Galing Kay Mariposa: naisip ko lang po, pwede mo po ba ko bigyan nang payo, ang problema ko kasi kapag naka-kita na ako nang problem, kabado na ako at para na akong hihimatayin....matagal bago ko mabawi ang katinuan ko kaya kinakapos ako sa oras pra isolve ang tanong...
Hmmmm... sa totoo lang problema ko rin yan noon. Kaya kong magsagot kapag ako lang mag-isa, at alam ko namang naiintindihan ko ang topic. Kaso, dahil kulang ako sa confidence, kinakabahan ako pagdating ng exam. ANg pinakamabisang paraang nasubukan ko noon ay:
PRAKTIS. Noong kolehiyo (parang ang tagal na eh no), nakita ko ang kaibahan kapag nakapagsagot ako ng mga 10 pataas na mga problems at exercises at kapag binasa ko lamang ang lesson. Tapos, paulit-ulit kong sinasagutan ang isang numero. Hanggang sa magamay ko ang paraan ng pagsolve dito. Minsan, pumipikit ako at parang tinuturuan ko ang sarili ko kung paano gawin yung problem. Nakatulong ito ng malaki nang nasa "proving" na kami. May mga binibigay na statement tapos gagawin namin yung proof. Kapag pinag-aaralan ko ang estilo, nakakaubos ako ng mga limang papel para lamang sa isang klase ng statement.
Kapag ganun ang ginagawa ko, pakiramdam ko palagi, kahit anong ibigay sa aking pagsusulit, kayang-kaya ko.
Minsan nakakatulong din yung pagguhit ng mga larawan na may kinalaman sa problem na ginagawa mo. Pag exam na, at dinaan mo sa pagguhit ang kaba, nakakarelax.
Sana nakatulong.
