umuwi ako sa aming probinsya noong nakaraang Disyembre at nakita ko ang malaking pagbabago sa mga nakagawiang paglalaro ng mga bata ang dating agawang beis ay napalitan na ng DOTA.
ang paglalaro ngayon ay ibang-iba sa panahon noong hindi ganoong kilala ang teknolohiya sa ating bansa lalo na ang kompyuter.
Nakakamis ang 'baril-barilan' na napalitan na ng 'counterstrike'
Nakakamis ang 'bahay-bahayan' na napalitan na 'friendster'
Nakakamis ang pagbibisikleta kasama ang mga kapwa bata na ngayo'y sinira ng 'Need for Speed'
Nakakamis ang kantahan sa kanto kasi naman nauso ngayon ang 'youtube'
Nakakamis ang teks at goma ngayon wala na kundi 'gameboy advance at psp'
Kayo anong laro ang namimis niyo?
