Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

sino pumatay kay ninoy aquino? alam naba ng Pilipinas?

Dito mag-simula ng mapag-dedebatehan o kaya'y lumahok sa mga ito.

Moderator: Lakas ng Amihan

sino pumatay kay ninoy aquino? alam naba ng Pilipinas?

Postby unang_sigaw on Thu Jun 28, 2007 1:05 pm

nong panahon kasi ng Marcos, Sila na ang masugid na magkalaban ni Ninoy at hangang sa ipinahuli at ipinakulong ito, sa dahilang leader daw sya sasamnahang NPA mabigat ang paratang ni Marcos kay ninoy na ikinasama ng loob ng mga filipino hangang sa nagkaroon ng sakit si Ninoy na mga doctor pa ng mga Marcos ang gumagamot sa kanya, hangang sa hindi na kayang gamutin pa si Ninoy, dahil sa kakulangan natin sa mga aparato sa larangan ng medicina, humiling si Ninoy na sa America nalang sya magpapagamot hangang pati ang mga especialista nya ay sumang ayon kay ninoy at agad namang pinayagan ni Marcos ang pag punta nya ng America. at doon nalaman ng mga espesyalista na si Sen. Ninoy aquino ay may TANING na ang Buhay nito. at agad namang hiniling ng mga partido ni Ninoy na putulin ang balitang ito na makaratingsa ating Bansa nilihim ang karamdamang iyon, hangang nag karoon ng Idea ang kanyang may bahay ,bayaw at iba pa, na bumuo sila ng Plano na kelangang maging Bayani si Ninoy sa ating Bansa sa kanyang pagkamatay ngunit papano kong mamamatay lang sya sa kanyang karamdaman, hindi mangyayari ang plano na maging bayani sya, 1983 Taon ng kanyang taning sa kanyang karamdaman at ito ang taon na syay bumalik ng Pilipinas ayaw syang pauwiin ni Marcos, sa dahilan ng magulo at ikasasawi nya pero lingid sa kanila na alam na pala ni Marcos ang kanilang plano hindi na nagsalita si marcos tungkol dito napagplanohan nila ninoy at kanyang may bahay bayaw at iba pa nyang kapaetidosa america palangay kasama na ni Ninoy saseroplano ang babaril sa kasnya at kilala nila, pagdating ng Puilipinas nakahanda na yong katawan ni GALMAN, si galman ay Bangkay na Patay na to hindi pa man dumadating ang eroplano ni ninoy na sinasakyan nya. ang bangkay ni GALMAN ay nakasakay sa truck na may hagdanan at sa ibaba likod ng hagdanan ng eroplano doon itinulak agad ang Bangkay ni ninoy. hindi pa nababaril si Ninoy Hayun nakahiga na kagadang bangkay sa lapag, nakakatuwa, pero bakithindi napatunayan ni Cory ang Pagkamatay ng kanyang asawa nong syay naging presedwnte, Meron ba syang itinatagong lihim hangang ngayon sa Pagkamatay ng kanyang asawa? natupad ba ang plano nila na maging bayani si Ninoy? kayo ang maghusga totoo ba o mali ang aking SAPANTAHA? WALANG LIHIM ang hindi naiibunyag, wag sana tayong magpabulag sa maling akala
User avatar
unang_sigaw
 
Posts: 1
Joined: Thu Jun 28, 2007 12:34 pm
Location: TALAHIB

Postby dumudugong_utak on Thu Jun 28, 2007 5:12 pm

The Conspiracy Theory... sa America maraming ganitong klase ng mga conspiracy thoery.. isa na rito ang nagsasabing ang Bansang Amerika di umano raw ang mismong nagplano ng September 11 Terrorist attack... para magkaroon ng dahilan ang America na maglunsad ng giyera sa Gitnang Silangan... Armas at Langis ang motibo...

Bakit raw walang sirang eroplano na makikita sa lugar na kung saan bumangga ang eroplano sa Pentagon... na ang eroplano na ibinangga sa WT building ay Military Plane... marami silang ipinakita na larawan at video na sumusuporta sa conspiracy theory na ito...

Ngayon tungkol naman sa sinasabing pineke ang pagkakapatay kay Ninoy...

Matalino si Marcos... nagsisimula pa lamang sya sa kanyang pagpasok sa pulitika ay ipinakita na niya na mahalaga sa kanya ang linisin ang kanyang pangalan... kung inyong babalikan ang ating kasaysayan malalaman natin na siya pa mismo ang nagtatanggol sa kanyang sarili...

Nasaksihan ng Pilipinas ito sa kaso niya ng pagpatay kay Julio Nalundasan... matalino at magaling na batang abogado si Marcos dahil nagawa niyang maibasura ang kaso ng pagpatay laban sa kanya na ang nagtanggol sa kanya ay ang kanyang sarili...

Kaya nakapagtataka na hayaan lamang ni Apo Marcos na yurakan ang kanyang pagkatao na hindi man lang siya nagtanggol sa sarili... bakit hindi niya ISINIWALAT ang kanyang NALALAMAN tungkol sa di-umano'y planadong pagpatay ni Ninoy sa kanyang sarili... ano ang motibo ni Marcos upang itago ang di-umano'y planong ito...

Marami akong katanungan sa Teoryang nabanggit...

... bakit hindi man lang halata sa kilos at pangagatawan ni Ninoy na mamamatay na pala siya nuong 1983?
... paano magiging bayani si Ninoy kung ang plano nilang papatay sa kanya ay isang ordinaryong Rolando Galman lamang?
... kasabwat ba ang mga sundalong sumundo kay Ninoy? Kasi sila lang ang may access sa may hagdanan ng eroplano na bababaan ni Ninoy...
... kung kasabwat ang mga militar nangangahulugan ba na hindi naniniwala ang militar sa bintang na lider ng NPA nga si Ninoy?
... yung mga video na kuha na BUHAY si Ninoy sa loob ng eroplano ay peke rin ba? Kasi sabi ng teorya patay na si Ninoy nuong itinulak sa hagdan.
... kung peke ang pagkamatay ni Ninoy mawawala na ba ang 500 bill natin?

Mas marami ata akong tanong... pasensya na... 8)
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby ampon_ng_sumilao on Wed Jan 23, 2008 7:28 pm

hmmm hehehe natawa ako sa kwento.

^_^ pero oo NPA nga si ninoy may ebidensiya ako hehehe. pasensya hindi ko masyadong bayani si ninoy pero hindi naman ako against na bayani siya.

pero may teorya din akong may kinalaman si danding sa pagpatay kay ninoy at hindi siya nahuli nung panahon ni cory dahil hindi maamin ni cory na kamaganak niya ang dahilan ng pagsawi ng mahal na asawa? ewan hahah. may nagkwento lamang.
...para sa Diyos, Bayan at Kapwa!
User avatar
ampon_ng_sumilao
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 83
Joined: Sun Jan 20, 2008 11:55 am
Location: brgy san vicente sumilao bukidnon

Postby sigawkatutubo on Fri Jan 25, 2008 1:13 pm

maraming haka-haka, mga kwentong mag-lolo ang nakalakihan ko na tungkol sa pagpatay sa matalinong si Ninoy ngunit hanggang sa kasalukuyan walang lumabas na kongkretong basehan ang lahat, kawawa ang mga nahuli at nakulong. pero para sa akin naniniwala ako na hindi sa Marcos ang nagpapatay dito dahil walang batayan at rason upang ipapatay niya si Ninoy, una alam niyang maraming makikisimpatya dito kapag napatay gaya nga ng nangyari,ikalawa kung gusto niyang patayin e dapat noon pa man ay kinitil na niya ang buhay nito..isa sa mga nakikita kung anggulo ay ang kuwentong si Danding, dahil alam niya na ito ang paraan para mapasakanila ang kapangyarihan kapag nakuha nila simpatya ng tao at para mabawi ang mga ari-arian nila..yun muna sa ngayon.
Kung iidolo ka, bakit hindi si Rizal?
User avatar
sigawkatutubo
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 169
Joined: Thu Sep 13, 2007 1:05 pm
Location: tribu bathala

Postby ampon_ng_sumilao on Fri Jan 25, 2008 1:24 pm

hmmm yun muna sa NGAYON? may pakahulugan ba iyan? hmmm maka makoy ka ba? may kilala akong ganyan. ikaw kaya yun? haha.

tungkol sa sig mo magandang tanong pwede rin hehe... pero mas idolo ko si Bonifacio although parang mas Rizal ang pagkilos ko. siguro kaya idolo ko si Bonifacio dahil hindi ako siya haha off topic na ako.

may dahilan din si marcos na pumatay. agitated na siya eh, bka nagpanic na. oo nga maling taktika dahil naging bayani pa ang kaaway niya. pero when your back is against the wall lahat na ng katangahang taktika magagawa mo. narinig ko sa isang tiyuhin ang anggulo kay danding, pero may isa pang weird din na anggulo na hindi pwedeng idismiss... CIA daw ang pumatay? hehe ewan ko.

interesante, dahil misteryoso.
...para sa Diyos, Bayan at Kapwa!
User avatar
ampon_ng_sumilao
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 83
Joined: Sun Jan 20, 2008 11:55 am
Location: brgy san vicente sumilao bukidnon

Postby sigawkatutubo on Thu Feb 14, 2008 3:31 pm

KaAgimat Ampy, sa akin palagay hindi ganun kahina ang istratehiya ni Marcos upang putulin ang damong nakaharang sa daanan ng hindi niya tinitingnan ang mga tinik nito. ibig kong ipawari ay bakit pa hindi pa nila pinapatay sa pamamagitan ng pagpapasabog para palabasin aksidente ang lahat dahil kung tutuusin hawak na nila ang lahat ng kapangyarihan. Ang anggulong CIA ay hindi na bago, lahat naman ng mga nangyayari sa buong mundo (lalo na ang mga asasinasyon sa mga lider o mataas na lider ng isang bansa ay iniisip ang ganun anggulo). Maaari rin nga ito dahil sa hindi nila kayang pababain sa pwesto si macoy kaya dapat isakripisyo ang isang Ninoy, hindi nila kayang kontrolin at gawing papet ng mga Kano.Hindi malayo na CIA/amerika ang may utak sa pagpatay kay Ninoy.
Kung iidolo ka, bakit hindi si Rizal?
User avatar
sigawkatutubo
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 169
Joined: Thu Sep 13, 2007 1:05 pm
Location: tribu bathala

Postby dumudugong_utak on Tue Feb 26, 2008 10:00 pm

Ganun pa man ang Pagpatay kay Ninoy ang siyang nagbigay ng lakas ng loob sa mga Filipino na lumaban na sa diktador na si Marcos.

Pamilya man niya o si Marcos nagpapatay sa kanya ay misteryo itong dapat lutasin ngunit hindi ito bubura sa katotohanang si Ninoy ang naging sagisag ng pakikipaglaban ng isang ordinaryong Juan dela Cruz sa isang makapangyarihang rehimen.

Kung hindi napatay si Ninoy maaaring Marcos pa rin ang may hawak ng kapangyarihan sa ating bansa. Kung hindi napatay si Ninoy baka hinuhubog ko ang aking anak sa isang armadong pakikibaka.

At kung si Gloria ay magtatangkang manatili sa puwesto lagpas 2010 siguradong mababawasan ng tao sa kapatagan at magsisikip sa kabundukan.

Panginoon, huwag mo namang ipahintulot na ito ay mangyari. Amen.

Teka... bakit si Gloria nanaman nasangkot sa usaping Ninoy... hahaha... lalabas nito si Gloria pa nagpapatay kay Ninoy eh... evil talaga iyang babae na iyan... nyhahaha :lol:
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby pangdennio on Thu Jul 10, 2008 11:21 am

dumudugong_utak wrote:[color=orange]Ganun pa man ang Pagpatay kay Ninoy ang siyang nagbigay ng lakas ng loob sa mga Filipino na lumaban na sa diktador na si Marcos.

Pamilya man niya o si Marcos nagpapatay sa kanya ay misteryo itong dapat lutasin ngunit hindi ito bubura sa katotohanang si Ninoy ang naging sagisag ng pakikipaglaban ng isang ordinaryong Juan dela Cruz sa isang makapangyarihang rehimen.

Kung hindi napatay si Ninoy maaaring Marcos pa rin ang may hawak ng kapangyarihan sa ating bansa. Kung hindi napatay si Ninoy baka hinuhubog ko ang aking anak sa isang armadong pakikibaka.

At kung si Gloria ay magtatangkang manatili sa puwesto lagpas 2010 siguradong mababawasan ng tao sa kapatagan at magsisikip sa kabundukan.

Panginoon, huwag mo namang ipahintulot na ito ay mangyari. Amen.

Teka... bakit si Gloria nanaman nasangkot sa usaping Ninoy... hahaha... lalabas nito si Gloria pa nagpapatay kay Ninoy eh... evil talaga iyang babae na iyan... nyhahaha :lol:


[align=justify]Hindi na ako magtataka kung lahat ng mga Pilipino ay sumapi sa armadong pakikibaka oras na pahabain pa ang termino ni Gloria. Pero sa tingin ko malabo na ito mangyari ngayon.

May pakialam ang mga Pilipino sa mga nagaganap sa ating bansa pero hindi sila handang kumilos dahil sa wala silang makita na magandang alternatibo ngayon.

'Di tulad noong pagkakapaslang ni Ninoy, kahit papaano may alternatibo. Kahit na mga oligarchs din ang pumalit, nagkaroon ng malinaw na linya kung sino ang tama at mali. Eh sa atin ngayon, pare-pareho na lang sila. Wala sa kanilang alternatibo. Kaya dapat na magkaroon ng 'ikatlong pwersa' na hindi manggagaling sa mga aktibista o oposisyon kundi sa mga mamamayang nagmamasid at nakakarami.

Ito sana ang tunguhin ng ating forum. Mula sa internet hanggang sa pagpapakilos ng mga nananahimik ngunit naghahangad ng pagbabagong mamamayan ng Pilipinas.[/align][/color]
"Never underestimate what few committed individuals can do to change the world."
- Margaret Mead (Ang aking BLOG: Frustrated Writer PUNTA NA!!!)
FOLLOW CHRIST. SERVE THE PEOPLE!
User avatar
pangdennio
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 55
Joined: Thu Sep 13, 2007 3:18 pm
Location: Bulacan/QC


Return to Debate

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron