Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

Pareng Erap

Gumawa ng mga pagbobotohan o lumahok sa mga ito.

Moderator: Lakas ng Amihan

Nararapat ba ang sintensyang iginawad kay Erap?

Oo
4
67%
Hindi
2
33%
Ewan
0
No votes
 
Total votes : 6

Pareng Erap

Postby maldita on Sat Sep 15, 2007 4:53 pm

Para sa iyo, nararapat ba ang ibinabang
hatol sa dating Pangulo? Bigyan katwiran.
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby dumudugong_utak on Mon Sep 17, 2007 12:51 pm

Hindi ako magdadalawang isip sa pagsagot ng OO.

Ngunit ano ba talaga ang nais na itanong mo maldita?

Hatol ba o Sintensya ang tinatanong mo na hindi nararapat?

Ang sintensya ay naka-saad na sa batas sa ganuong krimen. Pandarambong at ang sintensya ay kung anong ibinigay ng Sandiganbayan.

Yuong hatol na "Guilty beyond reasonable doubt" maaari pa sigurong pagdebatihan kung sasang-ayon o hindi ang isang tao.

Sa akin sang-ayon ako sa naging hatol na "Guilty"... may mga ebidensya at mga nagpatotoo na itong pandarambong ay naganap nga.

Ang sa akin lamang ay ito:

Mas malawak ang usapin tungkol dito hindi lang yung usaping "nakaka-awa ba o hindi" si Erap sa kanyang kinasadlakan. Sa atin ang ipina-iiral ay "Kung nagkasala may katumbas na kaparusahan"

Ang masakit lamang ay hindi lahat ng nagkakasala ay naparurusahan. Hindi lahat ng mandarambong ay nalilitis man lang. Ang mga Mandaraya nga ay nasa posisyon pa hanggang ngayon.

Ang hamon sa ating mga mamamayan ay ito: Handa ka ba na HANAPIN ANG KATOTOHANAN kapalit ng sarili mong kalagayan?

Sa kaso si GMA ang isinagot natin dito ay nagsusumigaw na HINDI! Kasi takot tayo na MAGHIRAP! Takot tayo na lumubog ang ekonomiya! kaya hinnayaan na lang natin ang ating paghahanap sa katotohanan kasi takot tayo! Pero nuong si Erap ang inakusahan lumabas pa tayo ng kalye upang ipagsigawang gusto nating malaman ang katotohanan! Nakahihiya! nakasusuklam! May kinikilingan ang ating paghahanap ng katotohanan!

Tandaan natin ito... Hindi malalaman na "Guilty" si Erap kung hindi kinasuhan at nilitis... at HINDI RIN KAILAN MAN MALALAMAN KUNG MANDARAYA NGA SI GMA KUNG HINDI SIYA KAKASUHAN AT LILITISIN!

Isang basong tubig lamang ayos na ako... hehehe... :lol:
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby sigawkatutubo on Mon Sep 17, 2007 1:25 pm

hindi ko maintindihan ang kalagayan natin, ako man nag-iisip kung ano ba ang kinaibahan ng ng isang dating pangulo sa isang karaniwang mamamayan na nagkasala o lumabag sa batas? naalala ko ang katagang "The law applies to all, otherwise none" ni Alfredo Lim. Noong nasa Malakanyang si Erap, ang daming galit sa kanya. pagkatapos mapatalsik at humalili ang kasalukuyang pangulo na si GMA naging bida na si Erap dahil ang tingin ng tao siya na ang tama at si GMA ngayon ang masama. Maraming bagay ang gumugulo sa isip ko, ngayon nahatulan ba si Erap ay masusundan ba ng mga paglilitiis sa iba pang pulitiko na lantaran ang pangungurakot at pagnanakaw sa kaban ng bayan? ito ba ang umpisa ng isang maayos at malinis na pamamalakad sa bansa ng mga piniling mamuno at magpalakad ng ating bansa?

Ang hatol kay Pangulong Erap ay nasa "tama" ngunit ang gumugulo sa akin, ito ba'y walang halong pulitika at purong hustisya lang ba? Kung susuriin parang napaganda nito kasi walang pinipili ang ating batas sa anumang katayuan ng isang huhusgaan o hahatulan.

Marahil kung ako ang nagdesisyon sa kaso niya, "guilty" rin ang ibaba ko. Kung tutuusin tayong mamamayang Pilipino ang naloko at hindi sila mismong magkakalaban sa pulitika.
Kung iidolo ka, bakit hindi si Rizal?
User avatar
sigawkatutubo
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 169
Joined: Thu Sep 13, 2007 1:05 pm
Location: tribu bathala

Postby Talisman on Mon Sep 17, 2007 9:11 pm

Napakagagandang punto mula sa inyo, kuya dums at sigawkatutubo.

Nakalimutan nyo nga pala pareho ang bumoto dito, kaya boto na.

Ang tanong ni maldita ay tungkol sa hatol, kaya naman ang sagot ko ay "oo". Ngunit mainam nga rin naman ang punto ni kuya dums kung tanungin din ay ang sintensya (sapat na ba para matakot na ang iba?).

Para sa akin ang mga Pilipino ay sadyang malambot ang puso - likas na ma-awain at mapagpatawad. Ang ugaling ito ay parehong mabuti at hindi. Na-alala nyo noon na marami ang galit kay Erap dahil sa damang korapsyon sa ilalim ng kanyang pamamahala, ngunit ngayung siya'y nalilitis na, marami naman ngayon ang na-aawa na.

Para sa akin, mas ka-awaan natin ang ating mga kapatid na mamamayan na mas naghihirap sa ilalim na "corrupt" na kulturang umiiral sa buong Pilipinas. Dahil sa talamakang korapsyon, huwag na tayong magtaka at bakit marami ang mahirap at marami na rin ang nakaka-isip na manlamang sa kapwa.

Ano ba talaga ang makakatulong na "approach" para makatulong sa paglinis ng korapsyon sa ating mga sistema at kultura? Isa syempre ang i-"enforce" ang batas at hustisya --na hindi ito magmimistulang katawa-tawa lang na kapag umiral na ang awa ay may "pardon" na.

Ang batas ay nandiyan upang protektahan ang mas nakararami. Dapat suportahan at hindi i-"undermine" ng awa sa tao, upang MATAKOT ang titiwali dito.

Kaya maraming na-aabuso at mga abusado dahil may mga taong malalambot ang puso "na wala sa lugar".

Sundot ko pa:

1. Alam ni Erap ang batas una pa man. Alam niya ang ginagawa niya simula pa man.
2. Darating din ang paglilitis sa pamamahala ni GMA kung talagang may dapat suriin. Maaring hindi ngayon ngunit marahil pagkatapos ng kanyang termino.

Tanong ko sa mga nagbabalak mangurakot:

1. Aanhin mo ang yumaman sa pandarambong kung ikaw naman ay kikilalanin sa "history" na magnanakaw?

2. Bakit mo nanakawan ang mga taong sumasampalataya sa iyo at uma-asa. Ganun ka na ba ka-walanghiya?


... ako ay isang basong tubig din at kalmado na rin :wink:
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby maldita on Tue Sep 18, 2007 6:08 pm

Aw. Pasensiya na kung naguluhan kayo.
Ako din, Kung guilty, okay ako dun. PAkiramdam ko kasi
may kasalanan talaga si Erap.

Teka po mga kuya ko, naguguluhan lang kasi ako.
Naisip ko lang naman, jueteng ang issue ni Erap diba?
Ang Jueteng ay 'trip' din ng mga tao, hindi ito sapilitan.
No one's forcing people to play it. Hmmmm. So hindi
kaban ng bayan o gobyerno ang ninakaw niya di ba?

Saka.. Ang pagkakamali lang siguro ay ang Jueteng ay
hindi legal. PEro wala namang masama sa Jueteng, para lang
siyang lotto. Saka kung siya ang utak ng Jueteng, at ngayo'y
nakakulong na siya, bat kahapon tumaya pa ako bentsingko-katorse? haha!

Mautak si Chavit, Inunahan niya si Erap. Pumapel agad para
pag nagkabukasan na ng kaso, hugas na ang kamy niya. Kainis.

Mas malala pa nga ata ang lantarang kalokohan ng
administrasyong Arroyo kaysa sa administrasyon ni Erap.
Nagkataon lang na mas edukado sila kay Erap kaya natatrato nilang ganyan.

Matapang lang sila sakanya -- pero sa ibang makapangyarihang ilustrado
na may kaso ay di nila maganyan.

Wala lang. Obserbasyon ko lang. Wala kasi akong masabing malalim.
Di pa arok ng utak ko.

Ikukuha ko nalang kayo ng tubig -- may yelo ba o wala? :D
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby Talisman on Tue Sep 18, 2007 9:26 pm

Hmmm... matalino ka talaga, maldita. Malalim ka rin mag-isip alam mo yan.

Jueteng at Lotto. Tama na pareho itong sugal, ang isa sa pagkakaiba nila ay ang Lotto ay nagbabayad ng tax -pambuo ng "kaban ng bayan".

Nakakatawang isipin na ang jueteng ay kaya pala naging ilegal ay dahil ito ay wala lang tax na ibinabayad para sa kaban ng bayan. Kung ating titignang mabuti, ito nga ay isang pandarambong o pagnanakaw sa kaban ng bayan dahil ito ay "technically speaking" isang "tax evation scheme".

Kung isa kang matalino at matinong pangulo ng bansa at hindi mo lalagyan ng anumang kalokohan ang iyong pamamahala, bakit mo isasangkot ang iyong sarili sa isang ilegal at "dishonest" na gawain? Alam mo yun, katiwa-tiwala ba talaga ang ganung personalidad?

Si Erap man o hindi ang nasa likod ng jueteng, bakit natakaw sa perang dapat ay pandagdag sa kaban ng yaman? Mas inuna ang pansaraling kapakanan kesa (kunwari ay) unahin na baka puwedeng gawing legal ito at makapandagdag naman ito sa pagpapalago ng kaban ng bayan.

Bakit nga ba di lagyan ng tax ang jueteng para maging legal na ito? Hindi ako eksaktong sigurado kung bakit hindi nga ba.

Tungkol sa ilalim ng pamamahala ni GMA ay marami nga ang may opinyon na mas talamak nga ang korapsyon. Ewan ko ba, lagi kong nababasa na hindi katiwa-tiwala ang pagkatao ng "first gentleman". Marami na ang nagsasabi at nagpapatunay. Naniniwala na ata tuloy ko...

...yung tubig ko ay pwede rin na may iyelo -pampalamig narin ng ulo :lol:
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby maldita on Wed Sep 19, 2007 2:15 am

Tsk. Pero kung iisipin mo kuya, maging legal man ang Jueteng,
magkakaroon ito ng tax. Pero ano? Makukurakot din ito :qduh:
Tsk. Tsk. Legal man o hindi ang pinagnanakawan, malalaman at malalaman
pa din ng taong bayan.

Ayoko din sana paloko sa mga kuno'y matinong nasa gobyerno na
pinipilit gawing legal ang maraming bagay. Parang akitang tao lang.
Kahit legal, nakakapanakaw pa din.

At kasasabi mo lang kay FG, ayan at dawit sa ZTE. Di ko tuloy alam
kung sino ang pasimuno ng kalokohan. Si Ginang ba o si Ginoo?
Pati anak nakikigulo. Empire.. Empire na talaga!

Tsk. Maaari ba akin nalang ang tubig na may yelo? :|
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby kampana on Wed Sep 19, 2007 8:15 am

OO! nararapat lang ang ginawang sistensya kay ERap! nakakaawa man siya ngunit nararapat pa rin siyang maparusahan, dahil noong ginagawa ba niya ang pandarambong inisip ba niya kung ano ang maaring kahinatnan ng kanyang ginagawa, lalo na kung malaman ng mga tao na gumagawa siya ng bagay na maari niyang ikasira at bagay na maaring makapagpabagsak sa kanya?! ang dapat lamang ay lahat ng tao ay maging PANTAY PANTAY pagdating sa mata ng batas iyon walang kinikilingan at kinatatakutan kahit gaano man kataas ang dapat tayong mgapilipinoposisyon ng isang tao, kahit si GMA pa iyan o kung sino pang mga nasa pulitika.
Sa aking sariling opinyon, dapat din tayong kumilos at huwag lamang maghintay na lamang ng maglalakas loob na lumaban sa katiwaliang ngyayari sa bansa. dapat lamang masugpo ito upang tayo ay maging isang maunlad na bansa.
dapat panagutin ang lahat ng may kasalanan, maging si GMA ay nararapat ng napatalsik sa kanyang pwesto noon pa, ngunit parang wala naman ngyari, may isang ebidenya na ngunit parang isinawalang bahala na..

Siguro lubhang nahihirapan pa rin ang mga pilipino na labanan ang nasa matataas na posisyon sa gobyerno. ngunit anong mangyayari sa ating bansa kung hindi tayo matutong lumaban sa mga tiwaling mga opisyal? wala di ba!? dapat matuto tayong lumaban lalo na sa pinaka laganap ngayon na karaniwang ginagawa ng mga naluluklok sa matataas na pwesto.[/font][/font][/size][/color]
User avatar
kampana
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 128
Joined: Mon Sep 17, 2007 8:26 am
Location: sa bahay : )

Postby dumudugong_utak on Thu Sep 20, 2007 11:15 am

Maganda ang inyong palitan ng kuro-kuro. 8)

Nakatutuwang malaman na maraming nakaiintindi o naka-uunawa ng mga nangyayari sa ating Bayan. Tnada lang iyan na hindi nila NALOLOKO ang lahat ng mga Filipino.

Yung punto ni maldita tungkol sa Jueteng na kaso ni Erap. Tama ka na sabihin na ito ay hindi pera na nagmula sa Kaban ng Bayan. Ngunit ang batas laban sa Pandarambong ay sumasaklaw sa proseso ng pagkakaml ng yaman na ginagamit mo ang kapangyarihan mo (bilang Presidente sa kaso ni Erap) upang magpayaman. Isa pa ay ginamit ang perang ibinibigay kay Erap bilang Proteksiyon.

Ibig sabihin nito ay ganito: Kung ang Adhikain na Magpayaman ay mauuna pa sa kapakanan ng nakararami ito ay masama, sa Batas ng Tao at lalong masama sa Batas ng Diyos. Isipan na lamang na gamitin ni Erap ang pera ng GSIS at SSS para makakuha ng komisyon, hindi ba isang kasuklam-suklam na krimen ito laban sa mas maraming taong higit na nangangalangan.

Tungkol sa Jueteng bilang Legal na Sugal: Hindi ako pabor dito. Kahit na bamagpasok ng limpak-linpak na salapi ang Jueteng sa Kaban ng Bayan hindi ko pa rin ito magugustuhan. Iba kasi ang itinuturo ng Sugal sa kamalayan ng mga tao. Itinuturo ng sugal na ang PAGPAPALA ay tsambahan at hindi isang BIYAYA. Sa sugal kasi SWERTE ang nangingibabaw ngunit walang swerte kasi hindi swerte ang PAGPAPALA dahil ito ay isang BIYAYA... ibinigay sa atin ng kusa mula sa pagmamahal at hindi mula sa patsamba-tsambang pamamaraan.

Tama rin kayo na gawin mang ligal ang lahat ng bawal at ito ay pagkakitahan hindi pa rin tayo makasisiguro na uunlad na tayo kung hindi magbabago ang masamang ugali nating "Sarili muna bago ang kapakanan ng iba." Nanakawin lang iyan ng mga kawatan.
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan


Return to Eleksyon at Botohan

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron