hindi ko alam kng nakakatawa nga ang aking kwento pero ibabahagi ko na rin..
kada linggo nakasanayan ko na ang magkape sa labas ng bahay sa umaga dahil ito lamang ang araw na wala akong pasok. bibili ako ng 3-in-1 na kape at 6 na pisong pandesal, yan lang ang almusal ko sa umaga. may pinsan akong 6 yrs. old, maaga din siyang nagising sa araw na yun at sinabayan na rin ako sa labas. inumpisahan ko sa pagsasawsaw ng pandesal sa aking mainit na kape at kita ko ang pagtataka sa mata ng pinsan, hindi siya umimik. pinagmamasdan niya ang bawat sawsaw ko sa pandesal. tinanong ko siya kung gusto niya, iba ang tugon niya niya "Kuya, bakit mo hinuhugasan sa kape mo ang pandesal?"..natawa ako sabay sagot "para mamatay ang germs kasi mainit ang kape"...hindi na siya nagtanong ulit, nang maubos ko na ang pandesal na binili ko, pumasok ako para kunin ang dyaryo at nang bumalik ako, nagulat ako wala nang natira sa kape..tinawag ko ang pinsan ko at tinanong ko kung asan ang kape ko..sabi niya "Kuya, tinapon ko na, tapos mo nang gamitin di ba?"..sus! ginoo mali pala ang sinabi ayun tuloy wala na akong kape..




