Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

Pilipinas pagkatapos ng isang dekada

<img src="http://agimat.freeforums.org/files/agimat/smilies/woohoo.gif">Ito ang forum para sa pangkalahatang paksa. Kung ikaw ay bagong miyembro, patakaran ang magpakilala muna sa "Pagpapakilala" forum sa taas.

Moderators: Kisapmata, Lakas ng Amihan

Pilipinas pagkatapos ng isang dekada

Postby maldita on Fri Sep 28, 2007 5:00 pm

Magaling ka ba sa hula? Kumutob?
Para sa iyo, Ano sa tingin mo ang imahe, pagbabago at estado ng
Pilipinas pagkatapos ng isang dekada?
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby Talisman on Sat Sep 29, 2007 12:43 am

Sa panahong iyon, sa aking palagay, ang epekto ng paro-paro ng ating samahan ay sadyang ganap na. Salamat sa ating sinimulang munting mga pagaypay!
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby sigawkatutubo on Sat Sep 29, 2007 11:14 am

^gaya ng nabanggit ni kaAgimat Talisman, ang ating adhikain ay ganap na. ang mga Pilipino ay isang matatag at mapagmahal na lahi.

Isang dekada, sa ating gobyerno makikita ang mga bagong lider na kapakanan ng mamamayan at bansa ang una sa kanila. Ang mga Pilipino ay kikilalanin sa "cyber space"..
Kung iidolo ka, bakit hindi si Rizal?
User avatar
sigawkatutubo
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 169
Joined: Thu Sep 13, 2007 1:05 pm
Location: tribu bathala

Postby kampana on Mon Oct 01, 2007 11:24 pm

:D tama ang nasabi ni kuya talisman ang kailangan lang ay mas lalo pa tayong pumagaypay ng mas malakas at sana ay dumami pa tayo sa samahan na ito.

na sabaysabay pumagaypay para maging isang napakalakas na pwersa para magawa natin ang mga nais nating magawang mabuti hindi lamang para sa ating sarili kundi maging sa buong bansa natin.

dahil pag sabaysabay tayoisang malakas na pwersa ang maari nating mabuo at malaking tulong ito para sa lubos na magandang pagbabago ng ating minamahal na bansa.

sa pag pagaypay natin pagkatapos ng isang dekada o sabihin mo na rin pag raan lamang ng ilang mga taon kahit sa paraang ito ay magiging maganda o mabuting ehemplo tayo ng ibang kabataan o maging ng mas nakatatanda sa atin nakababasa ng mga napag uusapan natin dito. :D

na lubos nilang kapupulutan ng aral na maari nilang i-apply o gawin kung hawak na nila ang panahon na sila na ang mamumuno.
:D :D
magsisilbing guide ito para sa kanila at para maging mulat sa katotohanan kung anong ngyayari ngayong kasalukuyang taon at maging sa mga susunod pa. :D :D

di po ba?
User avatar
kampana
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 128
Joined: Mon Sep 17, 2007 8:26 am
Location: sa bahay : )

Postby maldita on Wed Oct 24, 2007 4:37 pm

Naisip ko lang, Pilipinas pagkatapos ng isang dekada, bale halos 2020 na iyon.
Iba na ang gobyerno at alam kong may mga katiwalian padin. Maaalis pa ba iyon?
Walang kakuntentuhan ang tao at laging maghahanap ng mali.

Sa teknolohiya siguro'y angat na din tayo. Siguro sa panahong iyon ay natutunan na ng mga taong tangkilikin ang gawang pinoy at imbentong atin.

Ubos na kaya ang nurses natin sa panahong iyon? Hindi ko alam :D :D
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby sigawkatutubo on Tue Jan 29, 2008 11:00 am

Nung nakaraang linggo ay napadpad ako sa mataong lugar na kung tawagi'y "QUIAPO", nagpahula ang isa kung kaibigan at pati na rin ako ay nagtanong.

Tinanong sa manghuhula kung anong mangyayari sa bansa sa mga susunod na taon, sabi sa akin ng manghuhula ay magiging maganda daw ang ekonomiya at dadami ang mangingibang bansa. (sa aking palagay "safe" ang ganitong hula kasi maibabase ito sa kasalukuyan) pero ang nakakagulat ay nang sabihin niyang magiging parte na ang Pilipinas ng isang malaking bansa (naisip ko maaaring tinutukoy ay Amerika ang sasakop).Kahit pa hula lang yun ay napaisip pa rina ko dahil maaaring may batayan o katotohanan ang ganoong hula ng isang karaniwang tao para sa susunod na mga taon sa ating bansa..
Kung iidolo ka, bakit hindi si Rizal?
User avatar
sigawkatutubo
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 169
Joined: Thu Sep 13, 2007 1:05 pm
Location: tribu bathala

Postby ampon_ng_sumilao on Tue Jan 29, 2008 12:27 pm

magiging state na tayo ng America?

wahaha... kaloka.

mabilis ang taon. mabilis ang dekada... at tingin ko kulang ang isang dekada... para... mapagbago ang bayan... sana hindi lang tayo sa forum na ito... di kaya tayo magbuo ng grupong bababa sa mga baranggay? magbibigay ng mga seminar? na layong magmulat sa mga kabataan? sa mga mamamayan?

hindi pagmumulat na anti gob, pero paglalatag ng tapat na kasalukuyang kalagayan ng bansa, at paglalahad ng ugat ng Pilipino... ewan ko just brainstorming din lang... kung paano palalakasin ang pagaypay ng paruparo...
...para sa Diyos, Bayan at Kapwa!
User avatar
ampon_ng_sumilao
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 83
Joined: Sun Jan 20, 2008 11:55 am
Location: brgy san vicente sumilao bukidnon

Postby ampon_ng_sumilao on Tue Jan 29, 2008 12:27 pm

magiging state na tayo ng America?

wahaha... kaloka.

mabilis ang taon. mabilis ang dekada... at tingin ko kulang ang isang dekada... para... mapagbago ang bayan... sana hindi lang tayo sa forum na ito... di kaya tayo magbuo ng grupong bababa sa mga baranggay? magbibigay ng mga seminar? na layong magmulat sa mga kabataan? sa mga mamamayan?

hindi pagmumulat na anti gob, pero paglalatag ng tapat na kasalukuyang kalagayan ng bansa, at paglalahad ng ugat ng Pilipino... ewan ko just brainstorming din lang... kung paano palalakasin ang pagaypay ng paruparo...
...para sa Diyos, Bayan at Kapwa!
User avatar
ampon_ng_sumilao
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 83
Joined: Sun Jan 20, 2008 11:55 am
Location: brgy san vicente sumilao bukidnon

Postby pangdennio on Thu Jul 10, 2008 11:58 am

Eto ang hula ni William Howard Taft, 103 taon na ang nakakaraan. Sinabi niya ito sa isang panayam sa kanya noong 1905:

"I have not come to give you (the Philippines) your independence, but to study your welfare. You will have your independence when you are ready for it, which will be not in this generation - no, nor in the next nor perhaps for a 100 years or more."

Dumating na noong 2005 ang 100 years na sinasabi niya. Kelan lang bumisita na naman si Gloria sa US. Hanggang ngayon, hawak pa din tayo ng Amerika. At mukhang may extension pa ito.

Papayag ka ba? Ako hindi! Kaya tama na ang mahigit 100 taong pagkontrol ng mga Kano sa atin. Panahon na upang ibalik ang kadakilaan ng bansang Pilipinas!

Kaya sa susunod na dekada, dito natin makikita ang unti-unting pagkamulat ng mga Pilipino upang panibaguhin ang kanilang mga sarili at ang ating bayan, banua at ili.
"Never underestimate what few committed individuals can do to change the world."
- Margaret Mead (Ang aking BLOG: Frustrated Writer PUNTA NA!!!)
FOLLOW CHRIST. SERVE THE PEOPLE!
User avatar
pangdennio
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 55
Joined: Thu Sep 13, 2007 3:18 pm
Location: Bulacan/QC


Return to Pangkalahatang Usapan

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron