Anak ng kamote ang araw na ulit na ito.
Bakit nga ba ako ay nandito parin namamaluktot sa pagkabalisa. Bakit nga tila madalas ang iyong minamahal ay walang tenga.
Gusto ko sumigaw, sa hapdi ng damdamin. Bakit nga ba ako ay naghihirap imbes na napagiginhawa ng pag-ibig?
Anak ng kamote eto na naman ako, nag-aantay na buksan nya ang kanyang telepono, gayung nangako sya na hindi na nya gagawin ang ganito. Alam naman nya na nahihirapan ako kapag ganito. Bakit nagagawa niya pa rin? Gayung sinasabi nyang madalas ay mahal nya ako.
Eto ako ngayon, naglalasing na hindi naman ako lasinggero. Umiinom, nagbabakasakali na malunod ang sakit ang lungkot sa dibdiban.
Bakit nga ba ang Panginoon sa itaas itinalaga na makakramdam ka ng sakit sa walang pakundangang trato ng iyong minamahal.
Ang mundo, ang buhay, lasingin na lang kaya ng hindi na mamalagi ang sakit na nararanasan. Bakit i nya ako pinakikinggan talaga sa aking mga kahinaan? Sabi ng kanyang mga labi minamahal nya ako, ngunit ngayon, eto na naman ako namimilipit sa ka-iintay na mabuksan man lang nya ang kanyang telepono.
Lobat? Bakit hindi ba sya maaring makisuyo g text sa kanyang mga kaklase at kaibigan? Piso! Mas mahal pa ang halaga ng piso kesa sa mapalagay ang aking damdamin. Ano ako, isang aso na iniwan sa bahay at kapag sya ay dumating na ay papagaypay parin ang aking buntot sa pagsalubong sa kanya? Gusto na ba talaga ang isang aso kesa sa tao?
Tao ako, marunong magdamdam. Anak ng patola hindi ako robot na pipindutin lang isang buton ay okey na. Kalapastangan na sa aking pagkatao. Ngunit eto ako, ang buwisit na puso ay matigas ang ulo! Isang gago! Isang bobo! Bakit nagpupumilit lumigaya gayung inasa ang ligaya sa katawang liban sa kanya. Ungas na puso!
Inom! Inom! Lunodin ang ungas. Eto ba ang mapapala sa sinabi nilang pagmamahal? Unagas na puso.
Haay.... buti pa ang alak ngayon, kasama ako. Buti pa ang alak kahit minsan lang kami magkatagpo nagagawa nyang kalimutan ko ang nararamdamang hapdi. Gayung hindi naman buo, eto naman ang kapalit, lalo palang makakaramdam ng lunos sa sarili--anak ng timawa!
Eh ano kaya ang masasabi niya? Lahat na ng pumapasok sa isip ko lalo akong napag-aalala. Wala na ba kahit awa itong nagpaksasa sa kilos ng aking pagmamahal?
Ang bobo nya kung tutu-usin. Ang hirap maipakita ang larawan ng sariling kong karanasan. Ako ay nakakramdam na ng panghihina..sa katawan at kaluluwa.
Sandali, ako ay susuka muna...
