Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

read

Kung ikaw ay baguhan sa Agimat.org, isulat sa forum na ito ang iyong pagpapakilala.

read

Postby kampana on Tue Jan 29, 2008 7:47 am

Ang mga kabataang PILIPINO
ay sadyang mapupusok na nga ba?
at sobra na ang pagkarebelde?
malamang oo,
bakit?
dahil sa mga pinakikita nilang
di magandang ugali
at kilos.
base na lamang sa
ating nakikita,
di ba?
sobra na talaga ang ibang kabataan
di na sila marunong
magbigay ng respeto
maging sa nakakatanda.
iyon ang bagay na
hindi ko lubos maisip
at matanggap
na ginagawa ngayon...
pati masasamang bisyo pinasok na!
sana man lang maisip nila
na hindi ito makabubuti
sa kanila
maging sa reputasyon ng ibang pilipino.
hindi ba???

sana mapag- isipan ang mga maling ginagawa....

---ngunit sa kabila ng iyan
ang maipagmamalaki ko
sa mga kabatang pilipino sa ngayon
ay matatatag at
malakas ang loob,

--- ngunit sa kabila ng iyan
kahit magandang katangian iyan,
dapat malaman nila
ang limitasyon at kung paano
gagamitin
ang mga katangiang ito
ng
tama at nasa lugar,
hindi ba?
User avatar
kampana
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 128
Joined: Mon Sep 17, 2007 8:26 am
Location: sa bahay : )

Postby sigawkatutubo on Tue Jan 29, 2008 10:35 am

Iba na talaga ang mga kabataan
Dahil na rin sa kapabayaan
Ng ilang magulang ay nawawalan
Mga tamang asal at gawi'y napapabayaan

Sisihin ba natin sila
Dahil hindi nagabayan ng tama
O sasama na lang tayo sa nakagawian na
Dahil ito na ang bagong paniniwala

Ang kabataan dapat pangalagaan
Umpisahan dapat ito sa tahanan
Ng hindi na maimpluwensiyahan
Ng masamang asal at kalokohan



--
sigawkatutubo™
Kung iidolo ka, bakit hindi si Rizal?
User avatar
sigawkatutubo
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 169
Joined: Thu Sep 13, 2007 1:05 pm
Location: tribu bathala

Postby ampon_ng_sumilao on Tue Jan 29, 2008 1:50 pm

kailangan bang sagutin kita
sa paraang ang aking mga salita
ay sasayaw sa saliw ng tugma
paano kung ako'y hindi makata

susubukan kong manganak
ng salita at ng di dugo ang dumanak
sa mainit na usapin at talakayan
nawa sa dulo tayo ay magkaintindihan

naniniwala akong may malaking kaibahan
ang kabataang kahenerasyon ko ngayon
mapusok at rebelde ika nga ni kampana
respeto'y naiwala na ngang tuluyan kaya?

pero alin bang masama sa pagkamapusok
isa ba itong ugaling nakakasulasok?
di ba ito ay nangangahulugan lamang
na di sa kanya nawawala ang isang paninindigan?

marami sa aking kapwa kabataan
kung mamatyagan ay rebeldeng mapupulaan
subalit alin bang mali sa aming pagaaklas
di ba ito patunay na di kami sa mali aangkas?

matuwid na tanong ang sigaw ni katutubo
sisisihin ba sila sa halimbawang tayo ang nagsubo?
ang kaugalian ng kabataan ngayon
ay bunga lamang ng mga henerasyon nuon

hindi ko rin ibig sabihing pumayag na lamang
sa makabagong paniniwalang nakagawian na
hindi rin tamang magbulagbulagan ang nakakakita
gabayan natin sila, tayong mga nakakaunawa

ang kanilang kapusukan lagyan ng direksyon
ang kanilang ideyalismo'y lagyan ng dimensyon
bigyan sila ng respeto para may pagkunan sila nito
magingat tayo at maging mabuting halimbawa mismo

magtiwala sa kakakayahan nila at kabataan
magtiwala sa maiaambag nila sa ating lipunan
dahil kung bibigay na tayo sa kanila
paano pa ang sabi ni Pepe sila ang ating pag-asa?


____
dinugo ako duon ah...
oo nakikita kong bumaba na nga ang kalidad ng kabataan ngayon, subalit kasalanan natin ito, hindi sila ang may nais nito... di sila mamumunga at di nila maabot ang rurok ng pagkamulat kng walang maghuhubog sa kanila. nasa ating nakakaintindi ang dapat na umunawa at patuloy na umasang may pagbabago sa kanila... ang pag-asang ito ang siyang pag-asa ko rin para sa bukas ng Bayan... pag hindi na tayo umaasa sa kabataan, wala na rin palang pag-asa ang Bayan, sila kaya ang magiging presidente, o opisyal sa mga susunod na taon... kilos tayo... alagaan ang kabataan... para sa Bayan.
...para sa Diyos, Bayan at Kapwa!
User avatar
ampon_ng_sumilao
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 83
Joined: Sun Jan 20, 2008 11:55 am
Location: brgy san vicente sumilao bukidnon


Return to Pagpapakilala

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron