Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

???

<img src="http://agimat.freeforums.org/files/agimat/smilies/woohoo.gif">Ito ang forum para sa pangkalahatang paksa. Kung ikaw ay bagong miyembro, patakaran ang magpakilala muna sa "Pagpapakilala" forum sa taas.

Moderators: Kisapmata, Lakas ng Amihan

???

Postby maldita on Fri Jul 27, 2007 8:15 pm

Inirereklamo ko ang sarili ko. Parang hindi ako nababagay dito.
Hindi maabot ng aking isipan ang mga nababasa ko. Matagal pa
yata bago ako masanay dito. Nakakahiya naman. Iyak tawa nalang :cry: :lol: :cry:
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Re: ???

Postby dumudugong_utak on Fri Jul 27, 2007 10:06 pm

maldita wrote:Inirereklamo ko ang sarili ko. Parang hindi ako nababagay dito.
Hindi maabot ng aking isipan ang mga nababasa ko. Matagal pa
yata bago ako masanay dito. Nakakahiya naman. Iyak tawa nalang :cry: :lol: :cry:


Bakit mo naman nasabi na hindi ka nababagay dito... :(

Huwag mo masyadong pagtuunan ng pansin ang mga isinulat ng ibang kasapi... mas mabuti marahil ay gumawa ka rin ng iyong sariling sanaysay o isang maikling kuwento...

Sa aking palagay ay may maibabahagi ka na maganda para sa grupo... naka-aaliw ang iyong mga isinusulat... kahit ito ay puro pagpapakilala pa lamang o pagtatanong... kailangan dito ang katulad mo... 8)

At kung may mga katanungan ka tungkol sa grupo ay malaya kang makapagtatanong... umasa ka na may magpapaliwanag o sasagot sa iyong mga katanungan... si kasamang Talisman ay parating handang tumugan sa mga katanungan... :D ako kasi iwas sa mga tanong baka matanong ako ng tungkol sa matematika... :D
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby maldita on Sat Jul 28, 2007 10:12 am

Aba'y ako lang ata ang may naiibang pangalan dito. Pero wag kayong mag alala, hindi ako
mananalbahe. Dahil sabi sakin, pag nang away ka daw, magagalit si Jesus :roll:

O siya sige, sisikapin kong maging matino at magsabi ng medyo may kabuluhang mga
post. Para naman isipin niyo na ako'y matino. :qasleep:

At kung hindi na kanais nais sa inyong pagkatao ang pinagagagawa ko dito,
mag-aklas kayo laban sakin at ako'y patalsikin. Maaari niyo rin naman akong batukan.
Yun ay kung kaya niyo. :qstreamer:

Aba'y Kuya Dumudugong utak, kunwari ka pa.. alam ko namang alam mo ang
sagot sa 1+1.. Pero sige.. kung nahihirapan ka, hir ar yur tyoyses:
a)2
b)11
c)magellan
d)call a friend

:qdance: Mga KaAgimat, NO COACHING ha. Hihihi.
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby dumudugong_utak on Sat Jul 28, 2007 3:43 pm

Sabi ko huwag tungkol sa Matematika ang itanong mo eh... pwede ba na gamitin ko ang call a friend... hehehe :P

Mabait naman ang mga tao dito... walang mag-aaklas laban sayo... siguro batukan pwede pa... hehehe... joke only... :lol:

Siguro maganda na ikuwento mo ang tungkol sa pagiging boluntaryong guro mo... duon mo gawin sa pagpapakilala mo sa iyong sarili... interesado ako na malaman ang kadakilaan ng bahaging iyon ng iyong buhay... 8)
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby maldita on Sat Jul 28, 2007 7:02 pm

Ah. kung babatukan niyo man ako ay sige lang.
sige lang. Ichuchumbong ko kayo sige kayo! 8)

Osige magcall a friend ka. Sino ba sa ating mga
KaAgimat ang nais mong tawagan? :?:

May nakita kasi akong maliit na paaralan na nangangailangan
ng boluntaryong guro. Lagi ako dun dalawang beses isang linggo
para mag assist sa mga regular nang guro. Masaya ang gawain.
Dahil sadya akong maboka at mahilig ako sa bata :D

Ako din ay nagboboluntaryong magrepack sa GMA foundation at
nagsstorytell sa mga children's ward sa mga pampublikong ospital.
Minsan lang pag sobra ang allowance. :roll:

At dahil isa akong tineydyer at cellphone ang uso ngayon,
nagtayo ako ng clan sa text. Ito ay ang Astig Society.
At ako na sadyang gusto ng pulitika at talagang nahawa kay Rizal ay
nilayon kong maging kabuluhan ang aking grupong ito (sa maliit lang
na paraan) kaysa sa ibang ordinaryong text clan na nagtetextan
at nagaeyeball-an sa mga mall..

Nagpost na kami ng numero sa iba't ibang tabloid at bulletin ng mga
munisipyo ng kung ano mang lugar na pwede kaya dumami na
kami. Nagpapuppet show kami sa mga kalye, nagpapakain ng mga bata
sa Intramuros at dumadalaw sa mga bahay ampunan. Yan ang ilan
sa aming mga 'eyeball'.

DATI yun. Kasi ako na msimo ang nagbuwag ngayon. Ang hirap ng may mga miyembro
kang hindi mo kaisa sa 'passion' at layunin. Kaya panamantalang nawala ang
grupo kong ito. Ngayo'y nangangalap ako ng mga bagong miyembro
(karagdagan sa ilang mga loyal na naiwan) para magsimula ulit ng bago.
Sana sa agosto'y makahataw uli kami :D Kung hindi ma'y bukal sa loob na kami'y
sasapi na lamang sa Gawad Kalinga :qthumbsup:

At diyan nagsisimula ang kwento. Nyahahahahaha. :qdisco:

Ikaw Kuya Dums (Short for Dumudugong utak. Si maldita ay tamad) magkuwento ka
naman :D
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby dumudugong_utak on Mon Jul 30, 2007 11:18 am

Teka... hindi na kita babatukan... 8)

Lalo mo akong pinahanga sa iyong mga ikinuwento... 8)

Sana mas marami pang kabataan ang tulad mo... at sana mabuo mo ulit ang iyong grupo upangmaipagpatuloy ang inyong mgandang nasimulan... siguro mas makabubuti na huwag masyadong madaliin ang pagpaparami ng kasapi... dahil ang masmahalaga ay hindi ang bilang kundi ang halaga ng mga gawaing iyong ipatutupad... 8)

Sayang... nais ko sana na maging kabilang ng iyong grupo... kaya lang hindi ako handang lumantad ngayon upang humarap sa grupo mo... magkita na lamang tayo sa mga lugar ng ating mga misyon... malay mo... bumulaga na lamang sa tin ang pagkakataon na ito... 8)

Isang pagpupugay sa tulad mong Bayani ng Bayan.... 8)
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby maldita on Mon Jul 30, 2007 11:25 am

Naks naman kuya.. Ikaw pa lang ang nagsabing kami'y kahangahanga :D
Ikaw talaga.. wala ba kong reward kahit candy man lang. Nyihihihihi. 8)
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby dumudugong_utak on Mon Jul 30, 2007 11:43 am

maldita wrote:Naks naman kuya.. Ikaw pa lang ang nagsabing kami'y kahangahanga :D
Ikaw talaga.. wala ba kong reward kahit candy man lang. Nyihihihihi. 8)
Ako pa lang ba... siguro hindi lamang ninyo naririnig ang mga puso ng inyong mga napaglingkuran... pero sisiguraduhin ko sa inyo na nagsusumigaw ag kanilang mga puso ng pagpapsalamat... at iyan ang parangal na hindi kayang tapatan ng kahit na ano mang yaman ng mundo 8) mas higit iyan sa kendi :lol:
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby maldita on Mon Jul 30, 2007 11:48 am

Ano ba ang tagalog ng touch?
Hmmmmm. Di bale... Ikaw talaga
kuya.. Nahihipo naman ako sa
mga papuri mo :qyikes: :qheartbeat:
Tumataba ang aking puso. Eksaharado ba?
Hehehe.

Magkuwento ka naman kuya. Para meron naman
ako ditong kakuwentuhan. :D

Ako'y naeexcite nang makilala sila Ginoong Talisman,
Super Polaris, Ate Gumamela at Mariposa, Bb Balakutsa
atbpa :D

Naaadik na ko dito :qduh:
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby dumudugong_utak on Mon Jul 30, 2007 11:54 am

Ano naman ang ikukuwento... 8)

Sige lang manawagan ka lang at parati naman na dumadalaw ang mga iyan... hindi nga lang nag-iiwan ng mga marka :lol: :P

Napansin ko nga na ina-araw-araw mo ang pagbisita... maganda iyan... ipagpatuloy mo... 8)
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby maldita on Mon Jul 30, 2007 11:58 am

Hindi. Himala lang na kahit marami akong gawain sa buhay kong ito'y
marami pa rin akong bakanteng oras sa eskwela. Irreg kasi ako. Wala
akong kablock pero ayos lang. Hindi ako mapapabarkada. Sa mga panahon
kasi ngayon, mahirap na maghanap ng mabuting barkada. Kaya ang tuloy
ko ay sa internetan na lang, library o canteen. Nananaba na nga ako. :D
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby dumudugong_utak on Mon Jul 30, 2007 9:40 pm

Abah at isa ka palang ulirang mag-aaral... 8)

Hindi ba malungkot ang buhay kung walang barkada... kasi parang kasama na sa sistema ng kabataan ang pagkakaroon ng mga barkada... 8)

Pero tama ka rin... mahirap nga humanap ng kaibigan sa mga panahon ngayon... talamak ang hindi magandang impluwensya... na karamihan ng pinagmumulan nito ay ang barkadahan... siguro kailangan ka nga lang maging maingat sa iyong pagpili ng mgagiging kaibigan... 8)
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby maldita on Tue Jul 31, 2007 10:37 am

Hmmmm.. siguro nama'y makakaya muna ang walang barkada nayong kolehiyo.
Andiyan naman ang mga kaibigan ko nung highschool :D

ang hirap mag aral :(
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby Bb. Balakutsa on Wed Aug 01, 2007 4:00 am

HI sa nyo... hehe.... pano b maglagay ng icons? kakaaliw tlga usapan nyo. tagal ko n dn kasing d nakadalaw d2 dahil sobrang abala sa trabaho. d ko na magawang mag online pagkagaling sa trabaho dahil sobrang pagod n ako pagdating ng bahay. minsan nga alas syete palang yata ay nakatulog na ako.... ayun! nagising ako alas sais n ng umaga ( pasok n ulit ) hihi....

mag-ingat kau palagi lalo na ikaw maldita. wag uuwi ng masyadong gabi at alam mo nmn ang sitwasyon dyan. mahirap na...

un lang.... mabuhay kayo mga kapatid!
Ako ay Pilipino!
User avatar
Bb. Balakutsa
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 70
Joined: Fri May 04, 2007 4:30 am

Postby maldita on Wed Aug 01, 2007 11:31 am

Wawawow! :qhyper: :qhyper: :qhyper:

Hello Bb Balakutsa. Sa wakas at may nakilala na din akong bago..
Wooooo.. Si Kuya Dums kasi lagi ako inaaway.. :qbelat: :qbelat:

Hihihihihi. Salamat po sa payo Binibini. At ikaw naman po ay mag ingat diyan.
Palagi kang ngumiti dahil walang kwenta ang pagiging mayaman kung pangit ka
naman (ano daw?!) Wala lang.

Dapat lagi tayong masaya at positibo.
Kaya tandaan, ang di tumawa, BUNGAL nyahahaha :qhaha:
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Next

Return to Pangkalahatang Usapan

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron