Welcome
Welcome to <strong>www.agimat.org</strong>.

You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to post topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!

Unang pagsasaliksik na itinakda kay Gumamela

Mga listahan ng proyekto para sa Agimat.org.

Moderator: Lakas ng Amihan

Unang pagsasaliksik na itinakda kay Gumamela

Postby Gumamela on Sat Jun 02, 2007 11:37 am

Magandang araw! Narito po ang balangkas na aking nabuo ukol sa aking pagsasaliksik. Kung may nais kayong ipabago, mga suhestyon, at iba pang komento, ipaalam lamang ninyo at ikinagagalak kong ikonsider iyon.

Mamayang gabi ko na lang ilalagay ang mga naipon kong facts at detalye sa aking paunang pagsasaliksik. :D


***Sa bawat mungkahing ikokonsider, isusulat ko ito gamit ang ibang kulay ng font. :)
Pamagat ng Ulat:
Pilipinas, Makakabangon pa ba?
Paghahambing ng Pananalapi, Ekonomiya at Kaunlaran ng Pilipinas Noon at Ngayon


Layunin ng Ulat:

I. Malaman at maihambing ang kalagayan ng Pilipinas (kalagayang pangkaunlaran) noon at ngayon sa pamamagitan ng statistics at mahahalagang facts.
II. Makapagbigay ng isang pantay at makatotohanang pagtataya(forecast) sa maaaring kahinatnan ng Pilipinas sa hinaharap.
III. Makapagmungkahi ng mga paraang maaaring gawin upang mapigilan ang tuluyang paglubog ng Pilipinas at maiahon ang mga Pilipino sa kahirapan.


Balangkas:

I. Pilipinas Noon(Pagkatapos ng Pananakop ng mga Hapon – 1945)
i.Pananalapi at Ekonomiya
1.Pang-ilan ang Pilipinas sa Asya pagdating sa yaman at kaunlaran?
2.Gaano ang lumalabas at pumapasok na pera?
3.Anu-ano ang mga factors na nakaapekto sa kaunlaran?
ii.Populasyon
1.Pang-ilan ang Pilipinas sa Asya pagdating sa dami ng tao?
2.Ano ang birth at death rate noon?
3.Ano ang population density sa mga pangunahing lugar sa bansa?
4.Anu-ano ang mga factors sa pagdami o pagkonti ng populasyon?
5.Paano ito nakaapekto sa pangkalahatang sitwasyon ng bansa?
iii.Pulitika
1.Ano ang uri ng pamahalaan noon?
2.Sino ang mga namumuno?
3.Ano ang takbo ng pulitika (bukod pa sa pamahalaan) noon?
4.Ano ang epekto ng sistema ng pulitika sa pangkalahatang sitwasyon ng bansa?
iv.Kultura
1.Ano ang kultura ng mga Pilipino noon (bilang mga mamamayan ng bansa)? Saan ito nagmula (saan nanggaling ang impluwensya)?
2.Ano ang epekto ng kultura sa pangkalahatang sitwasyon ng bansa?

v.Teknolohiya
1. Pang-ilan ang Pilipinas pagdating sa kaangatan ng teknolohiya?
2. Paano ito nakaapekto sa pangkalahatang sitwasyon ng bansa?


II.Pilipinas Ngayon (1990 hanggang sa kasalukuyan)
i.Pananalapi at Ekonomiya
1.Pang-ilan ang Pilipinas sa Asya pagdating sa yaman at kaunlaran?
2.Gaano ang lumalabas at pumapasok na pera?
3.Anu-ano ang mga factors na nakaapekto sa kaunlaran?
ii.Populasyon
1.Pang-ilan ang Pilipinas sa Asya pagdating sa dami ng tao?
2.Ano ang birth at death rate ngayon?
3.Ano ang population density sa mga pangunahing lugar sa bansa?
4.Anu-ano ang mga factors sa pagdami ng populasyon?
5.Paano ito nakaapekto sa kalagayan ng ekonomiya ng bansa?
iii.Pulitika
1.Ano ang uri ng pamahalaan ngayon?
2.Sino ang mga namumuno?
3.Ano ang takbo ng pulitika (bukod pa sa pamahalaan) noon?
4.Ano ang epekto ng sistema ng pulitika sa pangkalahatang sitwasyon ng bansa?
iv.Kultura
1.Ano ang kultura ng mga Pilipino ngayon (bilang mga mamamayan ng bansa)? Saan ito nagmula (saan nanggaling ang impluwensya)?
2.Ano ang epekto ng kultura sa pangkalahatang sitwasyon ng bansa?

v.Teknolohiya
1. Pang-ilan ang Pilipinas pagdating sa kaangatan ng teknolohiya?
2. Paano ito nakaapekto sa pangkalahatang sitwasyon ng bansa?


III.Paghahambing at mga Pangunahing Pagbabagong Naganap
1.Paano mapagkakabit-kabit ang mga pangyayari noon at ngayon? Paano maihahambing ang mga sitwasyon? (tumaas ba o bumaba ang yaman, birth rate, etc.)
2.Kailan nagkaroon ng pinakamalaking pagbabago sa ekonomiya?
3.Anu-ano ang mga dahilan ng biglaang pagbaba/pagtaas ng ekonomiya?
4.Sinu-sino ang responsable sa mga pagbabagong ito?

IV.Isang Forecast: Paglubog at Pagbangon ng Pilipinas
i.Paglubog ng Pilipinas mula ngayon
1.Kung mananatili ang kasalukuyang sitwasyon ng Pilipinas, ilang taon bago nito maabot ang kasukdulan ng kahirapan at tuluyang lumubog?
2.Anu-ano ang maaaring maging dahilan ng paglubog na ito?
ii.Pagbangon (muli) ng Pilipinas mula ngayon
1.Anu-ano ang mga posibleng paraan o taktika ang susundin ng Pilipinas upang makaahon ito?
2.Ilang taon bago malagpasan ng Pilipinas ang pinakamayamang bansa sa Asya?
3.Sinu-sino ang maaaring makatulong sa pagpapatupad ng sistemang makapagpapaunlad muli sa Pilipinas?

V. Konklusyon at Rekomendasyon
1.Posible ba o hindi ang pagbangon?
2. Anu-ano ang kabutihang maidudulot ng pagbangon sa buhay ng mga Pilipino?
a. Moral
b. Pisikal/Pangkalusugan
c. Intelektwal/Pang-edukasyon


3.Ano ang magiging papel ng bawat isa sa pagbangong ito?
a. Mga kabataan (mga mag-aaral)
b. Mga propesyonal
c. Mga namumuno
d. Ang pangkalahatang masa

4.Saan magsisimula ang mga Pilipino?
Last edited by Gumamela on Mon Jun 04, 2007 8:14 am, edited 2 times in total.
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby Talisman on Sat Jun 02, 2007 1:35 pm

Gumamela,

Una sa lahat, napakagaling na pagkaka-outline. Nagustuhan ko na nilagyan mo ng "layunin ng ulat". Ma-ayos na pagkaka-sunod-sunod ng paksa. Magaling!

Ilang suhestyon na sa tingin ko ay maganda ring isama sa paksa ay:

1. Pag-aaral sa epekto ng populasyon, pulitika at kultura sa ekonomiya ng bansa.
2. Ang mga pangako o gantimpala ng isang mabuting ekonomiya sa bawat pamilya. (halimbawa: medicare card, pension, seeking-employment allowances, rent/housing loan assistance, atbp.)
3. Maikling paglalahad ng mga kailangang katangian mula sa isang namumuno ng bansa.
4. Ang responsibilidad ng mamamayan at ang kapangyarihan nito sa pamahalaan at mga namumuno.


Alam ko na malawak ito at malaking trabaho. Nag-iisip ako ng paraan para mas maging madali ang iyong proyekto...

Samantala, magsabi ka (o ng ating mga kapatid dito) ng suhestyon ukol sa pagbubuo ng iyong pagsasaliksik...

Mahusay ka talaga, bilib ako :wink:
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby Gumamela on Sat Jun 02, 2007 2:03 pm

PAKIUSAP: Kung may nakita kayong mga dapat palitan (maling termino, etc.) at mga bahaging gusto ninyong dagdagan, paki-quote na lamang.

Magiging malaking tulong kung magbibigay kayo ng mga "sources" o "links" na pwede kong puntahan at basahin. Ang mga libro, kahit pamagat lamang ay makakatulong.

Salamat!!

Nga pala, kailan ba ang target date ng paglalabas ng susunod na isyu ng peryodiko?
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby Talisman on Sat Jun 02, 2007 2:51 pm

Kumento ko:

Pansin ko na mukang mahabang sulatin ito. Sana ay maiwasan natin na masyadong mahaba at baka matakot sa haba ng babasahin ang ating mambabasa. :wink:

Tungkol sa link.
http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_co ... P_(nominal)_per_capita
http://www.gov.ph/files/numspeak2.jpg
http://www.business.gov.ph/Laws_Policies.php
http://www.census.gov.ph/
http://www.gov.ph/default.asp
(Biglaang tingin lang yan. Titignan ko sa susunod kung may mas detalyeng pahina o link na makakatulong)

Dagdag paksa. Tignan din natin ang epekto ng "teknolohiya" sa ekonomiya ng bansa.

Tungkol sa Deadline. Iniisip ko na pag natapos mo na itong pagsasaliksik.

Bangon Pilipinas!
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby Gumamela on Sat Jun 02, 2007 3:03 pm

Hahaha. Natatawa ako sa sarili ko. Ang iniisip kong gawin ay isang "term paper"! :lol: :lol:

Mahihilo nga ang mambabasa kapag iyon ang nilagay sa periyodiko! :shock:

Kung hindi man maiiiwasang humaba ang sulatin, putul-putulin natin ang artikulo. pwede kaya iyon? kung hindi naman, hindi ko na lang ilalagay ang lahat lahat ng mga sources.

Pero wag kayong mag-alala. Ang balangkas na ito ay kaiba pa sa balangkas ng mismong artikulo/sanaysay ko. Siyempre pagdating dito, dapat mas madrama at malikhain ang pagkakapresenta. :wink:

Salamat sa mga tulong na links, Talisman!
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby Mariposa on Sat Jun 02, 2007 3:03 pm

Ang husay mo Gumamela :P

Sana ay matapos kagad dahil sa tingin ko ay maraming magigising sa mga laman nito. :qpinoy:
Image

"Aking adhika makita kang sakdal laya."
Mariposa
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 47
Joined: Thu Apr 19, 2007 5:07 pm

Postby Gumamela on Sun Jun 03, 2007 10:39 am

Paumanhin po. nagkaroon ng problema sa koneksyon ko sa internet. Kagabi ko lang naisipang tumawag sa kanilang hotline kahit halos isang linggo na akong namomroblema. Ngayon lang umayos muli. Kaso ako'y may pupuntahan ngayon. Maaaring mamayang gabi na ako makapagdagdag sa aking ulat.o di kaya'y bukas. :)

Salamat, Mariposa!
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby dumudugong_utak on Sun Jun 03, 2007 10:57 am

Maganda ito pagkatapos... nakasisiguro ako 8)

Kung may makikita akong maitutulong gagawin ko po... ngyon pa lang ay hinahalukay ko na ang aking baol upang humanap ng mga datos namaaaring magamit... 8)
Kung nais mo na Maglingkod sa Diyos, Paglingkuran mo ang Iyong Kapwa...
User avatar
dumudugong_utak
Lakas ng Amihan
 
Posts: 195
Joined: Wed May 30, 2007 4:09 pm
Location: Katagalugan

Postby Penduko on Sun Jun 03, 2007 3:05 pm

Talagang maganda ito. Husay! :wink:
~Penduko
Image
"Mag-umpisang bigyan liwanag ang kinabukasan sa panahong kasalukuyan."
User avatar
Penduko
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 35
Joined: Thu May 03, 2007 8:55 pm

Postby Gumamela on Mon Jun 04, 2007 8:18 am

Salamat po! Dito lang ako sa opisina nakapag-internet muli. Tatapusin ko muna ang aking trabaho at babalikan ko ito. Saglit na lang to.
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby Talisman on Mon Jun 04, 2007 2:20 pm

Gumamela,

Maari mong burahin ang mga post namin dito kung kinakailangan para maging puro ang mga kumento na kailangan mo talaga sa iyong saliksik.

Gamitin mo ang "powers" mo (superhero?) bilang moderator. 8)

Magpractice ka na :lol:
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Postby Gumamela on Wed Jun 13, 2007 6:27 pm

Waaah.ngayon na nga lang ako magppost nagloloko pa ang internet sa opisina!

Gusto ko lamang pong humingi ng paumanhin at hindi ko pa natatapos ang aking ulat. Akala ko ay makakaluwag nako pagkatapos ng pagsusulat ng mga artikulo ko noong isang linggo. Ngunit heto na naman ang panibagong trabaho--ang magproofread ng mga magasin bilang paghahanda sa pag iimprenta nito.

Hindi ko pa magawang ilagay dito ang aking sulatin dahil puro ito "scratch" puro koleksyon lamang ng mga impormasyong nakuha ko. Hindi maayos. Napakabagal din ng internet ko sa bahay kaya hindi ako makapagtuloy ng gawain doon.

Sisikapin ko pa rin pong maisumite ang aking ulat sa lalong madaling panahon. Ako'y nasasabik na rin namang makita ang kalalabasan ng proyektong ito..

Sige na po muna, tapusin ko lang ang aking trabaho...
:cry:
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby makahiya on Thu Jun 14, 2007 9:10 am

Salamat po Binibining Gumamela sa iyong pananaliksik.. sa tingin ko nga po, hindi lamang ito simpleng artikulo.. mukhang "term paper" na po.. ;) napakagandang pagninilay na magsilbing liwanag sa lahat po.

Suhestiyon ko po, maaari namang hati-hatiin sa mga miyembro.. sa mga may gusto lamang po, tulad ko.. maaari kitang tulungan sa pananaliksik.. subalit ang paggawa ng komposisyon ay ipapaubaya ko na po sa inyo sa dahilang di ako bihasa sa paggawa ng mga artikulo. hehehe.

Naintindihan ko po na maraming kayong responsibilidad. Salamat po uli.
User avatar
makahiya
May Sapi ng Agimat
 
Posts: 32
Joined: Fri Jun 01, 2007 1:45 pm

Postby Gumamela on Thu Jun 14, 2007 7:01 pm

Maraming salamat Makahiya!

Uhm... Mayroon na akong mga datos. Ang pag-uugnay na lamang ng mga iyon ang aking kailangang pagnilay-nilayan para makabuo ng isang magandang diwa ng aking sulatin. May naiisip na rin naman ako. At sa totoo lang, sabik na sabik na akong maisulat ito. :lol:

Ngunit makakatulong pa rin ang mga karagdagang impormasyong maibibigay nyo. Minsan kasi, hindi rin "reliable" ang mga napagkukunan natin. Mas magandang maikumpara ang iba't-ibang mga bersyon at alamin ang mas tama.

Nga pala, baka naman mayroon sa atin dito ang mag-aaral pa, o di kaya'y nagtuturo, o basta malapit o may alam ng isang aklatan. Gusto ko sanang basahin ang librong
BOOTY CAPITALISM
The Politics of Banking in the Philippines
Paul D. Hutchcroft

Mukhang mabibigyang linaw nito ang misteryong pinakahinahanap ko sa aking sulatin. :D
Pilipinas, magsisilbi ako sa'yo.
User avatar
Gumamela
Lakas ng Amihan
 
Posts: 157
Joined: Wed May 23, 2007 4:37 pm
Location: sa lupaing pinagpala

Postby Talisman on Thu Jun 14, 2007 7:37 pm

Sige Gumamela pag-igihan mo at pagandahing mabuti ang iyong artikulo.

Hayaan mo kapag may nakita pa akong link ay isusulat ko dito.

Samantala ang nasabi mong akalatin ay saan mababasa?
"Hindi kita ibibigo, Rizal. Hindi ka mapapahiya sa sinabi mong ang kabataan ang pag-asa ng Bayan. Sila'y aking gigisingin"
User avatar
Talisman
Lakas ng Walang Hanggan
 
Posts: 313
Joined: Tue Apr 17, 2007 3:53 pm
Location: Lupang Hinirang

Next

Return to Mga Proyekto

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron