Inaalay ko ang kantang ito sa mga bayaning "pinatahimik" ng mga halimaw na makapangyarihan. Salamat at kayo'y nagsilbing inspirasyon.
TAHIMIK
tilamsik ng pulang rosas
Sabi mo'y mabuti nang tahimik
Sabi mo'y mabuti nang ligtas
Sabi mo'y mabuti nang tahimik
Pagkat ang panganib
ay nasa pag-piglas.
KORO:
Huwag mong piringan ang iyong mga mata
Huwag mong pigilan ang pagbuka ng bibig
Huwag mong igapos ang kamay at paa
Huwag mong takpan ang talas ng pandinig.
Tignan mo ang sanggol sayong tabi
Sinasakal ng gutom at hapdi
Sinasaksak ng hirap ng 'yong buhay
Nais mo bang sa ganyan sya lumaki?
(ulitin ang koro)
Damhin mo ang mga manggagawa
Mabuhay ma't mamatay ay walang pinag-iba
Patay na sa mata ng lipunan
Nabuhay lang upang gumawa.
(ulitin ang koro)
Pakinggan mo ang sigaw ng kabataan
Papel at lapis nila'y ipinangbili
ng balang pupuksa sa sarili nilang kapatid...
sarili nilang kadugo...
sarili nila...
(ulitin ang koro)
Wag kang manahimik
Wag kang matakot
Hindi mo lang alam
Mayron na rin sayong nakatutok
Pagkalabit ng gatilyo
Mamamatay kang walang imik
Yan ba ang nais ng yong pananahimik
mananahimik ka nalang ba....?
mananahimik ka nalang ba...?
mananahimik ka...?
mananahimik...?
tahimik...?
