Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

Unang pagsasaliksik na itinakda kay Gumamela

Mga listahan ng proyekto para sa Agimat.org.

Moderator: Lakas ng Amihan

Postby makahiya on Fri Jun 15, 2007 10:47 am

Sige po Bb. Gumamela, Booty capitalism.. di na ako nag-aaral.. at naiiba pa yan sa "field " ko po. Pero subukan natin mangalap ng impormasyon..
Nagmamahal sa bayan, nagmamahal sa sarili.
User avatar
makahiya
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 32
Joined: Fri Jun 01, 2007 1:45 pm

TULONG...

Postby Gumamela on Sat Jun 23, 2007 8:32 am

Mga kapatid kong superhero...

Ako ata'y malapit nang mabaliw.

Napakaraming gumugulo sa isipan ko ngayon, tungkol sa pagsasaliksik na aking ginagawa.

Talisman: Gaano kahaba ba ang dapat kong isulat? May word count ba? Sa tingin ko ay mahalagang malaman ko ito nang sa ganoon, alam ko rin ang magiging takbo ng aking pagkukwento. Nahihirapan kasi akong paikliin ito. Kung lilimitahan ko rin kasi ang pagsusulat, malabong mailagay ko lahat. Dalawang bagay lang ang maaaring mangyari: Ipresenta ko lang lahat ng statistics sabay konklusyon na sa huli (wala nang pagpapaliwanag na mahaba o paglalahad ng kwento sa likod ng mga statistics na lumabas) o, magpaliwanag lang ako ayon sa aking mga nabasa at hindi ko na lalagyan pa ng analysis tungkol sa mga statistics.

Isa pang malaking problema:
Sa aking mga nadaanang babasahin, magkakaiba ang pagtingin ng mga manunulat sa naging takbo ng ekonomiya sa bansa. May isang nagsasabing totoong naging pangalawa nga ang Pilipinas sa Japan noong 1960s. Yung librong nabasa ko ay nagsasabing dahil ito sa pamumuno ni Marcos. Ngunit may iba namang mga sulating nagsasabing "nakita lang ang Pilipinas bilang bansang susunod sa Hapon". Hindi ko rin nagpagtanto nung una na napakalawak na ng nasakop ng aking balangkas. Karamihan sa mga babasahing aking nakuha ay nakatuon sa mga patakarang pang-ekonomiya --- pakikipagkalakalan, mga pandaigdigang sitwasyon, kasama na nga rin ang pamamalakad ng gobyerno, agrikultura. Ang teknolohiya---mukhang hiwalay na pagsasaliksik ang kailangan dito. Yung populasyon at kultura --- hiwalay din. maaari lang silang banggitin ng napakadalang sa sulatin. Ang populasyon ay totoong nakaapekto sa tuluy-tuloy na paghirap ng bansa. Ngunit maaari rin kasing tignan na kaya dumami ang populasyon ay dahil mas naging marami ang mahihirap at hindi nabigyan ng sapat na kaalaman ukol sa pagpaplano ng pamilya. Kumbaga, kung pag-aaaralang talaga kung paano nakaapekto ang populasyon sa ekonomiya ng bansa, mukhang mas lalong hahaba ang sulatin. Ang kultura naman, malaking bahagi nito ay may kinalaman sa pananakop ng mga dayuhan--silang mga nagdulot din ng napakalaking pagbabago sa mga patakarang pang-ekonomiya ng bansa. Ang kultura ay tungkol sa mga kaugalian at pagtingin sa buhay ng mga Pilipino --- na panibago na namang pananaliksik. Ito naman ay mas nasa bahagi ng Sosyolohiya. Nakukuha ba ninyo ang aking punto?

Isa pang nakakabaliw: Gustung-gusto kong pag-aralan ang bawat programang binuo ng pamahalaan simula pa noong 1960s para mapaunlad ang ekonomiya at pamumuhay ng mga Pilipino sa kabuuan. Mula sa Bell Act hanggang sa e-vat ngayon. Kaya lamang, kung iisa-isahin ko ang mga ito, mukhang sa isang taon pa ako matatapos. Hay...

May isang research paper din akong nabasa, pag-aaral sa ekonomiya ngunit nakatuon lamang sa ilang bahaging aking nabanggit. Ayoko namang gayahin lamang iyon, magmumukhang translation. Dito ipinakita niyang hindi "constant" ang paglago ng ekonomiya sa bansa. May mga "periods" simula 1960 hanggang 2002. Siguro hindi bababa sa lima yung cycles na ibinigay nya roon.

May isa ring nagsasabing ang neoliberal na patakarang pang-ekonomiya na ipinagmamalaki ng World Bank na naging dahilan ng tagumpay ng mga bansa sa Silangang Asya, ang siyang naging dahilan din ng pagkalugmok ng bansa sa utang.

Nahihirapan tuloy akong magbigay ng konklusyon at rekomendasyon na siyang PINAKAMAHALAGANG bahagi ng sulatin --- kailangang makapagbigay ako ng sa tingin kong paraan upang bumaligtad ang sitwasyon ng Pilipinas --- na hindi magagawa sa isang pitik lamang. Kung pwede lang sanang ibalik ang oras...

Hindi ko maintindihan ang aking sarili at pakiramdam ko'y mahina lang talaga ako sa comprehension at analysis... Siguro ay pagkakamali ko ring nilawakan ko nang masyado ang sakop ng aking sulatin. :(

Ngayon po ay nangangailangan ako ng tulong.
May maaari ba kayong maimungkahing paraan upang mapadali ang gawaing ito? Ito ang ilan sa aking mga naiisip:

1. Bawasan ang sakop ng aking aralin, magtuon lamang sa isang aspeto.
2. Putul-putulin ang sulatin na ito, magiging series ng mga artikulo kumbaga.
3. Gagawin kong subjective ang aking sulatin. Magmumula ang lahat ayon sa aking mga nakikita at nararamdaman. Hindi magkakaroon ng maraming facts.
4. Magpapatulong ako sa mga gustong tumulong sa paggawa ng buod (summary) ng mga artikulong aking nakuha. At mula sa mga buod na iyon ako kukuha ng konklusyon...

Sana po ay matulungan ninyo ako. Paumanhin muli at napakatagal ng proyektong ito sa akin... :)
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby Talisman on Sat Jun 23, 2007 4:12 pm

Hmm....

Sabi ko na mahaba ito... Okey lang.

Kailangan muna nating pag-isipang mabuti...


Bukas ako sa mga sasabihin ng ating mga kapatid dito.

Ano kaya sa palagay ninyo mga Batingaw ng Lipunan?

:wink:
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby dumudugong_utak on Mon Jun 25, 2007 10:31 am

Mahaba ngunit malaman... talagang hinihintay ko ang mga datos na lalabas sa iyong pagsasaliksik kasamang Gumamela...

Ilang suhestyon mula sa inyong abang lingkod... drama ko... hahahha... :lol:

1. Sang-ayon ako sa paghahati-hati ng sulatin sa ilang bahagi...
2. Mahalaga na malaman rin ng mga mambabasa kung saan galing ang mga datos...

Sayang... gusto ko sana tumulong... kaya lang hindi ko linya ang ganyang klase ng gawain... magpapaturo pa ako... kaya hinihintay ko ang pagpapalimbag nito eh... 8)
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby Gumamela on Mon Jun 25, 2007 1:27 pm

Talisman, salamat! nahihiya ako talaga. Na-overestimate ko ang aking kakayanang matapos ang pagsasaliksik na ito at na-underestimate ko naman ang dami ng kaliangang gawin para maging makatotohanan at makabuluhan talaga ang sulatin.

dumudugong_utak, maraming salamat din sa iyong mungkahi... sa series, naiisip kong maaari rin itong maging paraan para subaybayan ng mga mambabasa ang paksang ito. Kunwari, sa unang bahagi ng sulatin ay ibibigay ko ang aking introduksyon, at sisimulan ko ang sitwasyon ng pamumuhay noon. Kung hindi talaga kakayanin lahat, ay puputulin ko ito para sa susunod na isyu. Siguro maaaring igrupo ang mga subtitles na nasa balangkas ko. Hanggang sa makarating sa kasalukuyang panahon. Yung mga aspetong hindi naman gaanong nakaapekto sa kaunlaran, pwedeng pahapyaw na lamang ang kwento.

ano pong tingin nyo dito?

Ang mga datos ay nakakaintriga talaga. Nung tinignan ko, parang gusto kong sabihing ang malas ng mga kaedad ko. hehehe. :wink:

Ayoko rin muna kasing maging "biased" ang aking sulatin, bagamat kitang-kita naman kung sino/sinu-sino ang talagang pinagmulan nito. Naaalala ko rin kasi yung mga kwento ng aking mga propesor noong kolehiyo tungkol sa kasaysayan ng bansa, kahirapan, etsetera.

Nakakatuwang ibahagi ang mga bagay na iyon... Ngunit sa ngay0n, eto muna ang aking pagtutuunan ng pansin. :)
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby Gumamela on Mon Jun 25, 2007 1:31 pm

Sa totoo lang, medyo mahina rin ako makaintindi sa ekonomiks nung hayskul. Pero kaya naman. Nandyan naman ang aking nanay para mapagtanungan... Yung sa mga numero, dun ko kaya ang aking sarili. Pero sa mga terminong pang ekonomiks. Naku! nakakabaliw. Kailangan ko pang magsaliksik sa mga hindi ko alam. Tulad ng neo-liberal. Bukas nga, gusto ko sanang pumunta sa UP Diliman. May book launching ng librong tungkol sa neoliberal na edukasyon (ata) sa Pilipinas. May forum at iba pang mga pagbabahagi ng mga taong nasa larangang angkop dito. Kaya lang may trabaho. . .
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby Gumamela on Mon Jun 25, 2007 1:46 pm

Naputol ang aking gawa sa pang-ekonomiyang sitwasyon noong panahon pagkaalis ng mga hapon, hnggang mga 1960s...
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby dumudugong_utak on Mon Jun 25, 2007 2:17 pm

Isang Imbitasyon... andito na rin naman tayo at pinag-uusapan ang tungkol sa Ekonomiya...

Summit on Economic Nationalism
July 13 and 14
School of Labor and Industrial Relation
UP Diliman

Ako po ay imbitado ring dumalo... interesado naman ako...

Daragdagan ko ang impormasyon ukol dito sa mga darating na panahon...
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby Talisman on Mon Jun 25, 2007 2:30 pm

Gumamela,

Yaman din laang at ikaw ang may sulat ay marapat naman siguro na ikaw ang masunod sa magiging kabuoan ng isyong paksa.

Sereis kung series. Maganda rin ito para manatili at subaybayan ng magbabasa ang ating peryodiko.

Mababago ba ang balangkas?

Sulat mo na kaya ang draft ng unang series ng iyong paksa at ng maumpisahan na natin ang pagkikilatis? :wink:

Isipin nyo nalang ng ekonomista ang buong Pilipino, malamang di tayo naghihikahaos ngayon sa buhay. :roll:

Salamat at nasa buhay ko kayo mga kapatid kong mapagmahal sa bayan at kapwa. Pinagpala ako sa inyo.
:qhappylove:
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby Gumamela on Tue Jun 26, 2007 10:58 am

pupunta ako! :D
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby maldita on Sun Jul 29, 2007 5:29 pm

Sa sandaling panahong paglalagi ko dito'y madami na akong
natutuhan. At mga nababasang makakatulong sa akin bilang estudyante't tao.
Tulad nitong post ni Ate Gumamela. Mahusay po :D

Pag ako'y nagkaron ng pananaliksik sa eskwelaha'y akin ding pag-iigihan.:quser:
Sa aking History At Literature siguradong ako'y makakapanabay sa 'utak' ng aking
mga propesor. At sa reporting ko sa ingles ay naging inspirasyon sakin ang powerpoint
na Peryodikong Tagalog ng ating samahan. :qthumbsup: Yehey!

Mabuhay si ako! :qhappylove:
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

Postby Gumamela on Fri Aug 17, 2007 3:02 pm

NAGBABALIK . . .

Isang paumanhin ang aking ipinaabot sa lahat ng mga nag-antay sa aking sulatin. Pasensya na at hindi na ako nakadalaw dito ng mga nakaraang buwan. Napasubo na ako sa pressure at hirap ng aking trabaho kaya't ako'y nahirapang maglaan ng oras. Paumanhin at hindi ako naging magaling sa time management. Ngayon ay medyo nakahabol na ako. Ok na.

Nabasa ko ang email mula sa yahoogroups at ako'y nagising muli. Doon na lang kasi ako pahapyaw na nakakapagcheck ng mga updates.

Maldita, maligayang pagdating. Alam kong maaaring may mga bagay na marahil ay malabo pa sa iyo dahil sa pagkawala ng ilang mga miyembro. Natutuwa akong kahit papaano ay nakatulong kami sa pagpukaw ng iyong damdamin...

Talisman, bigyan mo ako ng hanggang linggo upang ipasa ang aking sulatin. Dadaanan kong muli ang aking sinulat para matanggal ang mga mali. May problema ang koneksyon ko ng internet sa bahay ngunit ako nang bahalang gumawa ng paraan para maibigay ito ng linggo. :D

Maikli (maikli nga ba!) pa lamang iyon dahil nga series. Intro lang at pahapyaw ng sitwasyon noong pagkatapos ng digmaan. Paano ko nga pala ibibigay? ipapaskil ko bang lahat dito sa forum bilang mensahe? o ia-attach ko bilang isang zip file?

:wink:
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby Gumamela on Sat Aug 18, 2007 1:46 pm

Talisman, mga tatlo hanggang apat na pahina ng papel ang inabot ng unang bahagi ng aking sulatin. Tama na ba iyon?masyado bang mahaba? taong 1946- 1963/64 lamang ang sakop nito. Pakibigyan ako ng signal kung paano ko ito ibibigay. sana umabot pa para sa peryodiko. :wink:
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby Talisman on Sat Aug 18, 2007 5:34 pm

Gumamela,

Salamat sa iyong gawa.

Maari mong i-attach dito bilang file ang kopya ng iyong tinapos na datos o kung anuman.

Babasahin namin muna bago natin pagpapasyahan ang pagpapalathala nito.

:wink:
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby maldita on Tue Aug 21, 2007 1:34 pm

Hmmm. Late na ba ako? Sa tingin ko po ay kung gagawin niyong subjective ay
mas ayos. Sapagkat hindi masyado 'mabigat' sa mambabasa. Pero depende parin sa
inyong prospect na mambabasa, kung tulad ko ba na kabataan o mas matanda pa.
Tapos na ang laban mo, Pepe. At ngayon, ako naman. :qperyodiko:
Image
User avatar
maldita
May Puwersa ng Agimat
 
Posts: 248
Joined: Tue Jul 24, 2007 11:10 am
Location: planeta kong sarili

PreviousNext

Return to Mga Proyekto

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron