[stream]http://www.supload.com/sound_confirm.php?get=41202668.wma[/stream]
DIWA NG GURO
I
Ano ba ang diwa ng isang guro
Sino ba siya sa buhay mo’t buhay ko
Kabayanihan niya’y aawitin ko
Sa lahat ng tao
II
Ano nga ba ang diwa ng isang guro
Ano ang kahalagahan niya sa mundo
Siya ang umakay sa’kin ay gumabay
Sa bawat panahon
CHORUS:
Ikaw ang tangi na bayani ng bawat
Kabataang mayrong pangarap na ang
Buhay ay guminhawa, salamat
Dahil sa’yo ako’y narito
Ang buhay mo ang siyang
Nagbibigay lakas
Ang dulot mo’y tatag ng puso
At talino ng isipan
Salamat, sa paglingap mo aking guro,
salamat
IV
Ano ba ang diwa ng isang guro
Sa ating bayan, siya’y dapat tularan
Sakripisyo niya’y mayrong pagmamahal
Na laan sa bawat isa
V
CHORUS:
Ikaw ang tangi
na bayani ng bawat
Kabataang mayrong pangarap na ang
Buhay ay guminhawa, salamat
Dahil sa’yo ako’y narito
Ang buhay mo ang siyang
Nagbibigay lakas
Ang dulot mo’y tatag ng puso
At talino ng isipan
Salamat, sa paglingap mo aking guro
Salamat, Salamat
