Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

Public vs. Private

<img src="http://agimat.freeforums.org/files/agimat/smilies/woohoo.gif">Ito ang forum para sa pangkalahatang paksa. Kung ikaw ay bagong miyembro, patakaran ang magpakilala muna sa "Pagpapakilala" forum sa taas.

Moderators: Kisapmata, Lakas ng Amihan

Public vs. Private

Postby Gumamela on Fri Oct 19, 2007 9:40 am

Image

Di ako mayaman. Kaya sa pablik iskul lang ako nag-aaral. Hindi bababa sa 40 ang kasama ko sa aming klasrum. Maingay. Magulo. Hindi kabanguhan. Ang titser namin, kapag dumarating, parang nakakaharap ang isang napakalakas na bagyo.

Marami kaming ginagawa sa paaralan. Ngunit hindi rin naman lahat sa amin ay natututo. Yung iba, walang pakialam kung may pinapasagutan ang guro, o kung may kailangang gawing proyekto. Sino nga naman ang gaganahang mag-aral habang tumatagaktak ang pawis? Pero may mga kaklase akong pambihira ang talino. Mahirap din sila pero hindi ko maintindihan kung paano nila nagagawang maging magaling sa klase kahit walang ilaw sa kanilang bahay. Napakahirap mag-aral nang ganun.

Ano kaya ang pakiramdam ng nag-aaral sa praybeyt skul? Duon may erkon. O kung hindi man, mas maraming gumaganang bintilador. Tapos maayos ang mga upuan. Ang mga kaklase ko, pagandahan palagi ng mga gamit. E paano kaya ako? Maganda rin kaya ang turo duon? Dapat lang. Dapat mas maraming ginagawa kaysa sa amin.

----
Ngayong hayskul, pinag-aral na ako ng nanay ko sa praybeyt. Kasi hindi raw kagandahan ang kalidad ng mga pablik sa lugar namin. Nakakatuwa. Feeling mayaman na rin ako.

Pero ilang buwan pa lamang ako nag-aaral dito, kung anu-ano na ang naranasan ko—suntukin ng kaklase, kulitin na maaari ko na rin sabihing binabastos na ako, hinihiraman ng gamit at hindi na isinasauli, at utus-utusan ng aking mga “kaibigan”. Nung isang araw, sumugod ang nanay ko sa skwela. Paano, yung isa kong kaklase, kinukuryente ako gamit yung bolpen na uso ngayon. Masakit yun. Nakakatakot. Kinausap ng nanay ko ang titser ko. Ang sagot ni Ma’am, “Pagpasensyahan nyo na po, galing po kasing PUBLIC SCHOOL ang karamihan sa mga estudyante namin ngayon kaya magugulo. Dito pa lamang namin hinuhubog ang GOOD MANNERS nila.” Nagpantig ang tenga ng nanay ko, kasi nga naman, galing akong pablik. Sabay bawi ni Ma’am, “Hindi naman ho lahat.”

Bakit ganun si Ma’am? E ang kaklase ko namang nanloko sa akin, sa skwelahan ding iyon nag-aral ng elementarya.

Kapag pablik, parang kakabit na ang mga salitang—mahirap, magulo, walang modo, mahina.

Kapag praybeyt, kabaligtaran daw ng nasa pablik.

Hindi ako naniniwala.
Last edited by Gumamela on Mon Oct 22, 2007 3:04 pm, edited 1 time in total.
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby sigawkatutubo on Fri Oct 19, 2007 11:11 am

ako ay nag-aral sa pablik iskul, noon pangarap ko ding makapag-aral sa isang pribadong paaralan dahil sabi nila mas masipag magturo ang mga guro doon at mas "advanced ang mga libro..gusto ko rin kasing maranasan ang makapagklase sa isang maayos na pasilidad at makagamit ng makabagong kagamitan sa pag-aaral..may kapitbahay kaming nag-aaral sa pribado na kasing edad ko lang, nagkakasabay kami sa pagpasok at kita mo nga ang diperensya, ang mga libro niya bago at marami, ang aki'y luma,kulang-kulang ang pahina at iilan lang..bilang bata nararamdaman mo ang inggit, kapag nag-uusap ang aming mga magulang mas "advanced" ang inaaral nila sa amin..sa reviewer meron binibigay sa kanila, sa amin dapat mo pang kopyahin sa blackboard ang paghaba-habang reviewer..mas inigihan ko ang pag-aaralan kahit sa pablik LANG ako..

Nung Sekondarya na kami, lumipat siya sa pablik kaya nagkaklase kami at dito ay napatunayan ko na mas may kalidad pa ang pinag-aaralan sa publiko dahil ang mga natutunan ko sa pablik ay hindi man lang nila naturo sa pribado, isang indikasyon na ang pablik na laging minamaliit ay hindi pahuhuli pagdating sa mga turo..
Kung iidolo ka, bakit hindi si Rizal?
User avatar
sigawkatutubo
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 169
Joined: Thu Sep 13, 2007 1:05 pm
Location: tribu bathala

Postby Talisman on Sat Oct 20, 2007 11:20 am

Isang taon lang ako nakapag-aral ng pablik at yoon ay noong grade 1. Hindi na ako nag kindergarten. Nag-enjoy ako doon.

Mula grade 2 hanggang makatapos ng highschool ay pribado na ako.

Kolehiyo ay sa isang may magandang reputasyong pa-aralan.

Ang aking opinyon ukol sa Public vs. Private? Ang basehan para sa akin ay hindi ang pa-aralan kundi ang mismong nag-aaral.

Sa kolehiyo ko na nakuha ito... dahil madalas hindi nagtuturo ang mga guro ngunit ina-asahan kaming maipapasa ang mga exam. Nasa samin ang desisyon kung hanggang saan ang aming kakalaping ka-alaman at pag-aaral. Di magagaling magturo ang mga guro ngunit ang pa-aralan ay may napaka-istabilisadong reputasyon na may matatalino at magagaling na mga estudyante na guma-graduate. Ang pasilidad ng pa-aralan ay hindi rin naman kagandahan. Nanumbalik sa akin ang pa-aralang pampubliko.

Ngunit oo, sang-ayon ako na mas maganda at mas madaling matuto kung may magaling magturo na maraming maibabahaging ka-alaman.

Ulit, para sa akin, wala sa school ngunit nasa estudyante ang bola kung magiging matalino, magalang at magaling sya.
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby Gumamela on Mon Oct 22, 2007 3:20 pm

Ako naman, nag-aral sa sikat na pribadong paaralan mula kinder hanggang grade 6. Isa ako sa mga nagiging top 1 ng klase. Pero palagi akong panghapon noon (kadalasan puro mga pasaway na estudyante roon) kasi wala akong pang-advance enrollment.

Nung hayskul, kinailangan kong lumipat sa pampublikong paaralan. Sobrang mahal na kasi ng tuition fee. Sikat na sikat ako nung first year kasi akala nila anak-mayaman ako. Naging pinuno pa ako ng klase at naging kabilang sa student council. Pero nang minsan kong dinalaw yung dati kong eskwelahan at nakita ako ng mga dati kong kaklase, tinanong nila, "saan ka na nag-aaral?" Sabi ko sa public school lang. Tapos nakita ko yung pagkadiri nung isa sa narinig niya. Hindi ko iyon kinalimutan. Oo mas nahirapan akong mag-aral sa public. Pero mas nakilala ko kasi ang aking sarili nung nandun ako.

Hanggang sa nagkolehiyo ako, pinalad din akong makapasok sa isang "maganda" at kilalang pamantasan. Nakakatawa lang. Kasi nagkita-kita kami roon nung mga "honor roll" nung elementarya kami. Humiwalay man ako ng landas sa kanila noong hayskul, nagkita-kita rin kami sa huli. Nagulat nga ata sila.

Tama si Talisman, wala sa skwela yon. Nasa nag-aaral iyon.

Nakakalungkot lang talaga kasi may mga matapobreng tao na masyadong mababa ang tingin nila sa mga nag-aaral sa public.
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby kampana on Mon Oct 22, 2007 4:00 pm

[font=Comic Sans MS]tama si kuya talisman dahil nasa mag-aaral iyon depende na iyon sa kanilang pagdadala at ugali pagdating sa pag aaral..
alam ko iyon at ramdam ko sa mga studyanteng mga nakikita ko. kahit hindi ko man naranasan ang mag aral sa pampublikong paaralan ang ibang classmate ko naman noong highschool karamihan ay nanggaling sa mga pampublikong paaralan,nakikita ko na marami silang natutunan sa kanilang pinanggalingan at nakikita ko sa iba sa kanila ang pagtitiyaga at pagsisikap sa pag aaral...

samantalang ang mga ibang estudyante naman na nag aaral sa pang pribadong ang iba ay hindi sineseryoso ang pag aaral siguro dahil iniisip nila na maganda naman ang kanilang paaralan at yun pangalan ng paaralan nila ay magdadala sa kanila sa kasikatan, ngunit iyon ay mali...

kc minsan ko ng narinig ang ganyang paliwanag sa isa sa aking kaklase at guro...

ako kahit sa kilalang paaralan ako nag aaral ngayon, di ko masasabi na mas maganda ito sa pampubliko o sa mga government school dahil, ang siyang nagdadala din ng karangalan at pag kakakilala sa isang eskwelahan ay ang mga estudyanteng nag aaral dito, hindi iyon masusukat ang isang paaralan kung pribado ito o pampubliko ito..[/font]
User avatar
kampana
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 128
Joined: Mon Sep 17, 2007 8:26 am
Location: sa bahay : )

Postby maldita on Mon Oct 22, 2007 10:54 pm

Ako ay simula ng nag-aral ay pribado ako. Pero naikot ko na ata lahat
ng eskwelahang nakapalibot sa lugar namin sa Bulacan, batangas, maynila.
Makukompara ko ang kaibahan ng mga eskwelahang napasukan ko.
At kahit parepareho silang pribado ay may pagkakaiba pa din sila.

Sa tingin ko ay nasa administrasyon lang ng eskwelahan AT nasa nag-aaral
lang iyan.

MAy mga eskwelahan kasing napakabulok ng administrasyon at para bang
kuntento na sa kaya nilang naibibigay. Hindi sila initiative na magkaron ng
growth ang education sa nasasakupan nila at wala silang pakelam sa nagyayari
sa mga estudyante nila. Walang kuneksyon at concern.

Maaari din namang nasa estudyante lang iyan. Kung gaano man kaganda
ang turo at galing ng nagtuturo, ay walang bisa kung mismong ang tinuturuan
ay walang gana.

Isa pa, kapag hindi disiplinado ang bata ay duon nagkakaproblema.
Kunwari, Natuto ang batang uminom at umuwi ng gabi. Sagutin ang magulang
kahit siya ang may mali at iba pa. Magagalit ang magulang at ang klasikong
linyang "Iyan ba ang tinuturi sayo sa eskelahan?" ay papasok.

Papasok ang bata sa eskwelahan. Maninigarilyo sa loob, babastusin ang guro.
Mangongopya o mananalbahe ng kaklase. Magagalit ang guro at siya ay kagagalitan.
Ganyan ka ba pinalaki ng iyong mga magulang.

At ang dalawang institusyon ay magsasalpukan at magsisisihan.
Pamilya vs. Eskwelahan. Magpapasahan ng sisi na ang talaga namang may ugat
ay ang barkada ng estudyante.

Kaya nasa mag-aaral din iyan, kung magiging masinop lang siya sa barkada
at magiging seryoso sa pag-aaral.

Regardless kung pribado o pampubliko. Mga naalienate nalang na utak ang
naninwalang bulok ang public at maganda ang pribado. Dahil kung alagang ganuon
nga, eh bakit maraming nakikickout sa pribadong institusyon? Bakit mas
kinikilala ang graduate ng UP?

Nagkakatalo lang talaga sa usapin ng pera. Hay.
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby sigawkatutubo on Tue Oct 23, 2007 11:16 am

Pare-pareho po tayo ng pananaw diyan na nasa MAG-AARAL ang din kung paano niya papayabungin at pahahalagahan ang pag-aaral..

Ang tanong ko po "Paano kung parehong masipag at determinado ang dalawang mag-aaral, ang isa sa pribado, isa naman ay sa pablik?"

Balik po tayo sa topiko na tinatalakay natin na kung saan tinitingnan natin ang kaibahan ng pribado sa pablik..

Naisip ko lang, mahal sa pribado, sa pablik libre dahil nga ang institusyon ay sa gobyerno..kailangan bang magtiis ang mga nag-aaral sa pablik sa mga luma at kulang-kulang na libro, masikip at sirang na kuwarto, maduming palikuran, at mga 'obsolete' na gamit? sa totoo lang kahit masipag at determinado ang bata kung kulang naman sa gamit o walang gamit hindi siya makakahabol o makakapantay sa isang nag-aaral na may matinong gamit..

Isa sa halimbawa ay ang kompyuter, sa pablik ang isang bata hindi naka "hands-on" sa kompyuter pero bihasa siya sa lahat ng parte at lahat ng nakasulat sa libro.ang nasa pribado, nakakalikot ang isang kompyuter kahit pa hindi man nababasa ang buong libro..tanong ko po, saan ang mas angat sa kanila pagdating sa sitwasyon na ganyan?

Ganun talaga ang nararanasan namin sa pablik, sampung taon ako sa pablik mula elementarya hanggang nagtapos ako ng sekondarya..mahirap lalo pa't Probinsya iyon.

kung nasa pribado nagsisikap mag-aral, sa pablik doble pa sa sikap ng nasa pribado..
Kung iidolo ka, bakit hindi si Rizal?
User avatar
sigawkatutubo
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 169
Joined: Thu Sep 13, 2007 1:05 pm
Location: tribu bathala

Postby kampana on Tue Oct 23, 2007 1:25 pm

sa tanong ni sigaw katutubo mas nakaaangat ang nasa pampribadong paaralan pag dating jan, dahil alam nila kung paano ang mga pasikot sikot sa pag gamit ng computer, dahil natututo cla sa sarili nilang paraan, at kung may hindi di naman sila maintindihan maaari silang magtanong sa kanilang guro.

sa mga nasa pampubliko naman kahit nababasa man nila sa libro di pa maaring maging sapat ang kanilang kaalaman dahil pano kung pahawakin na sila sa mismong computer??

may posibilidad na malito sila sa kanilang ginagawa..
User avatar
kampana
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 128
Joined: Mon Sep 17, 2007 8:26 am
Location: sa bahay : )

Postby maldita on Wed Oct 24, 2007 4:17 pm

Depende pa din ang pananaw ko. Dahil dito saami'y may dalawang pampublikong eskwelahan. Hayaan niyong ibahagi ko sainyo ang pagkakaiba ng dalawang ito ayon sa pagtingin ko.

Ang isa'y ipagpaumanhin niyo pero talagang kawawa ang lagay nila. Abot isang daan sa isang klase at talaga namang ang mga reference ng edukasyon ay hindi sapat. Walang tamang pag gabay ang mga guro. O di naman kaya ay di nila kaya dahil sa dami? Halos ang karamihan sa ma tineydyer na naiinvolve sa mga gulo ay galing doon.

Ang ikalawa naman ay publiko talaga. Kahoy na mga pasilidad, kulang din sa mga libro. Pero may effort talaga ang mga guro na magkaroon ng proyekto para matulungan ang eskwelahan nila. May isang seksyon sila sa bawat baitang na talagang pili ang bata, kung saan kayang kayang ipagtalbugan sa mga estudyanteng pampribado. Humahataw sila sa mga lokal na kumpetisyon at mga aktibidades.

Depende pa din sa suporta galing sa administrasyon. Pero nais kong sabihin na sa pampubliko kasi, palibhasa'y libre o mura, ay duon nababagsak ang mga bata. Pero di ba dapat maganda ang kalidad nila dahil nasa ilalim sila ng gobyerno? Pansin ko lang kasi na kampante ang gobyerno na basta't may guro ay tama na. Na basta't may mga klasrum ay sapat na.Basta't alam nilang "nakakapagaral" ay okay na. Naisasantabi na nila at nakakatamaran ng ipursige para sa mas magandang improvement.

Sa pribado naman, walang duda na majorit sa private schools ay maganda talaga ang kalidad ng edukasyon. Walang tulak kabigin. KUmpleto at sulit talaga ang bayad. PEro wag natin kalimutan na may mga pribadong eskwelahan pa din sa pilipinas na garapal lang sa pera. Sobra makapaningil at mangikil.

Isang generalized na pagtatapos, ito ay ayon lang sa pananaw ko. publiko vs pribado. Publiko: Kulang sa kompyuter, kulang sa libro at minsa'y outdated pa, hindi sapat ang mga guro atminsa'y kung di man angkop ang mga pasilidad ay kulang o wala pa. Hindi mo rin pwedeng wag pansinin ang hindi competitive enough na ibang guro. Na di naman natin pwedeng sisihin sila dahil alam naman natin ang estado ng pagtrato sakanila. Kulang ang training at ang magagaling ay nangingibang bansa.Sa pribado nama'y in generalized at kung mamimili ka talaga'y ayos naman. Discrimination nga lang minsan at identity crisis ang makukuha ng isang bata. Pero nakakapagbigay naman sila ng balanseng kaalaman sa teknolohiya at ibang akademiko o hindi akademikong mga asignatura.

Kaya para sa akin, isang honest na sagot, Kung ako'y isang magulang na, kung kaya ko naman eh mas pipiliin ko ang pribadong institusyon pagdating sa elemetrya at sekondaryang edukasyon. Ibang usapan kung sa tersiyara na. PEro kung wala talaga, edi publiko na, tulad ng sinabi ko.. Talotalo lang talaga sa pera.
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby pangdennio on Thu Jul 10, 2008 12:08 pm

Ako sa pampribado ako nag-aral at nanghihinayang ako dahil dito ako nag-aral. Mas maganda pa rin sa mga public school. Sabihin na nila na walang disiplina ang mga estudyante (na hindi naman totoo) pero dito talaga mahuhubog ang pagkatao mo. 'Di tulad sa private schools na masyadong strikto at wala ka na halos kalayaan. At ubod pa ng mahal ang tuition.
"Never underestimate what few committed individuals can do to change the world."
- Margaret Mead (Ang aking BLOG: Frustrated Writer PUNTA NA!!!)
FOLLOW CHRIST. SERVE THE PEOPLE!
User avatar
pangdennio
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 55
Joined: Thu Sep 13, 2007 3:18 pm
Location: Bulacan/QC


Return to Pangkalahatang Usapan

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 1 guest

cron