Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

On Being Anonymous

Dito mag-simula ng mapag-dedebatehan o kaya'y lumahok sa mga ito.

Moderator: Lakas ng Amihan

On Being Anonymous

Postby pangdennio on Mon Jul 14, 2008 11:02 am

[align=justify]Kamakailan ko lamang nalaman na karamihan pala sa mga miyembro ng forum na ito ay nagtatago sa isang alyas. In short, ayaw ipakita ang kanilang tunay na pagkatao 'for security reasons' dahil nga naman sa pambabatikos natin dito sa mga taong nasa poder. Medyo malalagay nga naman sa alanganin ang mga miyembro.

Ang aking pananaw lamag, bakit tayo matatakot kung tayo ang nasa tama?

Siguro kaniya-kanya tayong paniniwala pero hindi ba ito isang pagkaduwag? Kasi kung alam mo na tama ang sinasabi mo, hindi ka matatakot.

Iyun lamang ang ipinagtatak ko sa bansang ito na kung saan takot ang mga nagsasabi ng totoo samantalang ubod ng kakapal ng mukha ang mgs sinungaling at masama. Hindi kaya't panahon na rin upang baliktarin ang sitwasyon?

Wala siguro magagaw masyado na pagbabago ang mga taong 'anonymous' dahil sa sila mismo ay takot na ilantad ang kanilang mga sarili. Iyun lamang ang tingin ko, kayo ba mga ka-Agimat? :)
[/align]
"Never underestimate what few committed individuals can do to change the world."
- Margaret Mead (Ang aking BLOG: Frustrated Writer PUNTA NA!!!)
FOLLOW CHRIST. SERVE THE PEOPLE!
User avatar
pangdennio
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 55
Joined: Thu Sep 13, 2007 3:18 pm
Location: Bulacan/QC

Re: On Being Anonymous

Postby Talisman on Wed Jul 16, 2008 7:28 pm

pangdennio wrote:[align=justify]......Iyun lamang ang ipinagtatak ko sa bansang ito na kung saan takot ang mga nagsasabi ng totoo samantalang ubod ng kakapal ng mukha ang mgs sinungaling at masama. Hindi kaya't panahon na rin upang baliktarin ang sitwasyon?

.....Wala siguro magagaw masyado na pagbabago ang mga taong 'anonymous' dahil sa sila mismo ay takot na ilantad ang kanilang mga sarili. Iyun lamang ang tingin ko, kayo ba mga ka-Agimat? :)
[/align]


Hmmm... ako nga ba ay duwag? --ito ay aking inisip-isip bilang anonymous... :qninja:

Ang buhay daw kadalasan ay isang pagsusugal. Bawat kilos at desisyon ay may katapat na pagtutunggali laban sa "pagkakataon".

Kung masyadong hindi patas ang "odds" at ito ay laban sa iyong "tiyansa", ipagbabaliwala na ba natin ang katalinuhan upang tumaya pa rin sa sugal na iyon? Kung ganito nga ang kondisyon at tumaya parin, masasabi pa ba itong katapangan o isa nang kahangalan?

Ang pakikipaglabang itinataguyod ng Organisasyong Agimat ay hindi naka-pokus sa pisikal na pakikipaglaban. Gaya ng mga ulirang halimbawa na nauna sa akin, ako rin ay hindi sang-ayon sa "di mapayapang pamamaraan". Ang laban ng Organisasyong Agimat ay hindi lipulin ang katawan, bagkus ang labanan ay nasa "isipan ng bayan".

Sa aking opinyon, ang labanan ay hindi ma-iwawagi ng pagpapakita ng isang konkretong pangangatawan, bagkus ay ang paggamit ng katotohanan --na siyang mas may kabuluhan.

Kailangan ko pa bang ihayag ang aking tunay na katauhan sa mga nagagawang kabutihan? At mga pamamaraan tungo sa pagbabago? Pangalan ba ng isang tao ang basehan ng mamamayan upang makita ang kabutihan at katotohanan?

Huwag nating kalimutan na marami sa ating mga kapatid dito na bagamat hindi naghahayag, sila'y gumagalaw parin para sa pagbabago gamit ang kanilang tunay na katauhan.

Marami ring anonymous na may pagsasang-alang-alang sa kanilang pribadong pamumuhay at pamilya. Hindi na nila kailangan pang idamay sa alanganin ang mga walang muang na miyembro ng kanilang pamilya.

Isang pagtutuksong isip:

" Ating tignan, tayo'y lumikha ng nilalang. Gawing malusog at malakas. Huwag turuan ng ka-alaman (katotohanan) at siya'y iwanan sa parang. Asahan makalipas ang panahon, ang kanyang mapanirang kalikasan ay masasaksihan. Ngunit atin siya'y turuan ng wastong ka-alaman (katotohanan), at doon ay may pangakong hinaharap, at ang parang ay pinuno pa niya ng kabuhayan " ~ Talisman :qperyodiko:
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby pangdennio on Thu Jul 17, 2008 5:10 pm

[align=justify]
Kung masyadong hindi patas ang "odds" at ito ay laban sa iyong "tiyansa", ipagbabaliwala na ba natin ang katalinuhan upang tumaya pa rin sa sugal na iyon? Kung ganito nga ang kondisyon at tumaya parin, masasabi pa ba itong katapangan o isa nang kahangalan?


Kaya hindi naging patas ang "odds" at ang "tiyansa" magmula noon ay dahil walang naglakas ng loob upang 'tumaya' dito. Wala rin tayo karapatan na sabihin kung kahangalan ba o katapangan ang ginawa ng taong iyon. Bagkus, dapat natin tingnan: Bakit niya ito nagawa? O bakit niya ito kayang gawin?

Kailangan ko pa bang ihayag ang aking tunay na katauhan sa mga nagagawang kabutihan? At mga pamamaraan tungo sa pagbabago? Pangalan ba ng isang tao ang basehan ng mamamayan upang makita ang kabutihan at katotohanan?


Pero 'di po ba dapat na may 'mukha' ang katotohanan? Dahil sa doon natin malalaman kung ang tunay ba talaga ang katotohanan na iyon at hindi lamang isang napakagandang kwento. Madaling magsabi ng katotohanan ngunit mas mahirap ang maglantad ng sarili upang magsabi ng katotohanan. Sa aking opinyon, mas paniniwalaan ko ang katotohanang naririnig ko kung nakikita ko kung sino ang nagsasabi nito.

Maaari na may 'bias' na ito dahil sa maaaring ma-kompromiso ang katotohan nang dahil lamang sa kanyang pagkatao. Ngunit, it's worth taking the risk. Nakita na natin ito noon pa man. Si Jose Rizal mismo, na idolo ng karamihan sa mga narito, na bagamat gumamit din ng alyas sa kanyang mga ilang panulat, sa bandang huli, hindi na siya nagtago. Imbes na gamitan pa rin ang kanyang mga alyas, inilagay niya ang kaniyang pangalan sa kanyang mga libro. At alam na nating lahat ang naging dulot nito sa ating bansa.[/align]
"Never underestimate what few committed individuals can do to change the world."
- Margaret Mead (Ang aking BLOG: Frustrated Writer PUNTA NA!!!)
FOLLOW CHRIST. SERVE THE PEOPLE!
User avatar
pangdennio
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 55
Joined: Thu Sep 13, 2007 3:18 pm
Location: Bulacan/QC

Postby Talisman on Thu Jul 17, 2008 8:42 pm

pangdennio wrote:[align=justify]
Kaya hindi naging patas ang "odds" at ang "tiyansa" magmula noon ay dahil walang naglakas ng loob upang 'tumaya' dito. Wala rin tayo karapatan na sabihin kung kahangalan ba o katapangan ang ginawa ng taong iyon. Bagkus, dapat natin tingnan: Bakit niya ito nagawa? O bakit niya ito kayang gawin?[/align]


Hindi lahat ng gumagawa ng mabuti ay nais makilala. Ang tanging hangad lang nila ay kabutihan, at ang kabutihan ay sapat na para tularan ng karamihan. Hindi sila mga duwag. Sila'y tunay na tao.

Ako ay nawalan ng ama dahil sa dumi ng pulitika. Mas marami pa sana syang magagawa kung siya'y nabubuhay pa.

Marami pa akong gustong magawa... at wala akong balak mamulitika.

Hindi katapangan at paghahayag (lang) ang tanging nag-iisang kasagutan sa lahat ng paglalaban.

At muli ang aking pakikipaglaban ay hindi talaga nasa larangan ng pulitika, bagkus ay nasa pagbabago ng kultura. Ito ay dahil wala sa pulitika ang kasagutan, bagkus ay nasa kultura.

pangdennio wrote:[align=justify]
Pero 'di po ba dapat na may 'mukha' ang katotohanan? Dahil sa doon natin malalaman kung ang tunay ba talaga ang katotohanan na iyon at hindi lamang isang napakagandang kwento. Madaling magsabi ng katotohanan ngunit mas mahirap ang maglantad ng sarili upang magsabi ng katotohanan. Sa aking opinyon, mas paniniwalaan ko ang katotohanang naririnig ko kung nakikita ko kung sino ang nagsasabi nito.[/align]


Hindi ko kailangan,-maging sino man, na maging Pangulo muna upang gumawa ng pagbabago. Ganun din sa pagiging hayag, hindi ko na kailangan pang ipakilala ang aking sarili upang malaman ng lahat ang katotohanan at sila'y mag-umpisa para sa pagbabago.

Magandang kuwento lang? May sampalataya ako na hindi mababaw ang mga Pilipino, silay may sapat ng pag-iisip para malaman at maramdaman kung ang lahat ng nasabi ay makatotohanan.

Tignan natin ang tunay na may akda ng "Desiderata", hindi talaga alam kung sino sya, ngunit ang kanyang sinulat ay mga katotohanan.

Wala sa mukha ng tao ang katotohanan, bagkus nasa pagsusuri at pagni-nilaynilay mo sa kanyang mensaheng binitawan.

Kredibilidad ng nagsasabi. Dapat mo lang itong tignan kung sa tingin mo'y mapapahamak ka kung siya ay iyong susundin.

Kung ikaw ay para sa mabuting pagbabago, hindi mo na kailangan pang mag-intay ng mukhang matutularan upang mag-umpisang kumilos.

Hindi mo na kailangang makilala pa kung sino ako upang maniwala na may problema sa kultura natin ngayon, di ba?

pangdennio wrote:[align=justify]
Maaari na may 'bias' na ito dahil sa maaaring ma-kompromiso ang katotohan nang dahil lamang sa kanyang pagkatao. Ngunit, it's worth taking the risk. Nakita na natin ito noon pa man. Si Jose Rizal mismo, na idolo ng karamihan sa mga narito, na bagamat gumamit din ng alyas sa kanyang mga ilang panulat, sa bandang huli, hindi na siya nagtago. Imbes na gamitan pa rin ang kanyang mga alyas, inilagay niya ang kaniyang pangalan sa kanyang mga libro. At alam na nating lahat ang naging dulot nito sa ating bansa.[/align]


Suriin muna ang mga kondisyon. Bawat kondisyon ay may karampatang aksyon.

Sana'y makatulong:
Image
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby pangdennio on Fri Jul 18, 2008 11:03 am

[align=justify]Hindi lahat ng gumagawa ng mabuti ay nais makilala. Ang tanging hangad lang nila ay kabutihan, at ang kabutihan ay sapat na para tularan ng karamihan. Hindi sila mga duwag. Sila'y tunay na tao.

...Hindi ko kailangan,-maging sino man, na maging Pangulo muna upang gumawa ng pagbabago. Ganun din sa pagiging hayag, hindi ko na kailangan pang ipakilala ang aking sarili upang malaman ng lahat ang katotohanan at sila'y mag-umpisa para sa pagbabago.

...Magandang kuwento lang? May sampalataya ako na hindi mababaw ang mga Pilipino, silay may sapat ng pag-iisip para malaman at maramdaman kung ang lahat ng nasabi ay makatotohanan.[/align]


[align=justify]Muli, aking paka-uulitin na madali mgsabi ng katotohanan ngunit mahirap na maglantad ng sarili para magsbi ng katotohanan. Huwag natin i-single out ang Desiderata at ang ilan pa na naghayag ng katotohanan kahit pa nagtatago sa isang alyas. Ispesyal na kaso ito at hindi sa lahat ng panahon uubra ang ganitong istilo. Ikaw na mismo ang nagsabi sa pamamagitan ng larawan na ibinigay mo, magkasama ang stratehiya at ang taktika upang makamit ang tagumpay. Kung nakahilig lang tayo sa iisang uri ng pamamaraan ay hindi tayo magtatagumpay.

Akin din namang kinikilala ang naidudulot na pagbabago ng mga tao na hindi nagpapakilala. Pero gaya na nga ng nasabi ko, hindi ito nangyayari sa lahat ng oras. At ang mga taong nakakagawa nito ay iyung mga biniyayaan ng kakaibang karisma na kahit hindi mo ito makita ay paniniwalaan mo. (halimbawa ko na lamang si Bob Ong)

May sampalatay din ako na hindi mababaw ang mga Pilipino, nag-iisip din sila at alam nila kung ano ang tama at mali. Pero ang tanong, bakit hanggang ngayon hindi pa rin tayo nagbabago? Ito ay dahil sa tayong mga Pilipino ay naghahanap ng isang magiging 'icon.' Gaya na lamang ng mga ilang miyembro ng forum na ito na idolo si Rizal. Kung hindi ba dumating si Rizal sa tingin niyo ba ay magiging ganito ang pananaw ninyo sa buhay? Ganoon din sa masa. Aminin natin na naghihintay pa rin sila ng isang 'mamumuno' upang magkaroon ng pagbabago. Makikita natin ang ganitong pag-uugali tuwing eleksyon na kaniya-kanya tayong mga manok. Ang dapat lamang na maiba ay ang 'mamumuno' na ito ay hindi tulad ng mga pulitiko na may mga sariling interes.[/align]

[align=justify]
Kung ikaw ay para sa mabuting pagbabago, hindi mo na kailangan pang mag-intay ng mukhang matutularan upang mag-umpisang kumilos.

Hindi mo na kailangang makilala pa kung sino ako upang maniwala na may problema sa kultura natin ngayon, di ba?
[/align]

[align=justify]Nasagot ko na ito sa itaas. Ang maidadagdag ko lang totoo ito para sa mga taong may katulad natin na pag-iisip. Ngunit, karamihan sa atin ay hindi ganito. Naghahanap pa rin ng mukha upang magsimulang kumilos. Gaya na lamang ng pagpapatalsik kay Gloria. Walang gustong kumilos dahil sa walang mukhang ipapalit sa kanya. Kaya kahit galit na ang lahat sa kanya, nariyan pa rin siya.[/align]
"Never underestimate what few committed individuals can do to change the world."
- Margaret Mead (Ang aking BLOG: Frustrated Writer PUNTA NA!!!)
FOLLOW CHRIST. SERVE THE PEOPLE!
User avatar
pangdennio
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 55
Joined: Thu Sep 13, 2007 3:18 pm
Location: Bulacan/QC

Postby dumudugong_utak on Fri Jul 18, 2008 1:32 pm

Hmmm... maganda ang aking mga nabasa...

May naiwan lang na tanong sa aking isipan... ang aking bang pagiging "anonymous" sa internet ay nangangahulugang ako rin ay nagtatago sa totong buhay...

Naguluhan lang ako... kasi ni minsan ay hindi nagtago sa likod ng anino si Dumudugong Utak sa kanyang pakikibaka... maaaring may dahilan kung bakit dito sa internet ay nagtatago ako... pero hindi ito nangangahulugang pati sa totong buhay ay nasa likod ako ng aking "mga" anino...

Sana tama ang aking pagsabat... tama nga ba ako... kung ako ay nagkamali ipagpaumanhin nyo mga ginoo... muli na lang akong magbabasa ng inyong palitan ng kuro-kuro...
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby pangdennio on Tue Jul 29, 2008 5:34 pm

[align=justify]Wala po mali sa kahit ano sabihin natin. Tayong lahat ay may sariling pananaw at sariling opinyon. Ang layunin lamang ng thread na ito ay para magtunggalian ang isip ng bawat isa upang matuto ang bawat isa sa opinyon nila. :)[/align]
"Never underestimate what few committed individuals can do to change the world."
- Margaret Mead (Ang aking BLOG: Frustrated Writer PUNTA NA!!!)
FOLLOW CHRIST. SERVE THE PEOPLE!
User avatar
pangdennio
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 55
Joined: Thu Sep 13, 2007 3:18 pm
Location: Bulacan/QC


Return to Debate

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron