MULI:
Ang kaibigan kong editor ng isang magasing matematika (panghayskul) ay nangangailangan ng mga guro ng matematika na may kontribusyon na sa nasabing larangan. Layunin nitong magbigay ng inspirasyon sa iba pang mga guro na ibigay ang kanilang buong puso sa pagtuturo at paghubog sa katalinuhan ng kabataang Pilipino. Nais din nitong magmulat sa mga kabataang masayang maging isang guro. Ang profile ng mga mapipiling guro ay mailalathala sa kanyang magasin, na ipinamamahagi sa maraming lugar sa Pilipinas.
Nakakabit dito ang file na naglalaman ng "questionnaire" na sasagutan ng mag-aaral. Maaari lamang na i-send ito sa akin sa pamamagitan ng PM dito sa ating forum o kaya sa bb_gumamela@agimat.zzn.com.
Mapapansin ninyong may karagdagang tanong sa dulo ng questionnaire--kung ano ang nais nilang sabihin sa kapwa nila Pilipino. Ang kanilang mga sagot ay maaari kong ilagay sa isang thread na gagawin ko, nang malaman din natin ang kanilang mga saloobin.
Makakaasa kayong pangangalagaan ko at ng aking kaibigan ang anumang impormasyon ang aming makukuha.
Maraming Salamat! Isulong natin ang magandang edukasyon sa Pilipinas!
