gumamela on Fri Jan 25, 2008 9:39 am

Napakalalim naman nun ampon_ng_sumilao (ang haba!hehe.) . . . Pero tama ka run. . . Ramdam ko ang pagdikdik na iyon sa aking puso't utak. . .
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby ampon_ng_sumilao on Fri Jan 25, 2008 11:20 am

bininyagan ako ni talisman ng palayaw hehe ampy na lang daw hahaha... :P
...para sa Diyos, Bayan at Kapwa!
User avatar
ampon_ng_sumilao
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 83
Joined: Sun Jan 20, 2008 11:55 am
Location: brgy san vicente sumilao bukidnon


Return to Pagpapakilala

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron