Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

Rizal vs. Bonifacio

Dito mag-simula ng mapag-dedebatehan o kaya'y lumahok sa mga ito.

Moderator: Lakas ng Amihan

Pamabansang Bayani: Rizal o Bonifacio?

Poll ended at Tue Dec 30, 2008 12:50 pm

Jose Rizal
2
67%
Andres Bonifacio
1
33%
 
Total votes : 3

Rizal vs. Bonifacio

Postby pangdennio on Tue Jul 08, 2008 12:50 pm

Hanggang ngayon, madami pa rin ang nagtatalo sa kung sino ba ang karapat-dapat na tanghaling pambansang bayani: si RIzal ba o si Bonifacio?

Mga ilang punto o kaalaman na aking naaalala:

*Sinasabi na mga Amerikano ang nagatalaga kay Rizal na pambansang bayani dahil 'di tulad ni Bonifacio, siya ay edukado at 'maayos ang pananamit.' At dahil sa ang pangunahing dahilan ng mga Kano sa pagsakop nila sa atin ay edukasyon, si Rizal ang pinili nila.

*Si Bonifacio daw ay masyadong radikal at sigurado na kapag ito ang pambansang bayani, maaaring magising ang damdamin makabayn ng mga Pilipino para mag-aklas laban sa mga Amerikano. Habang si Rizal ay 'moderate', naniniwala sa mapayapang paraan ng pagbabago at sa reporma.

*Masyado raw elitista si Rizal. Mula sa mayamang pamilya at sinisimbolo lamang niya ang iilang Pilipino. Habang si Bonifacio ay simbolo ng karamihan ng mga Pilipino na lugmok sa kahirapan at nagsisikap na umahon sa hirap ng buhay.

Ilan lamang iyan sa mga naaalala ko. Pero kayo anong tingin niyo sa usaping ito?
"Never underestimate what few committed individuals can do to change the world."
- Margaret Mead (Ang aking BLOG: Frustrated Writer PUNTA NA!!!)
FOLLOW CHRIST. SERVE THE PEOPLE!
User avatar
pangdennio
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 55
Joined: Thu Sep 13, 2007 3:18 pm
Location: Bulacan/QC

Postby sigawkatutubo on Tue Jul 08, 2008 3:05 pm

Sa aking pananaw si Rizal ay karapatdapat lang na maging pambansang Bayani.

*Masyado raw elitista si Rizal. Mula sa mayamang pamilya at sinisimbolo lamang niya ang iilang Pilipino. Habang si Bonifacio ay simbolo ng karamihan ng mga Pilipino na lugmok sa kahirapan at nagsisikap na umahon sa hirap ng buhay.


sa aking sariling pananaw ay hindi siguro batayan ang lebel ng pamumuhay upang sabihing hindi siya simbolo ng lahat ng Pilipino.oo nga't nakakaangat sila sa buhay hindi gaya ni Bonifacio na laki sa hirap pero hindi natin pwedeng gamitin iyon upang sabihing mas karapatdapat ang isang mahirap sa isang may kaya pagdating sa ganitong usapin..siguro naging batayan din nila ay ang mga nagawa ng isang bayani para sa bansa at lahat ng kanilang naiambag para sa kalayaan ng ating bayan mula sa mga mananakop..ang pakikibaka ng marahas at pakikibaka ng mahinahon ay parehong may magandang hangad para sa bansa kaya wala sigurong lamang o angat dun..
Kung iidolo ka, bakit hindi si Rizal?
User avatar
sigawkatutubo
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 169
Joined: Thu Sep 13, 2007 1:05 pm
Location: tribu bathala

Postby Talisman on Tue Jul 08, 2008 7:26 pm

Di pa yata ako ipinapanganak ay usapan na ito at sadya namang naiintindihan ko kung bakit talaga namang ika nga eh kontrobersyal ang paksa sa kung sino talaga sa dalawa ang kapatdapat na tanghaling "Pambansang Bayani"

Bago siguro tayo magbigay ng kanyang sariling opinyon dito ay marapat lang siguro na alamin muna ang mga kriterya na binuo para matanghal na Pambansang Bayani.

Sa aking pagkakatanda ay ang mga sumusunod.

1. Isang Filipino (kailangan pa bang imemorize yan :lol: )
2. Naging dahilan ng rebolusyong masa o pagbabago para sa sariling lipunang kalahi.
3. May ipinamalas na katangi-tanging pagmamahal sa inang bayan.
4. Nasawi dahil sa pagmamahal sa bayan.
5. Makulay ang naging buhay.
6. Isang magandang uliran ( o modelo) para sa mamamayan.

Pasensya na kung may kulang at kung hindi "accurate" ang mga inilahad kong criteria. Base lang kasi ito sa aking na-alala noong inaral sa social studies sa kolehiyo. Marapat siguro na mangalap pa kayo ukol dito.

Samantala sa aking mga nilahad na "criteria" sa aking opinyon parehong pasado si Pepe at si Kaka.

Balikan natin ang kasaysayan ng rebolusyon Filipino. Sumiklab ang malawakang pag-aaklas para sa kalayaan ng masawi si Pepe, sumikad naman ito dahil sa Katipunan ni Kaka.

Sa aking mata ang katipunan ay isang "brewing potential energy" at ang pagkamatay naman ni Pepe ang syang nagpa-alpas dito. Ang pagkasawi ni Pepe at ang kanyang mga nobela ang syang gumising sa mga natutulog na damdamin. Ngunit pano na-abot ng mga nobelang ito ang mga Filipino? Ito ay dahil din sa tulong ng Katipunan ni Kaka. Ginamit ng Katipunan ang mga nobela at pagkamatay ni Pepe bilang isang "angkop na propaganda" upang hikayatin pa ang maraming Filipino na umaklas laban sa Espanya.

Sa aking palagay walang malawakang rebolusyon nangyari kung dahil lang sa pagkamatay ni Pepe, gayun din naman sa Katipunan ni Kaka; wala ring nangyaring malawakang rebolusyon kung Katipunan lang ang makikita ng mga Filipino. Samakatwid parehong kailangan ang dalawang sangkap upang pumutok ang malawakang pag-aaklas laban sa Espanya noon.

Sino sa dalawa ang nagsisimbolo ng isang Filipino? Sa aking mata, pareho. Totoong mas maraming lugmok sa kahirapan, ngunit yun ba talaga ang gustong imahe ng isang Filipino? Totoong yan ang katotohanan na mas marami ang nasa kahirapan, ngunit anong estado ba talaga dapat ang sisikapin ng isang Filipino?

Sigurado ako na ang gusto ni Kaka ay sundan sya ng maraming Filipinong mahihirap na kahit na nasa gitna ng kahirapan ay malaki parin ang magagawa para sa bayan. Ngunit karugtong nito ay alam ko rin na hindi gugustuhin ni Kaka na manatiling mahirap ang bawat Filipino.

Si Pepe naman ay magandang modelo rin, bagamat mayaman ay hindi itinangi ang kanyang estado sa buhay upang diskriminahin ang mahihirap na kapwa, bagkus isinugal din nya ang kanyang buhay tulad ni kaka sa lahat ng Filipino, mayaman o mahirap.

Kung ako talaga ang masusunod, Dalawa ang gagawin kong Pambansang Bayani.

Ngunit kung ako talaga ay pipilitin pumili, pipili ako base lamang sa mga kriterya na nabanggit. Kung isasama pa ang karagdagang kriterya ay siguradong ibang usapan na ulit :lol:

Ang pipiliin ko ay si Pepe. Iyon ay dahil lang sa aking opinyon na naging mas makulay ang kanyang buhay kaysa kay Kaka. Andiyan ang kanyang mga nobela, mga propesyon, mga bansang napuntahan, mga karanasan sa piitan, mga tula, mga panulat, mga sining, at siguro kahit hindi naman angkop sa pagkabayani ay ang mga babae sa kanyang naging buhay. :wink:

Im sure kung may "kaya" din si Kaka ay maa-ring marami rin syang napuntahan, naipambayad sa pangimprenta ng mga magagawang nobela. Di na sya (si Kaka) madi-"distract" ng kanyang pangangailangang magtinda ng abaniko laban sa oras na dapat ay naigugugol pa niya sana sa Bayan.

Pareho ko silang "Idol". Pareho ko silang "Mahal". Pareho ko silang "pinasasalamatan". Pareho ko silang "tutularan". Pareho ko silang "Ninuno", "Impo", "Kadugo", "Kalahi"...

Sa aking mata pareho silang "undisputed" na Bayani ng aking Pagkatao! :qpinoy:
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby maldita on Fri Jul 11, 2008 11:47 am

Eto na naman ako at ang mga walang kwenta kong mga post :D
(Uyyy.. Kuya T, namiss mo ko noh? Hehe. Miss ko na din si Dums!)

Anu pa ba masasabi ko eh nasabi niyo na lahat?
kupow. lagi nalang ako nahuhuli.

Isang maliit na paliwanag galing sa aking murang utak, para sa akin
si Pareng Pepe pa din. Hindi dahil edukado siya o elitista tulad ng nasabi.
Hindi naman batayan yun eh.

Oo, pareho lang naman lumaban si Pepe at Boni. Oo, at pareho silang
makabayan. Yun nga lang, mas organisado si Rizal at mas nag-iisip.
Relax lang Boni ha, baka tagain mo ko :lol:

Di ba inanyaya ni Boni si Rizal na sumali sa himagsikan? Na di tinanggap
ni Rizal sapagkat naisip niya na walang laban pa ang mga pinoy, sa abilidad
at sandata. Inisip niya ang masasayang na buhay at nagbigay ng payo na dapat
muna magplano ng mabuti.

At tumuloy parin si Boni, at ano ang nangyari?

At sinubukan ding itakas nila Boni si Rizal sa pagkakakulong. Pero tumutol si
Rizal na ayaw niya ng tumatakas.

Siya na din ang nagsabi, idolo ni Boni si Rizal. Kung siya pa
tatanungin mo kung sino dapat ang pambansang bayani baka isigaw niya pa
ng walang mintis ang pangalan ni Pepe.

Dun lang ila nagkatalo. Naisip ni Rizal na maaari namang lumaban ng
walang sinasakripisyo na ibang buhay ng kababayan. Sosyaaal :lol:

Kupow. Pambansang bayani? Titolo lang naman iyan. Nabigyan naman ng rekognasyon
halos lahat. Kaya hindi na dapat to pagtalunan pa :D
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby pangdennio on Mon Jul 14, 2008 10:47 am

Pero ako talaga ah mas hanga ng konti kay Ka Andres kesa kay Ka Pepe.

Ayon pa rin ako na medyo elitista si Rizal. Alalahanin natin na isa rin sa mga dahilan kung bakit siya nagsulat ng kanyang mga nobela ay dahil inaapi ang kanilang pamilya sa Calamba.

Pero sinsabi din na nandoon mismo si Rizal noong bitayin ang GOMBURZA kaya nga inialay niya ang El Fili sa mga ito. Masasabi ko na medyo personal ang dahilan ni Ka Pepe kaya siya lumaban sa mga Kastila.

Samantala si Ka Andres wala siyang personal na dahilan para lumaban sa mga Kastila. Nakita niya ang kalagayan ng mga Pilipino noon at mula doon ay ninais niyang lumaya.

Pero hindi rin naman maitatanggi na idolo nga ni Ka Andres si Ka Pepe.

Tungkol naman sa pagiging handa ng mga Pilipino noong panahon ng rebolusyon, na inaya ni Andres si Pepe na sumapi at ayaw ni Pepe dahil sa hindi pa tayo handa.

Oo nga at medyo may mga pagkabigo. Ngunit, atin rin tingnan na sa unang pagkakataon, napagkaisa ang mga Pilipino at sabay-sabay na lumaban sa mga Kastila. Hindi na iniisip na kami ay Ilokano, Bikolano o Kapampangan. Ang lahat ay mga Tagalog na sa malawak na kahulugan ni Bonifacio ay ang lahat ng mga Pilipino ngayon: mapa-Waray, Muslim, Ilonggo, etc.

Sa aking palagay, masyadong minaliit ni Ka Pepe ang kakayahan natin noon na lumaban.

At hindi na dapat pa maghintay, siguro tama na iyung mahigit 300 taon tayo na napasailalim sa mga Kastila para maghimagsik na.

Pero, (ang dami ko na pero, hehe..) medyo kiling ako sa paniniwala na 'the pen is mightier than the sword.' Pero kung naubos na ang tinta at wala pa ring nagbabago, iyun na ang panahon para mag-aklas laban sa nabubulok na sistema ng ating lipunan. :D

At sagot ko kay sigaw katutubo sa kanyang 'sig', "Kung iidolo ka kay Rizal, bakit hindi rin kay Bonifacio?" :)
"Never underestimate what few committed individuals can do to change the world."
- Margaret Mead (Ang aking BLOG: Frustrated Writer PUNTA NA!!!)
FOLLOW CHRIST. SERVE THE PEOPLE!
User avatar
pangdennio
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 55
Joined: Thu Sep 13, 2007 3:18 pm
Location: Bulacan/QC

Postby Talisman on Wed Jul 16, 2008 6:49 pm

pangdennio wrote:..... Pero sinsabi din na nandoon mismo si Rizal noong bitayin ang GOMBURZA kaya nga inialay niya ang El Fili sa mga ito. Masasabi ko na medyo personal ang dahilan ni Ka Pepe kaya siya lumaban sa mga Kastila.

....... Tungkol naman sa pagiging handa ng mga Pilipino noong panahon ng rebolusyon, na inaya ni Andres si Pepe na sumapi at ayaw ni Pepe dahil sa hindi pa tayo handa.

....... Sa aking palagay, masyadong minaliit ni Ka Pepe ang kakayahan natin noon na lumaban.

........ Pero kung naubos na ang tinta at wala pa ring nagbabago, iyun na ang panahon para mag-aklas laban sa nabubulok na sistema ng ating lipunan. :D


:qninja: Hmmm... sa aking palagay ang mga ito ay kontrobersyal na pagpapalagay na ma-aaring di matanggap sa kalooban ni Pepe at maging ng mga taong katulad ko na malaki ang pagpupugay sa kanya. Bat di kaya natin tignan sa ibang angggulo...

Ang pakikipaglaban para sa kalayaan ng Bayan, sa aking sariling opinyon lamang, ay talaga namang masasabi kong dapat i-personal ng lahat ng mamamayan. Bagamat ang dating ay pansarili, ay hindi naman talaga. Ito ay dahil ang kalagayan ng Bayan ay mismong pansarili ring kalagayan din. Kung "purong"pang-personal nga ang dahilan ni Pepe (bilang personal retribution)ay sa tingin ko ay hindi ito ayon sa iyong "claim" na sa kanyang mga mata ay "hindi pa handa ang mamamayan". Kung personal nga sa kanya ay ano ang pake alam niya ngayon kung hindi pa handa ang bayan gayung pansariling "agenda" lang naman niya ang mas importante sa kanya.

Kung titignan natin ng malalim ay makikita natin na ayaw niyang dumanak ang dugo ng kanyang kapwa mamamayan. Dito pa lang ay bakas ang kanyang "considerations" o "worry" para sa kanyang kapwa sa lahat ng kanyang minimithing kaganapan. Isinasama nya ang mamamayan sa kanyang mga plano diba?

So ano nga ba talaga ang plano ni Pepe? Bakit ayaw nya ng marahas na pag-aaklas? Tignan natin ang kasagutan sa isang magandang halimbawa.

Sana ay makita rin natin na hindi lang si Pepe ang naniniwala sa isang peaceful rebolution. Isang tunay na katunayan ay ang nagawa ni Mahatma Gandhi sa kanyang bansang India laban sa Great Britain. Na kung saan ay nagawa ni Gandhi na pa-alisin ang mga British at gawing independent ang India na hindi gumamit ng marahas na pamamaraan. Nakilala si Gandhi sa kanyang " No to violence" policy at sya ang nagpatunay na posible ito!

Pero mas nauna si Pepe sa policy na ito. Kaya lang mas naging successful si Gandhi sa paggamit nito. Bakas na sana natin na talagang mas malalim ang mga nakikita ni Pepe noong kapanahunang iyon kasya sa nakikita ng karamihang pilipino. Matalino siya, at alam natin iyon.

Ang tinta ay hindi naman kagad nauubos, bagkus ang "pasensya" ang mas nauunang maubos.

Hindi minamaliit ni Pepe ang pilipino noon, mas malalim lang ang nakikita nya para sa ikabubuti ng lahat.

Let us look back through history. Who has the greater glory? Liberators and conquerors who exploited the value of force? Like Genghis Khan, Alexander the Great and Napoleon?

--Or the redeemers and pacifiers against moral decline? Like Christ, Gandhi and Rizal?

Hmmm... Kanino ko ba nabasa ito: " We tend to see things much clearer when eyes are closed"? Alam nyo ba? Nakalimutan ko na eh. :roll:
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby Talisman on Thu Jul 17, 2008 9:13 pm

pangdennio wrote: [align=justify]
Huwag natin ihambing sa Ka Andres kina Ka Genghis, Ka Alexander at Ka Napoleon. Iba ang kanilang intensyon: ang manakop ng ibang teritoryo at lupain. Samantalang si Ka Andres ay pagpapalaya ng ating bayan mula sa mga mananakop. 'Di ba? :)[/align]



Hindi ko isinulat sa taas ang ngalan ni Ka Andres. Bagamat damay sya sa paggamit ng puwersa, ang aking pinupunto ay hindi dapat dahas ang laging marapat na ipamamaraan.

pangdennio wrote: [align=justify]
Si Gandhi, bagamat naging matagumpay siya sa pagpapalis ng mga Ingles sa India, alalahanin natin na matapos ito, naganap ang isa sa pinamakapait na pangyayari sa kanilang kasaysayan: ang paghihiwalay nito bilang India at Pakistan.[/align]


Pero ang punto ay nagtagumpay pa rin sya sa kanyang "No to violence policy". Ang civil war na sumunod na pangyayari ay hindi dahil sa kanyang na-accomplished. Nangyari ang civil war na iyon dahil tumaliwas sila sa "No to violence policy" ni Gandhi.

pangdennio wrote: [align=justify]
Sa Bibliya, bagamat hindi ako isang iskolar upang bigyang pakahulugan ang mga nakasulat dito, sa muling pagbabalik ni Kristo, isang 'rebolusyon' ang magaganap. Ang tuluyang paglilinis ng sangkatauhan. Ang tuluyang paggapi sa kasalanan at kasamaan. At ang paggawa ng bagong sanlibutan.[/align]


Kung ganun mang may mangyayaring paggapi, ay Diyos lang ang may karapatan. Tayong mga tao ay hindi nilalang para sa karahasan. Wala tayong karapatan upang siya ang maghusga kung kailan ang karahasan ay isa nang tama.

pangdennio wrote: [align=justify]
Pero ang tanong, kung wala ba si Rizal, magsisimula ba ang rebolusyon?

Oo. Hindi ko rin naman sinasabi na hindi kailangan si Rizal. Pero kung wala siya sa eksena, hinog na ang sitwasyon noong mga panahong iyon at sapat na ito upang mamulat ang mga Pilipino at palayain ang kanilang bayan.[/align]


Nasagot ko na ito sa naunang pagsagot sa itaas...


Aking payo kung iyong ipahihintulot:

Mag-ingat sa mga pangangaral ng kung sino man (-maging sa akin). Dapat mo munang suriin mabuti bago mo ito tuluyang akapin.

Salamat.
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang


Return to Debate

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron