Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

Unang pagsasaliksik na itinakda kay Gumamela

Mga listahan ng proyekto para sa Agimat.org.

Moderator: Lakas ng Amihan

Postby Talisman on Tue Aug 21, 2007 9:44 pm

maldita wrote:Hmmm. Late na ba ako? Sa tingin ko po ay kung gagawin niyong subjective ay
mas ayos. Sapagkat hindi masyado 'mabigat' sa mambabasa. Pero depende parin sa
inyong prospect na mambabasa, kung tulad ko ba na kabataan o mas matanda pa.


Magandang konsiderasyon, maldita. Magaling! :qthumbsup:
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby maldita on Wed Aug 22, 2007 12:29 pm

Eh kasi po yung ibang mga kasabayang kaedad ko ngayon ay tamad magbasa.
Pansin ko lang po dahil ako talaga ay napapaligiran ng mga age bracket from
13 to 22.. Hmmmmm. Pinipili po nila ang mga binabasa nila. Kaya dapat po ay huwag
masyadong mabigat at kagatin ang inyong pamagat o may malupit na panimula.
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby Gumamela on Wed Aug 22, 2007 2:26 pm

wah.hindi ako makapagpost ng reply.huhuhu.ipinadala ko na kay Talisman at sa egroup ang aking sulatin.

Eto ang kaunting bahagi...

Pilipinas, Makakabangon pa ba?
Paghahambing sa Kaunlaran ng Pilipinas Noon at Ngayon

UNANG BAHAGI: Pagmumuni-muni sa Nakaraan ng Pilipinas

Nakasakay ako sa dyip pauwi mula sa aking opisina. Sa bilis ng pagpapatakbo ni Manong at pati ng mga nakapaligid na sasakyan sa highway, tila naisabay nila sa paglipad ang aking isipan . . .

Ako’y isa sa mga babaeng nangangarap magkaroon ng sariling pamilya balang araw—makahanap ng mapapangasawang kasama kong magtataguyod ng kinabukasan ng aming mga magiging anak. Nakakatuwang isiping maligaya akong namumuhay nang maayos at tahimik kasama ang mga mahal ko—may maayos na bahay na kubo man o konkreto, matinong trabaho, sapat na pagkain, at simple ngunit komportableng damit; walang panahon ng pagkagipit; ang mga bata’y may magandang edukasyon. Masaya, di ba? Napakasarap mangarap. . . .(isusunod ko ang iba kapag umayos na itong browser ko)
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby Gumamela on Wed Aug 22, 2007 6:25 pm

Yehey! Sa wakas. Eto na po... Wala akong mahanap na ibang mga larawang maaaring idagdag sa artikulo. Baka may maidagdag kayo. :wink:

Pilipinas, Makakabangon pa ba?
Paghahambing sa Kaunlaran ng Pilipinas Noon at Ngayon


UNANG BAHAGI: Pagmumuni-muni sa Nakaraan ng Pilipinas

Nakasakay ako sa dyip pauwi mula sa aking opisina. Sa bilis ng pagpapatakbo ni Manong at pati ng mga nakapaligid na sasakyan sa highway, tila naisabay nila sa paglipad ang aking isipan . . .

Ako’y isa sa mga babaeng nangangarap magkaroon ng sariling pamilya balang araw—makahanap ng mapapangasawang kasama kong magtataguyod ng kinabukasan ng aming mga magiging anak. Nakakatuwang isiping maligaya akong namumuhay nang maayos at tahimik kasama ang mga mahal ko—may maayos na bahay na kubo man o konkreto, matinong trabaho, sapat na pagkain, at simple ngunit komportableng damit; walang panahon ng pagkagipit; ang mga bata’y may magandang edukasyon. Masaya, di ba? Napakasarap mangarap.

Ngunit pagkatapos ng ilang minuto kong pagmumuni-muni ay bigla akong nagising dahil sa isang kagulat-gulat na kalabit. Isang babaeng may dalang napakaliit na paslit na tila may sakit, nanghihingi ng limos sa akin. Ako’y naguluhan. Bibigyan ko ba siya ng barya sa kabila ng pagbabawal ng batas? Bakit sila nasa kalsada? Nasaan ang kanyang asawa? Ano’ng hirap ang pinagdaanan niya’t nauwi siya sa ganoong kapalaran? Bago muling umandar ang dyip ay dinukot ko mula sa aking bag ang kaunting biskwit na hindi ko nakain nung merienda. Ibinigay ko ito sa babae ngunit tila hindi siya sumaya. At nag-go signal na. Ang dyip ay muling humarurot paalis.

Nagbalik ang aking pangangarap ngunit ang aking nakita ay hindi na tulad ng nauna. Naisip ko, paano kung sa panahong ako’y magkaroon ng anak ay bigla na lamang nalugi ang kompanyang aking pinapasukan? Paano kung mangyari rin iyon sa aking asawa at sa lahat ng kompanya sa bansa? Paano na mag-aaral ang aming mga anak? At paano na kami kakain? Hindi kaya kami mauwi rin sa gitna ng daan? Ah, sa ibang bansa na lang kami. Ngunit paano? Kung lahat ay lugmok na sa kahirapan? Hindi na kami makakaalis sa Pilipinas maliban na lamang kung may mga anghel na magbubuhat sa aming patungo sa lugar na maaari pa kaming mabuhay nang matiwasay.

Masyado na bang masama ang mga bagay na tumatakbo sa aking utak? Ngunit hindi ito imposible. Kung noong nakalipas na mahigit 40 taon ay masagana pa ang pamumuhay, at magmula noon ay walang tigil nang bumabagsak ang Pilipinas, sa susunod pang 30 o 50 taon, saan na tayo pupulutin?

Sa tuwing nagkukwento ang aking lola tungkol sa payak ngunit maayos na buhay nila mula sa kanyang pagkabata hanggang sa ipinanganak niya ang nanay ko, parang gusto kong bumalik sa nakaraan at doon na lamang mamuhay. Kahit papaano, ang diyes sentimo’y may halaga, makakabili na ng bigas at iba pang mga pangunahing kailangan. Ano na nga ba ang nangyari matapos tayong pagpasa-pasahan ng mga dayuhan, hanggang sa kasalukuyan? Tama, tila dumami naman ang yumaman sa bansa. Ngunit dumarami na rin ang mahihirap. Tara, samahan niyo akong pag-aralan ang iba’t-ibang aspeto na maaaring nagdulot ng sitwasyong kinapapalagyan natin ngayon. Ihambing natin ang noon at ngayon. Mag-isip tayo ng makatotohanang paraan kung paano natin mapipigilan ang unti-unting paglaho ng pamumuhay ng mga Pilipino. Nang sa ganoon, lahat ng tulad kong mga nangangarap magpamilya sa mga susunod na taon ay hindi magdalawang isip kung itutuloy pa ito.
Attachments
Sulatin_bbgumamela_unangbahagi.doc
(155 KiB) Downloaded 1 time
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Previous

Return to Mga Proyekto

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron