Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

The Shawshank Redemption

Dito ilagay ang mga U-tube, video clips o mga movie reviews.

Moderator: Lakas ng Amihan

The Shawshank Redemption

Postby Kuya Joemz on Thu Feb 14, 2008 9:05 pm

Image

Category: Drama
Rating: 5 out of 5!

Di ako masyado mahilig sa drama pero ito ay 5/5 sa akin dahil talaga namang nakaka-engage ang bawat eksena.

Istorya ito tungkol sa dalawang convict - si Andy (Tim Robbins) at Red (Morgan Freeman) na nagkakilala na sa loob ng piitan. Apparently ang pelikulang ito ay hindi masyado kumita sa takilya ngunit sa DVD market ito ay mas naging tagumpay. Kung bakit mas kumita pa sila ng lubos sa DVD ay di talaga nila matiyak, ngunit sa aking palagay hindi lang naging ma-ayos ang kanilang naging marketing strategy sa takilya. By "word of mouth" sumikat ang pelikulang ito sa larangan ng DVD. Isa ako sa nasabihang maganda ang pelikulang ito kaya ako na-enganyong rentahin sa isang DVD shop. Lubos kong ikinatuwa ang aking pagkakapanood.

Ang istorya ay umiikot sa buhay bilang preso, kasabay ang mga values ng isang pagkakaibigan at ang mga pagtatanong ukol sa katinuan ng isang pagkatao. Maraming eksena ang nagbigay pansin sa akin ukol sa pag-asa at ang kabutihang likas sa bawat tao. Ako ay nalawlaw sa mga eksena na sumusubok sa pagkatao ng isang preso sa gitna ng mga di conventional na mga character at kabuhayan sa loob ng piitang institusyon. Kahanga-hanga ang istorya at ang acting skills ng mga nabanggit na mga artista.

Masasabi kong mas nagustuhan ko ito kesa sa "Green Mile". Mas nakaka-iyak, mas nakaka-antig.

Isang inspirasyon.
"Ang tunay na yaman ay ang mabuhay sa isang lipunang may tunay na pagmamahal sa kapwa"
Blog ko
User avatar
Kuya Joemz
Hinaplos ng Agimat
 
Posts: 28
Joined: Wed Jan 09, 2008 5:04 pm
Location: Australia

Return to Pinilakang Tabing

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron