Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

Aking Ina Asan Ka?

Dito ipatalastas ang mga pag-aari o mahal sa buhay na nawawala at hinahanap.

Moderator: Lakas ng Amihan

Aking Ina Asan Ka?

Postby maldita on Sun Jul 29, 2007 2:22 pm

Ako’y naiinggit sayo Pepe. Naranasan mong magkaroon ng isang Teodora Alonzo
na gumabay sa iyong paglaki, nagturo sayo ng abakada’t matiyagang inimulat
ka sa mundo.

Minsan pa’y pakiramdam ko’y sumasapi sa aking pagkatao ang espiritu ng Rizal.
Makabayan, determinado at matapang. Dahil kay Pepe, nag aaral akong mag-French,
mag-aaral ng Spanish at Italian at nagpaplano pang magpakadalubhasa sa Arabic.
Si Pepe ang isa sa mga impluwensiya ko kung bakit ako naging boluntaryo sa iba’t ibang
pang-pamayanan na gawain at magtayo ng sarili kong organisayon. Siya ang
naging inspirasyon kong pumasok sa pulitika sa mga darating na panahon. Minahal ko din lalo ang Literatura at Sining. Iminulat niya sa akin ang pagiging palaban. Wala akong pakialam kung ako ma’y madapa, masugatan man ang mga tuhod basta’t gagawin ko ang aking nais magalit man sila sa akin… tambangan ako sa pag-uwi o ibagsak ako sa aking asignatura. Iniimis ko ang basura ng iba, nangungu’po at opo, pinagmamalaki ko ang Chocolate hills, kumakain ng kwek kwek, sumasakay ng kalabaw, gumagamit ng tambo, nagluluto sa palayok; Iniinda ko ang gutom, diskriminasyon at kritisismo (ano lang ba iyon, katiting pa sa nagawa sa
atin ni Rizal) ---- Dahil sayo Pepe, pinagpupugay ko ang aking pagiging Pilipino.

Iilan pa lang iyan at marami pang iba. At alam ko na sa tamang huwisyo at sa disiplina’y
uunlad ako. At kung mangyari ito’y isa itong hindi mabibiling karangalan.

Sana sa pagtakipsilim ay may isa akong Teodora Alonzo na yayakapin. Na hahalikan sa kamay. Na kakausapin. Isang inang ngingiti sakin. Magagalit sakin. Magaalala. Isang inang ipagmamalaki ako ----- Ang mga bagay na nagawa ko na, ginagawa pa at mga gusto kong gawin pa.

Aking ina nasan ka?

Hindi ko alam kung nararapat ba ang aking gagawin, makakabuti ba o makakasama.
Parang gusto ring tawanan ang aking sarili dahil pakiramdam ko’y para akong si Cedie.

Ah, bahala na.

Pahapyaw sa aking personal na dinadala ay ito. Hindi ko pa nakikita ang aking ina kahit hibla man ng kanyang buhok. Wala akong ma-arok sa aking mga alaala. Isang taon ako't kalahati ng siya'y umalis. Isa siyang TNT na manggagawa sa abroad sa kadahilanan na alam na nating lahat. Siya ay nasa Europa, partikular na sa London na talaga namang isa sa mahirap na pasuking parte ng mundo.

Kinalimutan ko muna ang pagkuha ko ng Masscom o/at Film para kumuha
ng HRMCL na higit na makakatulong sa akin sa pagpunta sa nasabing lugar.
Nakakamatay ang hirap na itago sakanya ang mga nangyayari sa akin dito.
Kailangan kong magtiyaga’t magtiis. Maging independe. Pero minsan ay parang
Ang sarap maging bata at pagpa’baby at magpakampi.

Bagamat nakapag-uusap man kami ng minsana'y may pakiramdam akong pinagkakait niya sakin na siya'y makita ko. Oo, kahit pano’y hindi naman niya ako inabandona. Parang multong nagpaparamdam din naman siya. Mga kapatid, Ako'y nagmamadali ng makita siya sapagkat medyo malubha na ang kanyang sakit. Maliban sa illegalidad ay isa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi siya makauwi. Ano nga naman ang maipapanustos naming dito?

Ina, hindi ako galit sayo.
Paano ko ba sisimulan ang pagtunton sayo?

Sa mga posibleng makatulong at gustong makatulong, maraming salamat po.
Nais ko sana siyang makita. Isang araw ay sapat na. O mas nararapat kong sabihin, gagawing sapat. Sa DFA, Kay Ginang Arroyo o sa kahit sinong nasa kapangyarihan, Tulong po.

At sa kung sino man ang makakatunton sakanya para sa akin, Sa kung sino man ang nakakakilala sa kanya at makakakilala, Sa kung sino mang gustong tumulong sakin sa pagtunton sakanya, Sa kung sino mang gusto magbigay ng payo, Sa kung sino man ang isasama ako sa kanilang mga dasal... At kung sa tingin mo'y ikaw ang aking ina..
Mangyaring padalhan niyo na lamang ako ng pribadong mensahe.

At doon ko na din idedetalye ang kanyang buong pangalan o address na ayon
lang sa aking nalalaman. (Hindi lingid sa inyo na siya ay TNT at ang mga TNT o
illegal alien ay pinaghahanap ng batas)

Alam kong may mas malala pa sa aking kuwento. Mas mabigat. Mas malupit. At kung ikaw iyon at kung may magagawa ako sayo’y handa akong tumulong na abot sa aking makakaya. At kung kailangang lumampas sa limitasyon at depende sa sitwasyo’y tutulong po ako.

At ikaw na kasama pa ang iyong ina, mag-isip isip ka na. Huwag mo na siyang hintaying
mawala bago mo pa mapagtantong mahalaga siya. Masuwerte ka sa aking turing. Ang
pagkakatao’y huwag mo nang palagpasin.

Alam kong hindi ipapahintulot ng Panginoon na ako’y mamatay na hindi man lang
nagkakaroon ng pagkakataon na maramdaman ang pagmamahal ng isang Teodora Alonzo. Ng isang ina --- Dakila’t walang hihigit pa. Nananalig pa din po ako. Salamat po sa ipapadala niyong instrumento at handa din akong iyong maging instrumento.

Mga KaAgimat, Talaga namang pong maraming salamat! :D :(
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby dumudugong_utak on Tue Aug 21, 2007 5:54 pm

Ano ba ang dapat ko na sabihin... naubusan ata ako ng mga salitang magagamit upang ipaabot sa iyo ang aking nararamdaman... pero sinisigurado ko sayo na malayo na maramdaman ko ang awa... dahil ang mga katulad mo ay hindi kinaaawaan... hinahangaan dapat ang mga katulad mo...

Wala akong maitutulong sa pagtunton sa iyong mahal na ina... maliit lamang ang aking network sa lugar na binanggit mo... ngunit hindi ko ipagdaramot ang pananalangin... isasama ko ang intensyon mo...

Huwag mawalan ng pag-asa... at tama ka... may mas mabigat na suliranin pa ang ibang tao kaysa sa iyo... katulad mo kailangan rin nila ang lakas na mayroon ka... sige lang kasama... ilaban mo ang iyong laban... kasama mo kami... 8)
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby maldita on Tue Aug 21, 2007 8:45 pm

Ibsan mo nalang ang aking kalungkutan.
bakit kaya hindi mo ko sayawan :D
La la la la la..

Seryoso.. :shock: Salamat sa panalangin..

Maraming salamat din pala sa aking si Ginoong Talisman.
Siya ang unang nagpaabot ng tulong sa akin at payo.

Haaaaay. Ang lala. Wag nalang isipin. Bago mag 2008
pupunta ako ng Australia para magtrabaho.. Para sa aking ina.
Ayoko tumigil sa pagaaral. Magtatrabaho ako dun.

Isa pa.. natatakot ako mangibang lupa.. :(
Ano nalang mangyayari kay maldita sa teritoryo ng down under? :oops: :? :(
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby Talisman on Tue Aug 21, 2007 9:39 pm

maldita wrote:Haaaaay. Ang lala. Wag nalang isipin. Bago mag 2008
pupunta ako ng Australia para magtrabaho.. Para sa aking ina.
Ayoko tumigil sa pagaaral. Magtatrabaho ako dun.

Isa pa.. natatakot ako mangibang lupa.. :(
Ano nalang mangyayari kay maldita sa teritoryo ng down under? :oops: :? :(


Walang anuman, maldita. PM mo pa sana sa akin ang detalye at ng baka sakali ay matulungan kita mahanap ang iyong ina.


Tungkol sa australia, wag ka mag-alala andun ngayon ang kapatid nating si Penduko. Katulad natin sya na "Buhay na Bayani". Maari mo sya PM at nang ma-aralan ka niya kung anu ang dapat mo ikulos sa lupaing iyon. :wink:
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby Gumamela on Fri Aug 24, 2007 1:15 pm

Hwaw. Nagulat naman ako sa post na ito.hindi ko napansin agad to eh.

Karapatdapat kang ipagmalaki, sapagkat hindi mo hinayaang mapariwara ang buhay mo sa kabila ng mga problemang kinakaharap mo. Magaling!

Sa ngayon ay panalangin pa rin lamang ang aking maitutulong. Wala akong koneksyon sa London. Ang buong samahan ay palagi nang kasama sa aking mga dasal! :)

Magpatuloy ka lamang sa pagsisikap mo, maldita. Suportahan taka. :)
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby dumudugong_utak on Fri Aug 24, 2007 4:44 pm

maldita wrote:Ibsan mo nalang ang aking kalungkutan.
bakit kaya hindi mo ko sayawan :D
La la la la la..

Seryoso.. :shock: Salamat sa panalangin..

Maraming salamat din pala sa aking si Ginoong Talisman.
Siya ang unang nagpaabot ng tulong sa akin at payo.

Haaaaay. Ang lala. Wag nalang isipin. Bago mag 2008
pupunta ako ng Australia para magtrabaho.. Para sa aking ina.
Ayoko tumigil sa pagaaral. Magtatrabaho ako dun.

Isa pa.. natatakot ako mangibang lupa.. :(
Ano nalang mangyayari kay maldita sa teritoryo ng down under? :oops: :? :(

Sayaw lang pa la eh... nyehehehe :qdance: :qbanana

Down under... hmmmm... ipaalam mo lamang sa akin kung papunta ka na sa Australia... may koneksyon na ako diyan... 8) pero saan banda ba ng Australia ang plano mo...
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby maldita on Sat Aug 25, 2007 6:49 pm

Di ko sure. Magtatrabaho daw sa isang farm :(
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby sigawkatutubo on Thu Sep 20, 2007 10:52 am

mahirap talagang mangibang bansa at makipagsapalaran upang maiahon sa hirap ang iyong pamilya sa Pilipinas, saludo ako sa kanila kahit tinitiis nila ang lungkot na malayo sa kaniyang mga mahal sa buhay para kumita at magkaroon ng sapat na pangangailangan ang mga naiwan. Mas mahirap pa ang kalagayan ng mga TNT dahil iligal na, hindi pa regular at patago-tago pa..naalala ko ang pelikulang "anak" at nakita mo ang epekto ng pagkawala ng ilaw ng tahanan para gabayan ang anak. hindi ginusto ng Ina na mawalay ngunit kailangan e. nang mabasa ko ang kwento ni Maldita, sumaludo ako sa kanya dahil sa kanyang pagiging matatag at matapang sa pagharap ng buhay kahit nasa malayong lugar ang kanyang ina. gaya din ng aking kaibigan na TNT ang ama sa Korea at mahigit nang 10 taon nawalay, para lang makapagtapos sila ng kolehiyo at matuguan ang kanilang pangangailangan. hirap talaga kung tutuusin pero nakakayanan ang lahat para sa pamilya..

Iba ang tapang ng Pinoy! may agimat na subok na sa tiis at hirap sa ibang bansa..
Kung iidolo ka, bakit hindi si Rizal?
User avatar
sigawkatutubo
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 169
Joined: Thu Sep 13, 2007 1:05 pm
Location: tribu bathala


Return to Mga Nawawala

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron